Love Affair no. 30

72.8K 1.3K 147
                                    

"A-anong ibig sabihin nito?" Tanong ko ng sa wakas ay mahanap ko na ang boses ko. Pakiramdam ko ay naninikip na ang dibdib ko. Ang sakit lang na makita mo ang taong mahal mo na may katalik na iba. At ang malala pa ay sa kaibigan mo pa.

Nagsimula ng mag panic si Venus samantalang si Jake ay umupo lang sa kama na para bang walang nangyari.

"Mariel." Kinakabahang wika ni Venus. Hindi ko kayang tingnan ang dalawa kaya nag iwas ako ng tingin.

"Magbihis ka na." Malamig na wika ni Jake. Gulong-gulo na ko. Bakit ba ganito ang ikinikilos nya?!

Agad na nagbihis si Venus sa harap namin ni Jake. Hindi alintana ang presensya naming dalawa. Pagkatapos nyang magbihis ay tumingin muna sya kay Jake bago umalis. Hindi naman ito pinansin ni Jake. Nang dadaan na sya sa pwesto ko ay yumuko ito para siguro hindi magtama ang paningin namin.

Pagkalabas ni Venus ay narinig ko si Jake na nagbuntong hininga. Tumayo ito at isinuot ang boxer short nya.

"Jake. Kausapin mo ko. Bakit ganito? Ano bang nangyari?" Pakiusap ko dito habang naglalakad ito papuntang cabinet ay nakasunod lang ako dito.

Gusto kong malaman ang paliwanag nya. Kahit ngayon lang, magpapakamartir ako at magbubulagulagan sa kanya. Iisipin ko na lang na wala akong nakita basta kausapin nya lang ako.

"Nakakasawa ka na kaya pinalitan na kita." Dire diretsong sabi nito. Napatigil naman ako sa pagsunod sa kanya. Agad kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko para hindi nya ito makita.

Hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi totooo ang sinabi nya. Sigaw ng isip ko.

Nang makabawi ay agad akong lumapit dito at hinawakan sya sa kanyang braso. "Jake naman. Wag ka ngang magbiro ng ganyan." Pinilit kong tumawa para hindi nya malaman na nasaktan ako sa sinabi nya.

Marahas na hinawakan nito ang kamay ko para tanggalin ang nakakapit na kamay sa braso nya. "Hindi ako nagbibiro Mariel." Sandaling tumigil ito sa pagsasalita. " Sa tingin mo, seseryosohin talaga kita? Mag isip ka nga! Mag kaibang magkaiba ang estado nating dalawa Mariel! Hindi tayo bagay. Hindi ka nababagay sa akin." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Parang lahat ng sinasabi nya ay tumutusok sa dibdib ko. Ano bang nangyayari sayo Jake? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito. Okay naman tayo kanina bago ka umalis ah.

"Si VenusBakit si Venus?" Pakiramdam ko ay sobrang hirap banggitin ng pangalan nya.

"Nilandi nya 'ko. Naakit ako. May problema ba 'don?" Sabi nya na para bang napaka natural na bagay lamang ang ginawa nya.

Agad akong umiling sa sinabi nya.

"Matulog na tayo, Jake. Magiging maayos din ang lahat bukas. Pinapatawad na kita. Kung ano man ang ginawa nyo ni Venus, okay lang 'yon sa akin." Hindi okay 'yon, syempre! Pero dahil sobrang mahal kita isasawalang bahala ko na lang 'yon. Magtatanga tangahan na lang ako at magpapanggap ng okay lang ang lahat.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon