Love Affair no. 10

112K 1.7K 35
                                    

Humigpit ang yakap nya sa akin kaya mas lalo akong napalapit sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat nya dahil sa wala kaming anumang kasuotan. Tanging ang kumot lang ang nagtataklob sa aming katawan.

Kanina ko pa syang pinaaalis dito sa kwarto ko dahil mag uumaga na. Baka may makakita sa kanya pag labas nya dito. Dito na si Sir Jake nagpalipas ng gabi si kwarto ko. Naalimpungatan na lang ako kagabi ng maramdaman kong may mabigat na nakapatong sa akin.

"May gamot ka pa?" Tanong nito habang nakasiksik ang mukha nya sa leeg ko. Ang gamot na tinutukoy nya ay ang pills na iniinom ko para hindi ako mabuntis. Isa ito sa mga napagkasunduan namin.

Tumango ako.

"Sabihin mo sakin pag wala na. Ibibili ulit kita." Hindi ko na lang sya sinagot at ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Inaantok pa din kasi ako e.

Papikit na sana ako ng maramdaman ko na tinanggal ni Sir ang kumot na nagtataklob sa katawan namin at pagkatapos noon ay agad din syang pumaibabaw sa akin.

Napairap na lang ako dahil sa ginawa nya. Wala pa ata sa tatlong oras ang tulog ko kagabi dahil sa hindi nya ko tinigilan ngunit ngayon ay mag uumpisa na naman sya. Nakita ko ang pag ngisi nya.

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at inilagay ito sa ulunan ko. Sinimulan na din nya akong halikan sa aking labi. Walang anu-ano'y nawala bigla ang antok ko. Nagsisimula na ding mag init ang aming mga katawan.

Pinasadahan nya ng haplos ang aking pagkababae na naging dahilan para mawala ako sa ulirat. Napapakagat labi ako sa tuwing ginagawa nya ang bagay na iyon.

"Mariel masama pa din ang pakiramdam ni--"

Agad kong naitulak si Sir ng marinig ko ang boses ni Jupiter. Para akong binuhusan ng malamig na yelo ng makita ko sya sa tapat ng pintuan habang nakanganga. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa amin ni Sir. Agad kong kinuha ang kumot ng maalala kong wala nga pala akong kahit na anong suot.

"What?" Bakas ang pagkairita ni Sir. Wala man lang pagkabahala na mababakas sa mukha nya.

Napapitlag si Jupiter ng tignan sya ni Sir. Agad din nyang sinarado ang pinto. Napasapo ako sa noo ko ng dahil sa nangyari. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Maaaring sabihin ni Jupiter sa kambal nya at kay Manang Doray ang nangyari. Tapos malalaman din ni Ma'am Rose. Ito na ata ang katapusan ko. Gusto kong sisihin si Sir Jake ang may kasalanan kung bakit kami nahuli. Bakit kasi hindi nya inilock ang pinto nang pumasyok sya dito? Pano na lang ang mga kapatid ko pag pinalayas ako dito? Anong trabaho ang ipapalit ko?

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ano na lang tumatakbo sa isip ni Jupiter ngayon? Namalandi ako kasi inakit ko si Sir? Bwisit na buhay to! Paano na to ngayon?

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Agad ko din namang pinahid ang luha ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Sir at ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

Gusto ko syang sumbatan pero alam kong may mali din ako. Bakit kasi hindi kami nag iingat! Nakakahiya kay Ma'am Rose pag nalaman na nya ang tungkol dito. Ang bait bait ng pagtrato nya sa akin pero ganito ang igaganti ko sa kanya. Bakit ngayon ko lang na realize ang mga bagay na ito?! Ang tanga-tanga ko.

Tinanggal ko ang pagkakayakap kay sakin ni Sir at tsaka ako tumayo. Pinulot ko ang nagkalat na damit namin.

"Tama na Sir. Umalis ka na muna." Sabi ko at tinalikuran sya. Agad akong nagbihis ng damit at pagkatapos noon ay basta na lang ako lumabas ng aking kwarto. Hindin ko na tiningnan kung anong reaksyon nya.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon