Love Affair no. 37

83.8K 1.3K 101
                                    

"Hindi pwede. Susunduin ako ni Caesar ngayon." Nakita ko ang unti unting pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya.

"Ganon ba?" Hindi ko alam kung may lungkot ba akong nabahiran sa boses nito o baka imahinasyon ko lamang iyon.

Tumango ako at nagpaalam na sa kanya pati sa iba pang kasamahan ko. Nakatayo lang ako sa labas ng Resto. Mukhang matatagalan pa si Caesar dahil hanggang ngayon ay hindi pa din daw sila tapos sa kanilang ginagawa. Sabi nya sa akin ay ipapasundo na lang daw nya ako sa iba ngunit hindi ako pumayag, ayokong makaabala pa sa iba at gusto ko din naman na si Caesar ang sumundo sa akin. Handa akong hintayin sya kahit gaano pa katagal.

"Asan na daw sya?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Jake. Hindi ko napansin ang paglapit nito sa akin. Tiningnan ko lang ito sandali at ibinalik na ulit ang atensyon sa harapan ko.

"Padating na." Tipid na sagot ko. Sa totoo lang ay hindi ako komportable na makausap ito, lalo na pag kaming dalawa lang. Siguro kaya ako nakakaramdam ng awkwardness ay dahil sa may nakaraan kami. Kahit na wala na akong nararamdaman sa kanya, hindi ko pa din maiwasang makaramdam ng pagkailang.

"Pinaghihintay ka?" Nakangising sabi nito at umiling-iling pa. Medyo napikon ako sa inasal nito kaya hinarap ko ito. "Bakit? May masama ba 'don?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito.

"Wala naman." Natatawang sagot nito. "Nakakaturn off nga lang." Dagdag nito habang hindi naaalis ang ngisi sa kanyang labi.

"Sorry. Pero kahit paghinintayin nya ako hanggang bukas o kahit hanggang isang taon hinding hindi ako mateturn off sa kanya." Napansin kong natigilan ito at nablangko ang kanyang mukha. "Kahit sobrang tagal. Handa akong maghintay." Dagdag ko.

"Parang ako." Wala sa sariling sabi nya. Hindi ko nainitindihan kung anong gustong ipahiwatig nya kaya nanahimik na lang ako. Humarap na lang ulit ako sa kalsada at niyakap ang aking sarili. Nilalamig na ako, ramdam na ramdam ko ang paglapat ng hangin sa balat ko.

Kami na lang dalawa ang tao dito dahil nakauwi na ang iba pa naming kasama. Sana pala ay sumabay na lang ako sa kanila.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong hinubad nya ang suot nyang T shirt. Magsasalita na sana ako ng bigla nyang ipinatong sa balikat ko ito.

"Para kahit papaano mabawasan ang panglalamig mo." Hindi na lang ako nagsalita. Mas nailang ako sa sitwasyon dahil wala na syang suot na pang taas. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Paano ka?" Tanong ko habang nagkukunwaring nagtetext. Hindi ko kasi sya kayang tingnan kaya mas mabuting sa cellphone ko na lang ibaling ang atensyon ko.

"Ayos lang ako." Sagot nito. Ilang minuto ding namayani ang katahimikan sa amin. Walang ibang maririnig kundi ang pag ihip ng malamig hangin.

"Gaano na kayo katagal ni Caesar?" Agad akong napalingon dito. Hindi ko inaakalang mag tatanong sya sa akin tungkol sa relasyon namin ni Caesar.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon