38 : Deadly Consequences

55.8K 3.1K 2K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


         Namulat si Miller na hilong-hilo at litong-lito. Nakaawang ang manipis niyang mga labi, naniningkit ang mga mata habang mabibigat ang bawat hininga. "R-ruth... K-k-kleya.." Usal niya agad sa mga pangalan nila nang maalala ang mga huling nangyari.

        Gustong sapuin ni Miller ang mukha ngunit nagulat siya nang hindi niya ito magalaw. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit napasinghap siya nang mapagtantong nakaupo siya sa isang bakal na upuan at nakaposas ang kanyang mga kamay at paa sa bawat gilid ng upuan. 

        Nag-igting ang kanyang mga panga at napasinghap siya sa labis na galit. "Mga duwag! Pakawalan niyo ako rito!" Nagngingitngit niyang sigaw gamit ang boses na namamaos pa dahil sa panghihina. Nahinto lamang si Miller sa pagpupumiglas nang makitang hindi siya nag-iisa; nasa isa siyang malawak na silid na kulay puti at may mga upuan din sa kanyang tabi, nakaposas sa mga ito ang mga lalakeng kasamahan at sa harapan naman nila ang mga babaeng kasamahan na nakaposas din sa mga bakal na upuan. Mistulang andito silang lahat, wretched at crowned.

        "Ruth!" Agad na napasigaw si Miller nang mapagtantong ang nakababatang kapatid ang nasa kanyang tapat. Wala itong malay at nakahilig ang ulo sa likuran ng upuan. "Ruth! Ruth! Gising! Ruth!" Tuluyang nagwala si Miller habang nagpupumiglas. 

        Marahas na napabuga ng hangin si Miller nang makitang nagsisimula nang magising ang kapatid. 

        "Ruth... Ruthy look at me!" May desperasyon sa boses at mga mata ni Miller habang nakatitig sa kapatid.

        "K-kuya..." Napasinghap si Ruth nang makita siya. Agad na bumakas ang matinding takot sa mukha nito nang mapagtantong nakaposas sila sa mga upuan. "Kuya anong nangyayari?" Agad na dumausdos ang mga luha ng takot na takot na si Ruth.

         "It's okay..." Para sa kapatid, pilit na ngumiti si Miller at nagpakatatag. "Ruthy, just look at me. Hindi ka pababayaan ni Kuya, pangako 'yon. Tingin ka lang sakin okay? 'Wag kang matatakot." 

         Umiiyak man at hindi na halos makahinga dahil sa takot, napakagat si Ruth sa kanyang labi at tumango-tango habang nakatingin sa mga mata ng kapatid. "K-kuya I don't want to die..."

        "You won't! I won't let anything bad happen to you!" Mabilis na pangangako ni Miller sa kapatid, buong puso at sinseridad.

         Tumango-tango muli si Ruth.

        "Asan si Kleya?!" Parang nagpanting ang tenga ni Miller nang marinig ang boses ni Aaron. Agad siyang napatingin sa bandang kaliwa at nakita niyang katabi niya ang walang malay na si Wolfgang at ang katabi naman nito ay ang nagpupumiglas na si Aaron. Sa kanan naman ni Miller nakaupo si Shawn at katabi naman nito si Cloud at Nikel.


****

        Hilong-hilo at litong-lito si Tasha habang pilit na nagpupumiglas, huminto lamang siya sa pagpupumiglas nang mapansing nagsisimula nang magising si Wolfgang na nasa katapat niyang upuan.

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon