34 : I will protect you

72.2K 3.3K 2.4K
                                    


¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


       "Kleya, maraming magkakamukha sa--"

       "No, that was her! I swear, Miller! Something isn't right about this!" pabulong man ang pananalita, nagngingitngit na si Kleya dahil sa kalituhang nadarama. Sanay siyang may kontrol sa lahat ng bagay ngunit unti-unting nagbago ang lahat nang magsimulang mawala ang mga tao sa paligid niya, at ngayo'y pakiramdam niya'y isa na siyang bagay na pinaglalaruan.

       "You guys okay?" naguguluhang lumapit sa kanila si Nikel kasama ang kakambal na si Nina, bitbit ang mga pinamiling damit, sleeping bag, at kung ano-ano pang bagay na magagamit nila sa byahe.

        Hindi kumibo si Kleya samantalang si Miller ay napabuntong-hininga na lamang.

       "Come on, let's get going. Nasa counter na raw sila sa grocery," wika ni Miller kaya nagsimula silang maglakad. Agad na napalingon si Miller nang makitang nakapako lamang sa kinatatayuan si Kleya at animo'y nag-aalangan. "Kleya, come on," giit pa ni Miller at hinigit na mismo ang braso ni Kleya.

        Gulong-gulo si Kleya sa nangyayari lalo na sa kanyang nararamdaman. Nag-angat siya ng tingin sa mukha ni Miller habang hila-hila siya nito. Nagdadalawang-isip na siyang sumama sa paghahanap ng isa pang safehouse ni Python ngunit nagdadalawang-isip nadin siyang mahiwalay sa mga kasamahan.


****

       Napasilip si Shawn sa side-mirror ng minamanehong sasakyan, sinisiguradong nasa likuran parin ang van na lulan nina Kleya, Miller, Nikel, at Nina.

      "I heard from Nina that she and Nikel also belong to the wretched league back when they were at the Alicia sanctuary," wika ni Tasha na nasa backseat kaya naman lumipat ang tingin ni Shawn sa backseat upang tingnan si Tasha.

    Cloud chuckled at his realization. "Kung ganun, tayong mga narito ay crowned tapos nasa kabila naman ang wretched. It's a good thing there's no more rivalry between us. I mean who would've thought being attacked by serial killers would bring us closer to each other."

     "Python divided the sanctuary into two, not to just pit us against each other, but to keep our fighting spirit alive. The crowned and wretched aren't rivals to begin with, they're allies in training against the true enemy." Paliwanag ni Shawn sa mga kasamahan, buo ang tiwala at paniniwala sa samahang ilang taon na siyang kasapi.

       "True," mahinang sambit ni Tasha at ibinaling ang paningin sa bintana upang pagmasdan ang mga gusaling kanilang dinadaanan. Hindi naiwasan ni Tasha na magtaka nang mapansing kanina pa tahimik si Wolfgang na nasa kanyang tabi. Malayo ang tingin nito at mukhang nalulunod sa sariling pag-iisip.

        Iniangat ni Tasha ang kanyang kamay, gusto niyang tanungin kung okay lang ba ang binata ngunit nagdalawang-isip siya. Huminga siya ng malalim at tila ba sinuot ang maskarang lagi niyang ginagamit sa tuwing kaharap ang lahat; tinaas niya ang kilay at tumikhim bago siniko ang binata. 

Psycho next doorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora