30 : Kleya is a Gun

65.9K 3.7K 1.8K
                                    

Chapter Theme:

Space Between - Sofia Carson & Dove Cameron

Space Between - Sofia Carson & Dove Cameron

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


        "She saw what I was capable of... Kleya will never trust me again." Nakatulalang sambit ni Sister Marge, suot parin ang damit na pang madre pero sa pagkakataong ito'y hindi na niya suot ang kanyang belo. Puno ng galos ang kanyang mga braso at may tama ng bala ang kanyang kaliwang siko na kasalukuyang ginagamot ng isang nars.

        "Then gain her trust again." tipid na sambit ni Python, gaya niya ay sugatan din ito, nakaratay sa kama at hindi makagalaw dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.

       "You don't know that kid. You have no idea how her mind works," wika ni Sister Marge at pinagmasdan ang mga baril na nakalatag sa mesang nasa kanyang harapan.

       "Enlighten me, Margarette," sabi ni Python, walang kaemo-emosyon.

       "Earn her trust and she will trust you, hurt for you, and hurt with you. Lose her trust and you will lose her for good," sambit ni Sister Marge at unti-unting hinawakan ang baril. "Kleya is a gun, pull the trigger and feel her wrath."

        "You raised her well," tumango-tango si Python at pinagmasdan ang natutuklap nang mga pintura ng dingding, pati na ang mga sapot ng gagamba sa kisame. 

       "Not well enough to be tamed." Napabuntong-hininga ang ginang.

        "You can't tame a girl like her, you just gotta control her," wika ni Python.

         Biglang tumayo ang nurse at napahawak sa earphone na nasa kanyang tenga. Makaraan ang ilang sandali ay tumango ito at nagsalita. "Keep looking for them."

         "What was that, Nurse Jean?" kaswal na tanong ni Python sa nurse.

         "They still haven't found Eva, Aaron, and Ruth ever since they disappeared from the hospital," pamamalita nito. 

         "They could be dead... or taken to be one of them," kaswal na wika ni Python.

         "You can't say that. Ruth is just a kid," paalala ni Sister Marge rito.

         "And psychopaths don't give a single damn about kids unless it is their own," paalala ni Python. "Aaron is close to death, Ruth is injured, and Eva is surely not in her mindset since Punk's death. All are not in the condition to fight, even run. We gotta face the inevitable."

        Sa isang iglap bigla na lamang may kumatok kaya naman lahat sila ay agad na napatingin sa pinto. Agad na tumayo ang nars upang buksan ang pinto at agad na napatayo si Sister Marge sa gulat nang makita ang duguang si Shawn kasama ang dalawang gwardya.

       "Nahanap ko kayo," tila ba nakahinga nang maluwag si Shawn. "Sa wakas nahanap ko rin kayo!" napatingala ito, pagod na pagod.

       "Where's Kleya?! Where are the others?" bulalas agad ni Sister Marge.

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon