12 : Tables Turned

77.5K 4.1K 3.7K
                                    


Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.



12

Tables Turned 

Third Person's POV


"Hey little vulture, come out, come out, wherever you are,"


Nang marinig ang pakanta at malambing na boses ni Kleya, dali-daling tinakpan ni Vivian ang kanyang bibig at hinigpitan ang hawak sa kanyang punyal. Nagtatago ang dalaga sa isang opisina, sa ilalim ng isang mesa.


"Knock-knock!" Umalingawngaw ang boses ni Kleya kasabay nang pagbukas nito sa pinto. Dahil sa narinig, mas naging tensyonado si Vivian pero sa kabila nito ay wala siyang balak na magpatalo. Mariin niyang pinakinggan ang paligid, ang bawat hakbang ni Kleya, at ang bawat tibok ng kanyang pusong tensyonado.


"You're supposed to say Who's There!" Biglang tumalon si Kleya sa harapan ni Vivian, nanlilisik ang mga mata habang may napakalapad at nakakakilabot na ngiti sa kanyang mukha.


Napatili si Vivian dahil sa labis na gulat pero sa kabila nito ay agad niyang sinugod si Kleya sabay wasiwas ng kanyang kutsilyo sa direksyon nito. Tinangka ni Kleya na umilag, gumalaw siya pakaliwa't-kanan ngunit natamaan siya sa braso.


Dumanak ang dugo sa sahig dahil sa hiwa na tinamo ni Kleya sa kanyang braso pero sa kabila nito'y hindi pinansin ni Kleya ang sakit, bagkus ay patuloy ang dalaga sa pag-iwas sa bawat wasiwas ni Vivian sa talim ng punyal na ngayo'y may bahid na ng dugo ni Kleya.


Dahil sa paulit-ulit na pag-iwas, napasandal si Kleya sa dingding at tuluyang na-corner ni Vivian. Gigil na muling umunday si Vivian ng saksak pero agad na nahawakan ni Kleya ang kanyang pulso.


"Tapos ka na ba, Vivian?" kalmado man ang boses, punong-puno ng galit ang nanlilisik na mga mata ng dalaga.


Sa gulat, nanlaki ang mga mata ni Vivian at pilit siyang kumawala mula sa hawak ni Kleya. Mabilis ang mga pangyayari, sa isang iglap lang ay agad na nasipa ni Kleya ang mga tuhod ni Vivian dahilan para bumagsak ito sa sahig.


"That's for Apple," walang emosyong sambit ni Kleya sinipa palayo ang punyal na nabitawan ni Vivian.


"This is for Harold and Cara," sabi pa ni Kleya at walang habas na pinagsisipa si Vivian sa kanyang sikmura dahilan para halos mawalan ito ng malay. Napatingala si Kleya nang makita niyang hirap na hirap na si Vivian sa paghinga at nagdurusa na ito dahil sa labis na sakit, huminga siya ng malalim na tila ba nilalasap ang bawat sandali ng kanyang paghihiganti.

Psycho next doorOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz