28 : The Other Side

68.2K 3.5K 3K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


         Matamang pinagmasdan ni Cloud ang lalakeng pumatay sa kanyang mga magulang. Nakatali ito nang mahigpit sa upuan, may busal ang bibig at nagdurugo ang noo. Nakadilat ang mga mata nitong walang bahid ng takot sa kabila ng barena na hawak ni Cloud.

         Ngumisi si Cloud at pinaandar ito dahilan para umalingawngaw ang nakaririndi nitong tunog sa apat na sulok ng silid. Unti-unting siyang humakbang papalapit kaya napalunok ang lalake at nagsimulang magpumiglas.

          Naglalagablab ang poot sa mga mata ng nakangising si Cloud. "Nagmakaawa ang nanay at tatay ko sa'yo, nagmakaawa ako sa'yo, pero pinatay mo parin sila at iniwan mo akong buhay. Isang malaking pagkakamali na pinatay mo ang mga magulang ko, pero higit na mas malaking pagkakamali na iniwan mo akong buhay," sambit ni Cloud at sinimulang barenahin ang tuhod ng lalake dahilan para umalingawngaw ang impit nitong sigaw.

          Napapapikit si Cloud na animo'y dinadama ang bawat palahaw ng lalakeng nagpahirap sa kanya at sa kanyang pamilya. Sumasariwa sa isipan niya ang malagim na gabi ng kanyang nakaraan bagay na mas nagpapatindi pa sa kagustuhan niyang pahirapan ang salarin.

          Hindi nakuntento si Cloud, matapos butasan ang mga tuhod ng lalake, isa-isa naman niyang binaon ang talim ng barena sa bawat kuko at daliri nito dahilan para mas dumanak ang dugo sa sahig at mas tumindi pa ang impit na palahaw ng lalake.

           Saglit na lumabas si Cloud mula sa silid, hindi alintana ang dugong nagtalsikan sa kanyang mukha. Makaraan ang ilang sandali, bumalik siya bitbit ang isang bote ng suka. Ngumisi si Cloud nang makitang nanlaki ang namumulang mga mata ng salarin at walang ano-ano'y binuhos niya ang suka sa mga sugat nito.

          Parang isang napakagandang musika sa tenga ni Cloud ang bawat palahaw ng salarin, dinadama niya ang bawat sandali ng pagdurusa nito.

         "Cloud...."

         Agad na napalingon si Cloud nang marinig ang boses ni Kleya. Nakita niya ang dalaga na nakatayo sa pintuang bahagyang nakabukas. May bahid ng gulat at takot sa namimilog nitong mga mata. Gulong-gulo ang buhok nito at mukhang kakagising lang.

        "Cloud what are you doing? Cloud who is he?" Nauutal na sambit ni Kleya. Hindi kumibo si Cloud. "Cloud, who is he?!" hindi na napigilan ni Kleya na sumigaw.

        Sa pagkakataong iyon, tuluyang pumatak ang luha ni Cloud. Unti-unting lumambot ang ekspresyon sa mukha niya. "He's known as The Rural Annihilator—5 years ago he dressed up as a delivery man, spiked our drinks with drugs, and came into our house in the middle of the night. He tied us up inside my parent's room. He killed my parents right in front of me..." nahinto si Cloud sa pagsasalita nang mas tumindi pa ang pagpatak ng kanyang mga luha. "He left me alive, crying over my parents' bodies. I want him to suffer, Kleya. The way he made my parents and his other victims suffer."

Psycho next doorWhere stories live. Discover now