Love Affair no. 31

74.2K 1.5K 158
                                    

Puting kisame ang bumungad sa akin pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko. Muli akong napapikit ng masilaw sa liwanag. Sinubukan kong gumalaw ngunit napangiwi ako dahil sa matinding sakit ng katawan ko.

"Thank God gising ka na!" Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses. Nakita ko si Caesar na nakaupo sa gilid ko. Mababakas ang pag alaala sa mukha sa niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko habang inaalalayan nya akong maupo. Ang natatandaan ko lang ay pinalayas ako ni Jake at naglakad ako ng naglakad hanggang sa nawalan na ko ng malay.

"Stress daw sabi ng doctor kaya ka hinimatay. Ano bang nangyari? Nagdadrive ako pauwi ng condo tapos nakita kita. Akala ko nga kamukha mo lang. Nung tinigil ko ang sasakyan at lalapit na ko sayo bigla ka namang nawalan ng malay." Mahabang paliwanag nya.

"Si Jake? Asan si Jake?" Tanong ko. Baka kung malaman nya na nasa hospital ako ngayon balikan nya ulit ako. Baka sakaling maawa sya sa akin at pumunta sya dito para kamustahin ako.

"Pinuntahan ko sya kanina. And sad to say wala sya sa bahay nila." Sabi ni Caesar habang hinahainan ako ng pagkain.

"Kumain ka na. Kagabi pang walang laman yang sikmura mo." Ani Caesar habang itinatapat sa akin ang kutsara na may lamang lugaw.

Pilit akong umiling para hindi nya ito maipakain sa akin.

"Wala akong gana." Sabi ko at nahiga ulit. Nagtalukbong ako ng kumot para hindi nya ako makita.

Agad na nagsilabasan ang luha ko. Bigla bigla na lang. Walang Go signal. Wala kahit ano.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Ano ba talagang nangyari?" Mahinahong tanong nya.

"Si Jake. Asan sya?" Nabasag ang boses ko ng banggitin ko ang pangalan ni niya.

"Actually nagsinungaling ako sayo kanina. Nakita ko sya sa labas ng bahay nyo. May ano. Ahmm. Sht. How can I say this?" Nahihirapang tanong nya sa sarili na para bang ingat na ingat sya sa sasabihin dahil natatakot syang masaktan ako.

"Ituloy mo." Sabi ko sa gitna ng paghagulhol ko.

"May kahalikan sya sa labas ng gate. Ahm. Familiar yung babae. Parang ano. Ahm." Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang pagkirot sa dibdib ko.

A Not So Secret Love Affair (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon