TDWM11: UNLUCKY

450 12 0
                                    

JANE POV

       Naka tungangang nakatingin ako sa calling card na ibinigay sa akin ng butler nayon kanina,pagkahatid niya kasi sa akin dito sa bahay ay iniabot niya ito bago umalis and for some reason hindi ko tinapon kasi naman usually nilalamukos ko kaagad pag naiirita o hindi importante ang ibinibigay sa akin pero now ewan ko!.

    Napasimangot naman ako bigla ng maalalang pagdating ko sa bahay ay Walang katao-tao.asan na kaya ang mga yun?hinahanap kaya nila ako ngayon?gabi na kasi ng dumating ako dito at pagkarating ko ay dumiretso nalang ako sa kuwarto ko para makapag isip-isip.

    Nahagip ng mata ko ang lalagyan ng kunai na binigay sa akin ni kuya after our parents burial,Ang sabi niya ay kay mama daw ito.
     Tumayo ako at kinuha ito bago bumalik sa kama,binuksan ko ito at tumambad sa akin ang napakakintab nitong blade.may kalumaan na siya pero hindi mo maitatangi na matalim parin it at kayang-kaya makapanakit ng tao.
  
     Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit after mamatay ni mama ay tinuruan ako ni kuya na gumamit nito na Wala Naman akong natutunan dahil noong araw na tinuturuan niya ako ay puro pambubuwiset lang ang ginawa ko sa kanya,nakakatawa nga siya eh umousok na yung ilong niya sa galit.hahaha

      Kinuha ko ito sa lalagyan at hinimas ang talim nito.ang ganda ng kunai nato may nakaukit pang mga salita nasa tingin ko ay Latin,base on how it wrote here in the upper side of the blade.

      Binasa ko ito...

   "Lucis absentia tenebrae in valebit  '' bulong ko sa hangin,mabuti nalang at marunong ako bumasa ng latin.hindi naman required ang mga ganitong bagay sa tourism mostly kasi eh English ang main subject bago ang ibang lingwahe pero dahil mahilig talaga akong magbasa ay natutunan ko rin ang mga ito hindi nga lang fluent sa Latin pero naiintindihan ko naman.

     Napabuntong hininga nlang ako at itinago ulit ito sa lalagyan bago ibalik sa puwesto nito kanina.

     Hindi ko maintindihan ang pakahulugan nito pero ang alam ko lang sa bawat kadiliman ay may liwanag parang yin at yang lang ang peg!charot..napabalik ako sa kasalukuyan ng may kumatok sa pinto ko.

"Jane alam naming nandiyan ka na! buwesit kang babae ka kanina ka pa namin hinahanap alam mo ba ?ha?"boses yun Tan-tan kaya dali-dali kong binuksan Ang pinto at tumambad sa akin sina Lyn kasama si Marianne.agad silang pumasok sa kuwarto ko ng walang pasabi,hay.... siguradong tatalakan ako ng mga ito

"Saan kaba galing ha?alam mo bang pumunta na kami sa police para lang ereport na nawawala ka!"talak nanaman ni Tan-tan samantala ang dalawang babae naman ay nakasimangot na naka tingin sa akin.hay! pambihira...kasalan to ng lintik na Xerxes na Yun eh!!pag si Tan-tan na ang nagtatanong masisira ear drum ko nito

"Hoy babae sumagot ka nga! kinakausap ki--"hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng may lumipad na unan sa mukha niya.ouch!napangiwi ako dahil talagang bumagsak siya sa sahig.

"Ano ba Tan-tan ang sakit mo sa tenga!atay!"palatak naman ni Lyn sa kanya, bumangon si Tan-tan at inis na tiningnan si Lyn

"Hoy!tapunan talaga ng unan ha?"inihagis niya yung unan ko!kaya natamaan si Marianne,ayun!sapul rin sa mukha.pambihira naman oh! Paano ko ba naging kaibigan to?eh hindi nga magkasundo sundo eh...

"Bakit ako nadamay?"itinapon rin ni Marianne ang unan at nasapul si Lyn kaya ang ending nagkaroon ng world war 3 ang kuwarto ko

"TAMA NA NGA!!"Malakas Kong sigaw na nakapagpatigil sa kanila,inis na talaga ako!Ang kalat na ng kuwarto ko huhuhu mahirap mag linis alam niyo bayun?nagkalat nakasi ang mga feather sa sahig tapos yung kumot ko napunta na sa ilalim ng kama habang yung mattress ng kama ay nahiwalay na langya talaga!!!

"Pambihira naman kayo!!akala ko ba tatanungin niyo ako kung saan ako galing?eh bakit nag rarambolan kayo?ha?kinalatan niyo yung kuwarto ko!"nagpapadyak-padyak na ako sa sahig bago umupo ng parang Bata at nag tatantrums.eh.....

"Muka kang tanga"ani ni Marianne kaya mas lalo akong napasimangot

     "Oo nga hindi bagay sayo"sang ayon ni Lyn habang si Tan-tan ay tumango-tango huhuhu kuya..!!inaaway nila ako.tsk

"Tumayo ka na nga diyan ng masimulan na ang paglilitis"sabi ni  Marianne,inis na tumayo ako at tiningnan sila ng masama

"Kayo maglilinis niyan!"nagpapadyak-padyak akong lumabas sa kuwarto at tinungo ang kusina,kanina pa kasi ako nagugutom.wala pa akong kain for pity sake!!binuksan ko ang ref at tumambad saakin ang walang laman na ref!dapak!! Hindi pa pala kami na kapag groceries, putspa naman oh!! anong kabalbalan ba to?

     Isinara ko Ang ref at napada- usdos nalang huhuhu na gugutom na ako langya talaga! Xerxes Vallier! kasalanan mo lahat ito.....Ang yaman-yaman hindi man lang nagpakain letche

       Napatingin naman ako sa suot ko at Isa pang letche! hindi pa pala ako nakapag bihis ng uniform,bakit ba ang malas ko ngayong araw!maslalong lumukot ang mukha ko ng tumunog Ang sikmura ko.tsk

"Jane nagpa deliver ako ng pagkain!kain muna tayo"biglang umaliwalas ang mood ko ng marinig si Marianne sa sala kaya dali-dali akong pumunta doon only to find out na nandito na silang tatlo.tayka nga,bakit ang bilis naman nila matapos?

"Tapos na kayo sa paglilinis?"takang tanong ko sa kanila,tumango naman silang tatlo habang abala sa kakalamon ng manok!

"Hoy!tirhan niyo nga ako"at dali-daling umupo sa sofa bago kumuha ng pagkain,hay salamat.

     Makalipas ang ilang minuto ay natapos narin kami at in fairness ha!tahimik lang kaming kumain hindi gaya ng dati na nagpipikonan at nagbabangayan.

     "Hay!busog"sambit ko at dumighay pa, hahaha... napatingin ako sa kanila ng someryoso ang mga mukha nila.i don't like how they look at me.

"What?"tanong ko sa kanila

"Wag mo kaming ma what? what? Jane!simulan mo nang kumanta"pabalang na sabi ni Tan-tan, kumanta?eh hindi ko talent yun eh...

"Panget boses ko!baka makabasag ako ng salamin dito"nakita kong nagpipigil ng tawa si Lyn at Marianne kaya napakunot noo ako.may mali ba sa sinabi ko?

"Ginagago mo ba ako?ang sabi ko sabihin mo na kung saan ka galing"ah Yun pala!tsk wait ano nga ulit yun?oh-oh lagot!

 

 DARKNESS WITHIN SERIES 1: THE FEARLESS QUEEN(Completed) Unrevised VersionWhere stories live. Discover now