TDWM52: ANGER AND CONFUSION

261 7 0
                                    

Jane's POV

WALANG ganang pumasok ako sa dining area para makapag alamusal,nakayuko at parang pasan ko ang mundo sa hitsura ko ngayon. Darn!kung pwede lang na hindi pumasok ngayon ay ginawa ko na but hell!Ang dami kong pendings sa theater... letcheng menstruation!!

"Love... are you okay now?" Ngumiti ako ng tipid kay Xe na ngayon ay nag-aalalang naka tingin sa akin.

"I'm okay Xe, don't worry"Ani ko at tinapos ang pagkain bago tumayo.

"Ihahatid kita"tumayo siya at inalalayan akong maglakad. Napailing nalang ako sa isip, kahit kailan talaga napaka OA niya but he's sweet though.

"Are you really sure that you are okay?"aniya ng huminto ang kotse sa harap ng Vallier University.

Lumingon ako sa kanya "don't worry to much okay?kaya ko ang sarili ko and it just menstruation,hindi ito nakakamatay" pag a-assure ko sa kanya.

He sighed at kita sa mata niya ang pagtutul pero tumango rin ito kalaunan "okay just call me if you need anything hmm?"

Tumango ako at dumukwang sa kanya para halikan siya sa labi na agad naman niyang tinugunan.

"Bye Xe"

Napangiti nalang ako ng makalabas sa sasakyan,Hindi ko alam pero parang ang normal sa pakiramdam na halikan siya. Is this the effect of mate's bond?hay...Ewan!

Hindi muna ako pumasok sa first subject at dumeretso sa library. Kailangan ko kasing humiram ng libro about sa play namin para makasagap naman ako ng iba pang ideas.

Busy ako sa pag hahanap ng mga libro ni William Shakespeare ng biglang humangin ng malakas. Napatigil ako at kunot noong napatingin sa paligid, hangin?paano nagkahangin dito sa library?ang layo ng air-condition dito sa lugar ko. Nasa pinakadulo ako eh...

Ipinilig ko ang ulo ko at akmang hahakbang pero napahinto rin dahil sa taong nakatayo sa harap ko isang metro ang layo mula sa akin.

"What are you doing here?"malamig na tanong ko at ito na naman ang pakiramdam na naramdaman ko noong una kaming nagkita.

"Library to Tama?ano bang dahilan para pumunta ako dito?" She said in sarcastic tone bago kumuha ng isang libro at binuklat ito.

Napapalastikuhang tumingin ako sa kanya "oras ng klase ngayon kaya nagtataka ako kung bakit ka nandito.."

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga libro na nasa book shelf at kinuha ang nakita kong libro ni Shakespeare.

"Bakit ikaw?oras ng klase pero nandito ka rin? isn't that unfair?"

Hindi ko siya sinagot at tumingin lang ako sa kanya ng malamig.

Ngumisi siya sa akin bago umiling-iling "Hindi porket asawa ka ng may-ari ng school ay aabusuhin mo na"

Napatiimbagang ako,how did she know?sina Tan-tan at Lyn lang ang nakakaalam na kasal kami ni Xe at kahit kailan hindi yun ipagkakalat nilang dalawa.

"Where did you get that idea huh?"

Isang mapaglarong ngisi ang ibinigay niya sa akin pero napalitan ito kalaunan ng galit. "It's not an idea because it's the truth and sa akin nalang Yun kung paano ko nalaman"

Nakaramdam ako ng pag-usbong ng emosyon ko at bigla ring lumamig ang paligid, napakunot noo siya. Siguro naramdaman din niya ito.

"Tsk...Wala akong pakialam kung anong alam mo, just get out of my sight. Aalis na ako"madiin na ani ko at matiim siya tinitigan.

Pero ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. Isang iglap hawak na niya ako sa leeg at nakasandal na ako sa pader dito sa library. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

Kahit na hindi ko ito inaasahan ay hindi ko pinahalata na nagulat ako. I blankly stare at her.

"Remember this Royale! I will never let you happy, gagawin ko ang lahat para magdusa ka!!"madiin at puno ng pagkamuhing sabi niya.

Hindi siya pangkaraniwan....sa asta niya ngayon ay alam kong hindi siya tao. Hinawakan ko ang kamay niya ng madiin bago ito iwinakli. Tumilapon siya ng isang metro mula sa akin.

Gulat na napatingin siya sa kamay niya na ngayon ay nabalutan ng yelo bago galit na tumingin sa akin.

"Ikaw!!paanong mayroon ka paring kapangyarihan!?"

Naglakad ako papunta sa kanya bago huminto, limang hakbang nalang at makakalapit na ako sa kanya. Sinalubong ko ang nagngangalit niyang titig.

"Una sa lahat,Hindi ako si Royale. Pangalawa,Hindi Kita kilala para umasta kang malaki ang kasalanan ko sayo. Pangatlo.Wala akong pakialam sa mga gagawin mo para magdusa ako,be my guest and lastly tungkol sa kapangyarihan ko?Wala ka nang pakialam doon"

Hindi ko kilala ang isang Raine Villiaca pero nararamdaman kong nakita ko na siya sa kung saan,Wala rin akong Alam sa pagkatao niya. Ang alam ko lang ay mapanganib siya lalo na sa ipinakita niya ngayon.

Akmang susugod siya pero agad kong pinagyelo ang magkabila niyang binti.

"Damn you!!pakawalan mo ako!"nanggigil na sigaw nito sa akin.

"Don't worry,malulusaw rin yan makalipas ang apat na oras" pinulot ko ang librong hawak ko kanina na nahulog nung sinakal niya ako.

"Pagnakawala ako dito ay pagsisisihan mo!!"

Ngumiti lang ako sa kanya at yumuko ng nakaunti "hihintayin ko yan Raine Villiaca..."

Naglakad ako papalayo sa kanya,nang tumapat na ako sa exit ng library. Saka ko lang nakitang walang tao at bigla kong naalala na sirado nga pala sila pag Wednesday. Tsk....mukang naiiwan nilang bukas ang pinto,hindi ko manlang napansin ito.

Lumabas na ako at iniwan si Raine sa loob, mahinang spell lang naman ang ginamit ko kaya matutunaw rin ang yelong iyon.

Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari sa akin ngayon,gaya nalang ng mga sinasabi ni Raine. Sa paraan kasi ng pagsasalita niya kanina ay para bang kilalang-kilala niya ako noon paman.

The anger that I saw in her eyes,na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya and the emotions within me na lalong nagpagulo sa utak ko. My mind is in chaos,ni hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sa mga nangyayari sa akin.

I really need to talk Kuya,he knows me so well kaya kailangan ko na siyang makausap but before that I need to see Tan-tan and Lyn.

××××××××××××××
Hey CJinks!! pasensya na kung ngayon lang ako nakapag update medyo na blanko ako eh ....dami ko kasing ginagawa.

Enjoy reading....

 DARKNESS WITHIN SERIES 1: THE FEARLESS QUEEN(Completed) Unrevised VersionWhere stories live. Discover now