TDWM9: ABDUCTED

427 15 0
                                    

JANE POV

       Inis na kumakawala ako sa mga lalaking nakahawak sa mag kabila kong kamay,arghh buwesit

"Ano ba!!sinabi ng bitawan niyoko mga buwesit kayo!!"bulyaw ko at na nagpupumiglas,pero parang Wala namang naririnig ang dalawang ito,kung bakit ba naman naka salubong ko yung asong Dalmatian nayun hindi Sana ako mahuhuli ng mga ito!!pagnakita ko ulit ang asong Yun ay kakatayin ko siya!! ganito kasi ang nangyari kanina

      Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar,unang bumungad sa akin ay ang isang napakalaking chandelier sa mataas na kisami.nasaan ako!?Ang naaalala ko ay nasa likod ako ng school at--

   Napabangon ako ng biglang naalala ko Ang nangyari,shit!!na abducted pala ako hindi kidnapped dahil sa bata lang Yun.

   Nilibot ko Ang mata ko sa loob ng kuwartong kinalalagyan ko at base sa nakikita ko ay kuwarto ito na panlalaki,magagara rin ang mga gamit dito na sigurado akong mahal Ang mga ito,may isang set ng mga sofa at couch say harap ng king size bed na inuupuan ko ngayon in short fully furnished siya para na ngang apartment Ang kuwarto na ito at saka sa linis ba Naman ng mga tokador ay mahihiya Ang mga alikabok na dumampi dito.

   Tumayo ako at agad na tinungo ang pinto at Kung hindi ba Naman bopols ang kumuha sa akin ay talagang hindi niya nilock Ang pinto, suwerte ko naman!!.binuksan ko Ang pinto at inilabas ang ulo ko bago tiningnan ang paligid Kung Wala bang tao pero ang nakikita ko lang ay ang napakahabang pasilyo sa kaliwat kanan,hay!!sege na nga!!

     Lumabas ako sa kuwartong iyon at palinga lingang naglakad sa kanang pasilyo.habang naglalakad ay hindi ko mapigilang ma mangha sa mga nakikita ko,sa tingin ko ay antique ang bahay nato or mansion dahil parang pang medieval era ang mga desenyo sa paligid lalo na sa pader na ginamit dito,lumiko ako pa kaliwa ng makita ko ang isang liwanag na nanggaling doon kaya agad ko itong sinundan.

      Napalaki ang mata ko ng makita kung gaano kataas ang bababaan ko,oh my god!!Ang taas nito at ang haba ng hagdan,paikot kasi ang form ng hagdan at napansin ko ring nasa pinaka mataas ako na palapag.napatingin ako sa taas at bumungad sa akin ang napakalaking chandelier,mas malaki pasa kuwarto na nagisingan ko kanina.sa tingin ko ay million Ang halaga niyan sa tingkad ba naman ng mga ilaw nito.

     Dahan-dahan lang ang paghakabang ko habang pababa ako sa hagdan,nasa pang-apat na ako ng palapag ng may bigla nalang tumahol,sa bilang ko kasi ay anim na palapag Ang meron dito.napatingin ako sa walangyang aso na tumahol.may mga black spots siya sa katawan at sa tingin ay Isa siyang Dalmatian dog.

"Chill kalang doggy🐕"pang aalo ko sa aso pero putspa tumahol Ang bruho langya,agad naman akong nataranta ng makarinig ako ng yabag Kaya dali-dali ako tumakbo pababa ng hagdan,pero shit Lang!! lintik na aso hinabol ako buwesit!! huhuhuhu doggy wag kang ganyan!!

  "Tumatakas si Madame!!"nakarinig ako ng sigaw pero hindi ko yun pinansin dahil tumatakbo ako pero ngayon mukhang hindi lang aso Ang humahabol sa akin pati narin Ang naka men in black.

   Pagkarating ko sa ground floor ay luminga ako sa paligid pero putspa naman ang raming naka abang.

"Aw aw aw..aw..aw"napalingon ako sa asong tumahol at nakita Kung hawak na siya ng Isa sa mga naka men in black.

"Get her"utos ng sa tingin ko ay head butler nila,sinamaan ko sila ng tingin at nagpupumiglas pero langya talaga!!,dahil nga lalaki sila at mas malakas pa sila sa akin....

    Kaya ayun heto ako,kinakaladkad sa lugar na hindi ko Alam at oo nga pala kasama ko Yung maputing head butler nila,nasa unahan siya at naglalakad ng tuwid,tsk!!siya nga pala Hindi ko na nakita Ang lintik na asong Yun...

"Pag ako nakawala,malalagot kayo mga letche!!!"inis na inis natalaga ako...ano ba kasing kailan ng mga ito at na ngunguha ng tao?sa pagkakaalam ko ay Wala Naman akong utang o ano....malinis Ang record ko pati credentials..

    Ilang minuto pa ay huminto kami sa isang kulay itim na double door,kumatok Naman Yung letcheng put na labanos na  nangunguna kanina,bago niya buksan Ang pinto.tumingin siya sa akin.

"Pumasok na po kayo Madame"masarap sanang pakinggan Ang boses niya dahil sa tinig lalaking-lalaki talaga Kung Hindi lang ako na bubuwesit sa kanya.umirap ako sa kanya bago pa dabog na pumasok sa letcheng kuwartong ito.

    Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang napakalinis na sahig,kumikintab pa ito dahil sa linis.feeling ko nga pwede na akong manalamin dahil sa kintab nito.

   Iginala ko ang paningin ko sa loob ng silid na ito.napako Ang paningin ko sa isang painting na nakasabit sa dingding.naka guhit dito ay isang buwan na kulay pula at Ang kalahati ay dilaw.ang weird ng hitsura ng buwan na ito  kung para sa iba pero sa akin ay ang ganda niya,Ewan pero na aamaze ako sa obra na ito.

"Maganda diba?"napalingon ako ng may nagsalita at doon ko natagpuan ang lalaking hindi ko kilala, nakasuot ito ng dark green shirt na tinernohan ng black jeans.naka dekwatro pa ito na nakaupo sa couch at ngayon ko lang na realize na opisina pala Ang pinasukan ko dahil sa swivel chair na bakante na nasa harapan ko.

"Ikaw ba ang nagpadukot sa akin?"diretsang tanong ko sa kanya,isang ngiti ang iginawad niya sa akin,umayos siya ng upo.

"Well ako ang nag utos pero hindi ako mismo ang pasimuno"napataas ang kilay ko sa kanya.Is he playing with me?

"Kung ganon Sino?"tanong ko at kasabay non ay ang pagbukas ng pinto Kaya napatingin ako doon.

"Siya"narinig kong sabi niya,umawang ang bibig ko ng makilala Kung sino ang hinayupak na kumuha sa akin.

"Ikaw na Naman?Alam mo naiirita na ako sayo ha!!"bulyaw ko pero ang damoho nilagpasan Lang ako nito at dumertso sa  swivel chair.inis na nagmartsya ako papunta sa harap ng mesa niya at hindi pinansin ang lalaking nakausap ko kanina.

"Hoy!! nakikinig kaba?alam mo bang marami pa akong kailangang tapusin at Wala akong oras sa ka ek ekan mo"lintanya ko sa kanya.

"Shut up woman"kimi niyang sabi at pinagsaklop Ang mga kamay niya sa mesa...

   Aba!!matinde mga dre,utusan ba ako?tsk...

 DARKNESS WITHIN SERIES 1: THE FEARLESS QUEEN(Completed) Unrevised VersionWhere stories live. Discover now