TDWM24:HER SMILE

369 14 0
                                    

JANE POV

      Nagising ako na magaan ang pakiramdam.napatingin ako sa kabilang side ng kama.kagabi,sa kauna-unahang pagkakataon ay dito siya natulog katabi ko.i smiled,kung sana lagi nalang kaming ganito.ang saya siguro.

    Nag ayos na ako ng sarili dahil may pasok pa ako mamayang 8 at dahil early bird ako six palang ay gising na ako.bumaba ako na may ngiti sa labi.

    Nadatnan ko silang kumakain sa dining area kasama si Xerxes.

"Good morning!"I greeted to them with a smile dahilan para mapatigil sila sa pagkain at mapatingin sa akin.

    Umupo ako sa tabi ni Xe, tumingin ako sa kanya "good morning"ngumiti ako then kumuha ng pagkain bago kinain ito habang hindi parin ma wala ang ngiti ko.

    Napahinto ako ng hindi sila kumakain,tinaas ko ang kilay ko.

"What?"tanong ko.

"What's with that smile?"tanong ni Lorence sa akin.napatingin naman ako kay Xe na saktong kumibot ng kaunti ang labi niya na para bang ngingiti siya ano mang oras dahilan nag pag ngiti ko lalo.

"Bawal na bang ngumiti?"balik na tanong ko sa kanya.isang malisyosong tingin ang ipinukol nila sa amin pero hindi ko sila pinansin.

     Nagpatuloy nalang sila sa pagkain.

"Siya nga pala Xe may play kami mamaya at Isa ako sa gaganap..."alanganing ngumiti ako sa kanya "...I just wanted to know if you will come to watch?"

    Napatingin siya sa akin "what time?"

"3 pm"

"I'll try"aniya at bumalik sa daan ang tingin niya.ihahatid niya ako ngayon sa school at siya narin ang susundo sa akin.i just smiled at him kahit na medyo na disappoint ako pero ang sabi niya susubukan niya diba?

   I'll just hope that he will come.   Pagkarating sa parking lot sa school ay bababa na sana ako ng hawakan niya ang wrist ko.napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"tinitigan niya ako bago haplosin ang mukha ko.

"Take care moya zhena" Ani nito bago ako halikan sa noo.

    Tulalang napahawak ako sa noo ko habang papunta ako sa building namin.ang bilis din ng tibok ng puso ko,halos hindi na nga ako makahinga dahil sa bilis nito.

    For the ninth time I smiled again,lutang na naglakad ako sa pasilyo ng bigla akong matisod ng bato.

"Ouch ...."panira naman ng mood!!kainis! nakarinig ako ng tawa kaya napatingin ako sa gilid only to find out na pinagtatawanan ako nila tan-tan at Lyn.sinamaan ko sila ng tingin.

"Anong nakakatawa!?"inis na sambit ko sakanila.

"Ikaw..."tinuro ako ni tan-tan "....kanina kapa namin tinatawag kaya lang bangag ka yata eh,hindi mo kami narinig"

"Wagas ka pa kung makangiti, sabihin mo nga Jane.baliw kana ba?ganyan ba ang resulta ng may asawa?"gatol naman ni Lyn tapos ay nakatingin sila na para bang iisa lang ang nasaisip nila.

"Oh baka naman...nag chukchukan kayo!"sabay na sabi nila dahilan para manglaki ang mata ko at tinakpan sila sa bibig.

"Hoy!hoy!hoy!itikom niyo nga yang bibig niyo baka may karinig!langya"palatak ko sa kanila.inalis nila ang kamay ko sa bibig nila at nandidiring pinunasan ang bibig nila.

"Ano ba naman yan Jane,ang alat ng kamay mo"react ni tan-tan na sinang ayunan ni Lyn.sinamaan ko sila ng tingin.

"Anong maalat ang sinasabi niyo?ha?nag alcohol ako no!ipakain ko pa sa Inyo yun eh"asar na sabi ko. Buwesit! kaibigan ko ba talaga ang dalawang ito?makalait wagas ha!.

"Eh kung sayo ko ipakain yun?"umirap si tan-tan kaya umismid ako.

"Try mo sasabunutan kita"

"As if naman kaya mo"ani naman ni Lyn,tsk.

"Tara na nga may practice pa ako eh"hinila ko sila pa lakad.

"Wag mong iniiba ang topic Jane ha!ano nag loving-loving ba kaayo?"tinaas baba pa ni tan-tan ang kilay niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Walang nangyaring ganoon pwede ba?"inis na binitawan ko ang mga kamay nila at nagpatiunang maglakad.

"Ang bilis mo talagang mapikon!"sigaw pa ni tan-tan na tinawan ni Lyn.tinaas ko ang kamay ko na naka kuyom na nakapagpatawa sa kanila lalo.

     Hmp!kung hindi lang ako good mood ngayon, papatulan ko talaga sila.nakahabol naman sila sa akin at sabay ko silang naglakad.

"Nga pala yung play mamaya pumunta kayo,aasahan ko kayo doon"

"Maka utos ka ha?ikaw nagpapasuweldo sa amin?"nagpapadyak na nag lakad ako.ang galing talaga mang inis ni tan-tan!

"Nagpapasuweldo agad? bakit nag tatrabaho kaba?"pamimilosopo naman ni Lyn,kaya na pa ngisi ako.ano ka ngayon?

"Tsk!pakialam mo ba?"binalingan niya naman ako "pupunta kami para masaksihan namin ang pagkabaliw mo doon"tuya niya kaya napa simangot ako .

"Baliw agad?ako kaya bida doon!"hinampas naman ni Lyn ang braso ko kaya napa 'aray' ako.

"Natural, acting yun.para kanaring baliw nun"

"Hoy! it's a kind of art you Know?huwag niyo nga nilalait yung passion ko"nagkibit balikat lang sila at ngumisi sa akin.

    Naghiwalay lang kami ng landas ng magbell na at pumasok na sa kanya-kanyang room.

    Pagkaupo ko ay naka tanggap ako ng dalawang message,una kong tiningnan ang pangalan na nag appear sa screen ko.then I read it.

"8.9.4.5.15.21.20.-V:IIIV"kumunot ang noo ko.anong trip ng isang to?tsk kalokohan.

    Binasa ko naman ang unknown  number.

" I'll try to come moya zhena-Xerxes" gumuhit ang labi ko ng kaunti,inilagay ko sa contacts ko ang number niya.

    Sana makapunta ka Xe.sa gitna ng pag iisip ko ay may na realize ako.what happened to me? bakit parang gustong-gusto kong makipaglapit sa kanya?

   Nasaan na yung hate na naramdaman ko para sa kanya? parang biglang naglaho, pagkatapos ng nangyari kagabi.

   Napahawak ako sa dibdib ko.why? Why are you beating so fast?napasabunot nalang ako sa frustration.

   Simula ng makasama ko siya,I know na theirs something.a connection that I can't figure out and I wish na hindi ito magiging masama pagdating ng mga araw.

 DARKNESS WITHIN SERIES 1: THE FEARLESS QUEEN(Completed) Unrevised VersionWhere stories live. Discover now