TDWM13: SHOT

404 10 0
                                    

JANE POV

           Kakatapos lang namin mag lunch sa isang fast-food chain dito sa mall.napagkasunduaan namin na dito nalang kami sa mall kakain at pagkatapos ay mamasyal kami at sagot lahat.tsk.....kaya heto kami ngayon sa park namamasyal, mamaya pa 3 ang pasok namin kaya habang hinihintay ang oras ay nagmumunimuni muna kami dito at saka marami namang pagkakaabalahan sa park nato.

    Ang dami ngang mabibili at makakain.nakaupo lang ako ngayon sa bench habang hinihintay ang dalawa dahil bumili sila ng ice cream.tumitingin tingin lang ako sa paligid ng mahagip ng mata ko ang dalawa na papalapit sa akin.

"Oh!ito na"sabay bigay sa akin ni Lyn sa chocolate flavored ice cream na agad kong kinuha.umupo naman sila sa tabi ko at tahimik na kumain.

"Siya nga pala, kumusta si Kiel?"pambasag ni Tan-tan kaya napatingin rin si Lyn sa akin

"Ah.. hindi ko pa naiisip kung ano Ang gagawin eh,ang hirap naman kasi ng problema niya"pagdadahilan ko pero ang totoo wala namang dapat gawin o dapat problemahin dahil wala namang magiging sulosyon sa problema niya, napabuntong hininga ako.  
     Ang hirap mag tago ng totoo sa mga kaibigan mo.tumayo ako at tiningnan ang pambisig na relo bago bumaling sa kanila.

"Guys, malapit na mag 3"Sabi ko

"Anong malapit na?dai,2;15 palang!wag kang atat"napasimangot ako sa sinabi ni Lyn,oo na.oo na.ako na atat!eh sa ayaw ko malate eh

"Kahit na!baka malate ako!"maktol ko sa kanila,hinampas naman ako ni Tan-tan sa braso gamit ang palad niya kaya napadaing ako

"Ang harsh mo!"tumayo silang dalawa at inirapan ako

"Hindi tayo malelate at saka ayos lang Yun kung mangyari man Yun"tsk... nakakainis palibhasa sanay ma late ang  lalaki/babae nato.noong nasa high School kami ni Tan-tan palagi yang late kapag pumapasok at ang dahilan niya ay late siya nagigising kaya palaging pinapagalitan pero siya?walang paki.napapiling iling nalang ako.

"Bahala kayo diyan!"tumalikod ako at nag simula ng maglakad ng makarinig ako ng putok kaya napahinto ako.kasabay noon ay ang pag sigaw ni Tan-tan sa pangalan ni Lyn.

     Unti-unting nawalan ng emosyon ang puso ko ng makita si Lyn na nakahandusay sa lupa habang umaagos Ang dugo sa braso niya,habang nagkakagulo na Ang mga tao at tumatawag ng ambulansya samantala,ako ay natulos sa kinatatayuan ko.

     Mabilis na inilibot ko ang mata para malaman kung sinong hayop!Ang bumaril sa kaibigan ko ng biglang may dumaan na palaso sa gilid ko at tumama iyon sa puno na nasa likod ko.shit!

    Agad na binalingan ko ang palaso at napakunot noo ng makiting may nakaipit na papel dito kaya agad ko itong kinuha.

    Umusbong ang galit sa puso ko ng mabasa Ang nakasulat sa papel.nanginginig na ibumulsa ko ang papel at dinaluhan si Lyn na isinasakay na sa ambulansya.

"Ayos ka lang ba?"tanong ko gamit ang malamig na boses na kina bakasan ng pagkagulat ni Tan-tan.

    Ngumiti siya sa akin at tumango...

"Oo daplis lang ito,kaya ko naman pero magpapahinga muna ako"and with that,she closed her eyes

"Sino ang may gawa nito?"napatingin ako kay Tan-tan ng mag tanong siya,deretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko naparabang sinusuri niya ang mga sasabihin ko.mapait akong napangiti

"I don't know at kung sino man siya sinisigurado ko na magbabayad siya"naikuyom ko ang kamao ko ng maalala ang nabasa ko kanina.

    Tahimik lang kami habang papuntang ospital, nabigyan na ng first aid si Lyn at ang kailangan nalan ay operahan siya para matanggal Ang bala sa braso niya.isa sa parihong katangian naming magkaibigan ay ang maging mukang kalmado sa ganitong mga sitwasyon kahit sa loob loob ay hindi na kami mapakali.

    Pagkarating na pagkarating namin sa ospital ay agad dinala si Lyn sa OR habang kami ay nakaupo at hinihintay na matapos ang operasyon.

"Alam ko na may itinatago ka sa amin Jane,pero inintindi ka namin at Ang nangyari ngayon ay sigurado akong may kinalaman iyon,doon"nanatiling nakatungo si Tan-tan habang sinasabi niya iyon.hindi ko siya sinagot at tumayo nalang.

"Saan ka pupunta?"nilingon ko siya at tiningnan ng malamig

"Babalik rin ako.aayusin ko lang ang gulong ito"agad ay tinungo ko ang exit ng ospital.

     Galit talaga ako ngayon.galit na galit.!hindi ko hahayaang masaktan niyo pa ulit sila,tsk....how dare him to do this!I Know it's him.again.pagak na napatawa ako. He's so desperate.damn him!!!kinuha ko ang papel na nilamukos ko sa loob ng bulsa ng uniform ko at binasa ulit ito.

    'This is just the start, ready for the next move'

    Itinapon ko ito sa basurahan. pumara ako ng taxi at sinabi ang lugar kung saan ako bababa.makalipasa ang tatlongpong minuto  ay nakarating din ako sa wakas!madali na bumaba ako sa taxi pagkatapos kong magbayad.

     Tiningala ko ang napakataas at napakatayog na gusali na nakita ko sa buong buhay ko.dali-daling tinungo ko ang entrance ng building.

"Miss may pass po ba kayo?"harang sa akin ng isang guard kaya napahinto ako sa pagpasok, bumuntong hininga ako.

"I'm from Vallier University, nandito ako dahil iniutos sa akin ni Mrs. San Diego na kunin ang ilan sa mga confidential files para sa school"kinuha ko ang ID na nasa shoulder bag ko at ipinakita ito.good thing at hindi ko pa sinasauli ang ID no ma'am,tsk

      Nakita ko ang pag aalangan ng guard,kaya iritang tiningnan ko siya.napaghahalataang bago eh...

"Look.manong,marami pa po akong gagawin kaya padaanin niyo na ako"napakamot pa ito sa ulo bago umalis sa harap ko at pinadaan. Isang ngiting tagumpay ang  bumalatay sa labi ko.tsk uto-uto...

      Napansin ko ang mga Mata nanakatingin sa akin pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon.dere-diretsong pumanhik ako sa elevator kung saan may mga nag aabang na bumukas ito.napatingin sila sa akin ng tumabi ako pero hindi ko sila pinansin.
       Ninilibot ko ang paningin ko ng mapadako ang tingin ko sa elevator na may nakatatak na 'private' tsk mga pauso nila.

      Tinungo ko ang elevator nayun.pinindot ang button at bumukas iyon.ayos! pumasok ako at pinindot ang pinakamataas na floor.

 DARKNESS WITHIN SERIES 1: THE FEARLESS QUEEN(Completed) Unrevised VersionWhere stories live. Discover now