TDWM12: UNSPOKEN

425 12 0
                                    

JANE POV

"Ok!! guy's 30 minutes break muna tayo!"sigaw ko habang chenecheck ang plans para sa play namin this coming intramurals,dalawang araw na ang lumipas ng kinuha ako at dalawang araw narin ang lumipas na naging matiwasay ang buhay ko.hindi nagparamdam ang mokong nayun kaya ito ako abala dahil nga sa intramurals at sa mga projects and etc.

Sa loob ng dalawang araw nayun ay hindi na inungkat nila Lyn at Tan-tan Ang nangyari.ang totoo ay hindi ko sinabi kung saan ako galing,Ang dinahilan ko lang ay may importante akong inasikaso.tinanong rin nila kung ano ito pero nanatiling tikom ang bibig ko kaya simula noon,medyo naging cold sa akin si tan-tan.hindi ko naman siya masisi,magkaibigan kami pero nagsisikreto ako.ganyan talaga siya nagtatampo kapag may hindi kami sinasabi o nag lilihim kami pero mawawala rin naman ang tampo niya mga ilang araw ang lilipas.

Hay!!Sana naman hindi na ako guluhin ng hinayupak nayun,nakaka buwesit eh!napabalik ako sa reyalidad ng may magsalita sa harap ko,nag angat ako ng tingin.

"Jane,ito pala yung mga magagastos sa props at costumes..."inilapag niya ang isang folder sa harap ko then may nilapag pa siyang brown envelope sa mesa "....and yung brown envelope naman.nakalista jan ang mga gagamitin natin para sa play" tumango ako sa Secretary ng club namin

"Ok...ako na ang bahala sa mga yan you can go and take a break"napahilot ako sa sintido ko,ah...Ang hirap talaga maging responsable na estudeyante Ang daming ginagawa,mabuti nalang at Hindi ako ang naging student council president dito sa school Kung hindi, mamatay ako sa stress...thank god nasi Tan-tan ang nanalo noong naging rival kami sa posistion nayun.

Binuklat ko ang folder na inilapag sa harap ko, napahilot ulit ako sa sintido ng makita ang halaga ng magagastos, sagot naman lahat ito ng school pero letche!ang laki ng magagastos.napamura ako ng wala sa oras,biruin mo halos aabot ng 20 thousand Ang halaga ng mga props kasama narin ang costumes ng mga actors.walang-wala ito para sa iba,muka ngang barya lang ito para school.sa laki ba naman ng kinikita ng paaralang ito, sigurado milyones kada buwan ang kita dito.

Pero para sa akin malaki na ang 20 thousand,saan kanaman makakakita ng ganitong pera sa daan?tsk.kinuha ko rin ang brown envelope at binasa ang mga nakalistang gamit na gagamitin namin sa play.ang plano kasi ay magkakaroon kami ng musical,yan Ang theme namin.hindi na ako sumali dahil wala akong future sa pagkanta,hindi kasi ako biniyayaan ng diyos ng isang tinig na pangsinger.

Napabuntong hininga nlang ako at inayos lahat ng mga gamit sa mesa bago tumayo at lumabas sa Auditorium.bitbit lahat ng mga folders at envelope ay naglakad ako papuntang club room.

Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa table at inilapag Ang mga dala ko,ipapass ko pa ito sa Dean.napakunot Ang noo ko ng makitang may maliit na envelope sa mesa ko,kinuha ko ito at binuksan.

Tumambad sa akin ang isang maliit na card na may naka sulat na 'BE AWARE JANE' Naguguluhang tiningnan ko ito.ansabe? tiningnan ko ulit ang envelope ng makapa ko na may laman pa ito, only to find out na Isa itong picture na kuha sa akin kanina noong nasa loob ako ng Auditorium.

Napa upo ako ng Wala sa oras,I know it's him.alam kong siya yun,napa ngisi ako ng mapagtanto ito.ha!pinapasundan pala niya ako!talaga bang hindi niya ako titigilan? letche!.

"Ano yan?"dali-daling itinago ko ang picture at Ang card sa ilalim ng mesa bago hinarap sila

"Ah...wala,pinapabigay Lang sa akin"mapanuri ang mga tingin na ipinukol sa akin ni Tan-tan samantala si Lyn ay parang wala lang at umupo sa upuan

"Ok.."napabuntong hininga siya at ganun din ako.

"Ah..ano pala ang ginagawa niyo dito?akala ko busy kayo?"tanong ko sa kanila,Alam ko na awkward ang namamayani dito sa loob ng club room pero pilit ko paring pinapasigla Ang boses ko kahit na nanlalamig ito.

"Hindi na ba kami pwede dito?"napasimangot ako ng pabalang na tinanong ako ni Tan-tan,tsk!Sabi na nga ba eh! nagtatampo siya

"Hoy! tumigil ka nga diyan! umayos ka ha!"

"Ayos lang Lyn!"ngumiti ako ng pilit sa kanya, umiling naman siya

"Hindi eh! pumunta kami dito para magkaayos kayo, kahit wala naman dapat ayusin. ma pride lang talaga yan"matalim ang mga titig na ipinukol niya sa amin

"Pinag usapan na natin kanina,kaya umayos ka!"banta niya, umirap naman si Tan-tan at humarap sa akin bago bumuntong hininga.

"Ok...sige na,tsk.. nagtatampo parin ako dahil alam ko na may hindi ka sinasabi sa akin.sa amin"napangiti ako sa kanya, kahit hindi siya mag sorry ok lang.matagal narin naming alam na mataas ang pride niya... hahaha,napailing nalang ako.

"Ok! ganito nalang,ililibre ko kayo ng lunch sa labas"nakangiti kong sabi

"May budget ka?"nakakunot noong tanong ni Lyn,tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Tingin mo sa akin walang pera?kuripot ako,oo! pero hindi ba pwede na mang libre"napangisi si Tan-tan sa akin na ikinangiti ko, sigurado patay ako nito

"Ok..basta ako ang pipili ng kainan hahahah"ang loka nag evil laugh pa.

"Oo na.oo na"napangiti nalang ako,kinuha ko Ang bag ko at ang wallet, tiningnan ko ang laman nito.mukang kukulangin ito

"Ok!hali na kayo at mag wiwidraw muna ako dahil siguradong mamumulubi ako sa inyo"and then they laughed at me.

Hay....ang mga kaibigan ko talaga,gaya ko may pagka abnormal... for the ninth time na pangiti na naman ako.

Masay ako na may kaibigan ako na Gaya nila, minsan kalang maka hanap ng gaya nila.

 DARKNESS WITHIN SERIES 1: THE FEARLESS QUEEN(Completed) Unrevised VersionWhere stories live. Discover now