Chapter 31: Back Home

16.5K 274 40
                                    

Cornelia's POV

Lumipas na ang ilang minuto pero tulala pa rin ako. Ni hindi ko alam kung bakit di ako makagalaw.

Am I expecting Andy to return? Baka ako ang kailangang sumunod? Kasalanan ko ba? Hihingi ba ko ng sorry?

Shit. Andami kong tanong pero wala namang sagot.

Natauhan na lang ako ng may maramdaman na matigas na bagay sa kamay ko.

Dahan dahan kong binuksan ang mga palad ko at tumambad ang magkapares na sing sing. Isang panlalaki at isang pambabae.

Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.

Oo, kahit tulig ako eh di ako tanga. Rings mean something. It means your loved one wants to tie a knot with you.

I imagined Andy proposing kaya napaluha ako.

Usually naluluha ang babae sa sobrang saya. But in my case naluluha ako dahil naudlot. Naudlot dahil sa mababaw kong reaksyon!

I shook my head in denial and thought this is just a joke! Tama! Joke lang to! Andy is a spoiled brat to be serious. Theres no way he would ask for my hand to be his wife!

Lumuhod ako para buksan ang mga kahon na binagsak nya sa harapan ko. Papatunayan ko na joke lang to.

Kahit nanginginig eh tinatagan ko ang sarili ko. Una kong binuksan ang isang malaking kahon at tumambad ang isang Suit panlalaki.

I opened the second one and chill went down my spine.

Its a white dress.

Its so white that its very elegant. Kung para sa akin to eh matutuwa talaga ako pag natanggap ko to.

Dahil sa in denial pa rin ako eh dinampot ko yun natitirang envelope para buksan.

I was breathing heavily while opening it. Di ko mabuksan buksan ng maayos dahil sa panginginig ng kamay!

Di na ko nakatiis kaya pinunit ko na at dinukot ang nasa loob nito.

Nakuha ko na at shit!

Marriage papers! Marriage papers for heaven's sake!

So its not a joke! He intends to marry me and yet I destroyed him apart!

Napahagulgol na lang ako ng may pumasok sa kwarto namin.

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Mama.

"Mama!!" tayo ko sabay takbo sa kanya. Niyakap ko sya at umiyak ako sa mga kamay na.

"Mama.." iyak ko at naramdaman ko ang palad nya sa ulo ko. She was combing my hair with her fingers.

She kissed the top of my head and whispered let it out.

Umiyak pa ko ng umiyak hanggang sa mapagod.

Di rin nagtagal eh napagdesisyunan na naming umuwi. I was in a car with Mama and Tito Fred.

Actually gusto kong tanungin kung nasaan si Andy pero wala akong lakas ng loob kaya kinimkim ko na lang.

Narating na namin ang bahay at hinatid nila ko sa usual na kwarto ko.

I lied down to bed and rolled under the blankets.

Bakit ganito.. kahit naiyak ko na ang lahat eh umiiyak pa rin ako. Bakit hindi maubos ubos?!

------------------

Dalawang linggo na ang lumipas pero ramdam kong bangkay pa rin ako.

Kasalukuyan akong nakaupo sa study room para sa home school session ko.

My Evil Step Brother (COMPLETED)Where stories live. Discover now