Chapter 8: Chocolait pa more

33.4K 541 31
                                    

Andy's POV

Ouch ha, ansakit. "Di kita matatanggap kahit kaibigan pa o kapatid!"

"Drake is way much better than you! Kahit kailan di mo mapapantayan si Drake!"  isa pa yun, masakit din.

Pero alam nyo kung anong pinakamasakit? yun sampal nya! ouch grabe! pang amazona!!

Well tinanggap ko na lang, its my fault anyways.. I shouted at her, napagbuhatan ko sya ng kamay, nabastos ko sya at inatake nanaman ako ng topak ko, ang pagiging possessive ko.

Nagsimula nanaman akong iwanan ng mga taong malapit sa akin.. first Mom, then Drake and now, Cornelia.

I was this close of being friends with her, sayang.. i just ruined it, I wanna break down and cry.

Kasalukuyan akong naglalakad sa kalye pauwi.

Huh? umuulan pala, how stupid of me.. ngayon ko lang napansin. ngisi ko sa sarili.

Nakauwi na ko ng tumakbo sa akin si Manang, tagapamahala ng bahay namin. "Andy? Bat nagpaulan ka?? Dapat nagpatila ka muna ng ulan!" tarantang salubong nya.

"Okay lang Manang, Im better off as dead anyways." sagot ko at umakyat na ko ng kwarto para matulog.

Dumating ang umaga at napakasakit ng ulo ko. Grabe parang hinahampas ng baseball bat ang bungo ko.

"Andy?" biglang silip ni Manang sa pintuan.. "Malalate ka na."

"Manang pass muna ako, my head hurts like hell.."

"Ha?? ano?? t-teka tawagin ko ang papa mo.."

Pagkaalis ni Manang ay wala pang isang minutong kumaripas ng takbo si Dad sa kwarto ko. Lumuhod sya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang noo ko.

"Dyosko! ang anak ko! ang taas ng lagnat mo! papaconfine kita anak!"

"Dad O.A!! ayos lang po ako! i'll just rest!" apela ko.

"Anak naman.. sigurado ka?"

"Yes Dad.. sige na pumasok na po kayo at naaalibadbaran na ko sa presensya nyo eh!!" pilit kong tulak sa kanya.

"Sus talaga tong batang to! sige.. uh.. Manang kayo na ang bahala sa baby ko ha.."

"Haha!" tawa ni Manang. Aba malamang dahil tinawag akong baby! Jusko! Lalo akong magkakasakit nito eh!

--------------------------

Cornelia's POV

Darn this. Its been one week, di pa rin pumapasok si Andy.. is it because of me? shit.. di ako makapagaral ng maayos kakaisip sa kanya.

"Cornelia? Tara na, uwi na kita.." biglang sulpot ni Drake tapos ng klase.


"Uh.. Drake, its been a week, hindi pa pumapasok si Andy, bat kaya?" alalang tanong ko sa kanya.


"Uhh now that you mentioned it, nagaalala din ako, but then naisip ko, si Andy naman yun, so baka tinatamad lang sya. So, ano tara na?"

"Ah.. okay.." kinarga ni Drake ang mga gamit ko at sumunod ako sa kanya.

Shoot! iniisip ko pa rin si Andy, something's not right, ang panget kasi ng huling pagkikita namin.

"Uh.. may iniisip ka?"

"Ah.. o-oo yun wisdom tooth ko ulit. Ay teka! wala ka bang practice ngayon?" dahilan ko.

"Uhh.. merun, pero balik na lang ako ng gym pagkahatid ko sayo..."

My Evil Step Brother (COMPLETED)Where stories live. Discover now