Chapter 28: Donald and Daisy

17.7K 277 49
                                    

Cornelia's POV

"Pst! Andy! Gising! May seatwork oh!" sitsit ko dahil natutulog siya sa klase.

"Shut up sweetheart." he mumbled in his sleep as he turned his head away from me.

Tsk. Di ko na lang inintindi dahil di ko naman sya masisi. Lagi syang knock out sa trabaho.

Its been four months since then at nadagdagan pa ang sideline nya. Tumatanggap na sya ngayon ng projects from Tito Fred at patuloy pa rin ang pagiging musikero nya sa restaurant.

I looked at him and I felt guilty actually. Kinuha ko na lang ang seatwork nya at ako na ang tumapos nito.


Tumayo ako para ipasa ng sitahin ng professor.

"By the way Ms. Montego, next time, let your brother do his work, okay?" sipat nya kaya napayuko ako.

"Alam kong pagod kayo pero pinili nyo yang buhay na yan eh. Mas maganda siguro kung paninindigan nyo." dagdag pa nya kaya ngumiti na lang ako ng pilit.

May dumating na estudyante kaya pinabalik na nya ko sa pwesto ko.

"Sige na Daisy, umuwi na kayo." parinig nya dun sa estudyanteng kakadating kaya sarkastiko na lang akong napangisi.

Hanep din tong si Ma'am eh. Pinarinig pa nya talaga na Daisy ang alias ko kahit alam na alam naman nya ang totoong pagkatao ko.


Isama mo na rin sa pagka-adik tong si Tito Fred. Akalain mong inenroll nya kami ni Andy as Fraternal Twins named Donald and Daisy, Ano kami! Duck?!


He said he did this to protect our identity pero mukhang mas nakatawag pansin pa. Sinong kambal ang hindi sisikat sa buong eskwelahan kung ang pangalan nila ay Donald and Daisy?! Boom panes!

Bumalik na ko kay Andy para gisingin sya.

"Oist Andy, gising na. Uwian na." bulong ko at dali dali naman syang tumayo.

"Bat ngayon mo lang sinabi? Kaw talaga sweetheart oh." banat nya kaya nagsalubong ang kilay ko. Pag uwian, tayo agad?

Gayunpaman, lumabas na kami ng klase kaya nagpaalam ang mga kaklase namin!


"Bye Daisy! Bye Donald!" hirit nila kaya ngumiti na lang ako ng mapait.

Nagtaka naman si Andy kaya pinaalala ko sa kanya.

"You're Donald right?" bulong ko kaya napahampas sya sa noo nya.

"Ay oo nga pala!! Bye classmates!!" paalam nya kaya umikot na lang ang mga mata ko.


Lumabas na kami ni Andy ng eskwelahan ng biglang may humarang na sasakyan sa amin.

Hindi na lang namin ito pinansin kaya bumusina ito. Bumaba ang bintana ng nagulat akong kumakaway si-

"Drake?!" bulalas ko nang dumungaw sya.

"Nel! Andy! Musta na?!" bati nya kaya lumapit ako.

"What are you doing here?" sipat ko at ngumiti sya.

"Dont worry, Tito Fred sent me." sagot nya sabay turo sa mga maleta sa likod.

"He asked me to bring you clothes and necessities. Tara na, hatid ko na kayo!" aya nya ngunit binara sya ni Andy.

"Hatid mo mukha mo, di ka namin kailangan." sagot nito at hinatak nya ko.

My Evil Step Brother (COMPLETED)Where stories live. Discover now