Chapter 19: Dont Do unto others what you dont want others do unto you :pp

29K 357 28
                                    

Andy' s POV

"Hi Sweetheart!!" bungad ko pagkapasok ng kwarto ni Cornelia.

Tumingin ako sa kanya at wala syang ka-rea reaksyon.

"Hoy! Cornelia! ganyan ka ba talaga kasungit ha?!" higa ko sa kama nya ngunit di pa rin nya kinikibo.

"Cornelia, tayo na di ba? diba? ddiiibbaaa??!" pangungulit ko pa.

"Hoy babae! Kung ako sayo, umoo ka na! Wala na namang lalaking papatol sayo! once in a lifetime chance na to! dali, at baka magbago pa isip ko!" hirit ko pa kaya mariing napapikit ang babae.

"Hoy lalaki! ang kapal talaga ng pagmumukha mo!" tayo nya sa wakas.

"Bakit? I'm just citing reality here, think about this, wala namang nagccrush sayo sa eskwela at di naman masyadong makorte yang katawan mo, kaya logic lang diba?"

"Talaga?! sinong nagsabi ha?! sabi ni Manang cute ako!!"

"Sweetheart, iba ang cute sa maganda, the word cute is applicable to pets, and dont even count Drake porket nanliligaw sya sayo, hindi kasi 20/20 vision nun eh.. nakacontact lens yun.. pareho kami ng grado, did you notice? nakacontacts din ako.."

"Pets?! bakit ikaw, tingin mo gwapo ka?! ni wala ngang babaeng naghahabol sayo sa school eh!"

"Yan ang akala mo! Didnt you know, minimum of 10 love letters ang natatanggap ko sa isang araw?! aba, at ang sabi dun sa mga sulat, nahihiya lang daw silang magpakilala sa akin!"

"Talaga? o baka kasi ganito, binibigyan ka nila ng sulat kasi ikaw ang anak ng may ari ng eskwelahan! duh! logic din Andy! panget ka panget!!" sigaw nya ng galit na galit.

"Sobra ka naman makapanget!! kaw nga amazona, sadista, brutal, serial killer, de---"

Di ko na natuloy dahil naupo si Cornelia at nanahimik. Kinukusot nya ang mukha nya sa kunsumisyon. This time I think she's really angry.

Lumapit ako at hinawakan ang mukha nya.

"Simple lang naman ang tinutumbok ko sweetheart. Ang sinasabi ko lang naman, nandito ako para saluhin ka, dont worry.. "

"Huy Cornelia, I didnt mean to be offensive.. akin ka na lang kasi! Sige na, tara date tayo! pasukan na next week oh!" kalabit ko.

Napika sya, tumayo at tinadyakan ako!!

"Tigil tigilan mo na nga ko! At ano ka ba ha?! bakit ka ba pasok ng pasok dito?! di ka ba nagtataka kung bakit nakalock ha?! at san mo ba nakuha yang susi na yan! akin na nga!" tayo nya para sugurin ako.


"Teka nga! wag ka ngang pakialamera!" agawan namin sa susi.

"Andy! Akin na sabi eh!!" sigaw pa nya.

"Bibigay ko pag nagdate tayo!!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Nagwwrestling na kami, literal na wrestling, nagrarambol na kami. Kulang na nga lang, maghampasan kami ng steel chair nang biglang sumulpot si Manang sa may pintuan.


"Diyosko! mga bata kayo! araw araw na lang ba kayong magaaway ha! nako naman!!" pagitna nya sa amin para umawat.

"Eh Manang si Cornelia eh! kinukuha yun susi ng kwarto nya!!"

"See Manang?! susi ng kwarto ko! therefore thats mine!" sabay sugod nanaman ni Cornelia kaya hinarang na ni Manang ang braso nya.

"Hep! Hep! hay! gusto nyo ba kong mamatay ng maaga ha?! Andy! akin na!" lahad ni Manang ng kamay nya para hingin ang susi.

My Evil Step Brother (COMPLETED)Where stories live. Discover now