Chapter 24: Being Single

19.7K 295 22
                                    

Cornelia's POV

"Carly, ano bang nangyayari sa dalawang batang yan?"

Rinig ko sa boses ni Tito Fred sa labas ng kwarto ko.


This is it. Nagtataka na sila.. simula ng nangyari sa amin ni Andy, nag-iba na talaga ang hangin sa mansyon na to. Isang araw pa lang ang nakalilipas pero kapansin pansin na.

Ganito kasi ang set-up namin ni Andy: we never eat together, or should i say, di na talaga kami kumakain plus, we never go home from school together.


Alam kong darating ang araw na tatanungin ako ni Mama. Nagbilang ako ng limang segundo sa daliri ko at di nga ko nagkamali, someone knocked at my door.

Tumayo ako para buksan ito at nakita ko ang Nanay ko. Ngumiti ako sa kanya at pumasok sya ng kwarto ko.

Umupo sya sa kama ko kaya umupo na din ako. Humarap sya sa akin at bumuntong hininga.

"Hey Baby girl, are you well?" tanong niya sabay dampi ng palad sa noo ko.

"May sinat ka." dugtong nya kaya umiling ako.

"Im fine, Mom."


"Well then, why are you like this?" tanong pa niya kaya napabuntong hininga ako. Anong sasabihin ko? Na na-broken hearted ako kay Andy?

"Has this has something to do with the Wedding? Bukas na ang kasal iha, if you dont want me to do it then i wont." sabi pa nya kaya napaangat ako ng tingin.

"Ma! No! this has nothing to do with the wedding!"

"T-Talaga ba? then why are you like this?" tanong pa nya kaya ngumiti na lang ako ng pilit.

"Uhh.. w-wala naman po.."

"Really? does this concern Andy? Andy is acting the same way as you. Nag-hhunger strike kayo, ayaw nyo bang matuloy ang kasal?" birada pa nya kaya napaisip na ko.


Matagal na kong open kay Mama, nasa Sweden pa lang kami, bestfriend na ang trato ko sa kanya.

Humugot ako ng hininga dahil napagdesisyunan ko ng umamin.

"Uhh.. Ma?"

"Yes Baby girl?"

"S-Si Andy po..."

"What about Andy?"

"Uhh.. Wag kayong mabibigla Ma ha.. uhh.. i just wanted to be honest with you."

"Go on iha.."


"Uhh.. Andy--"

"OMG! Dont tell me bakla si Andy!" sabat nya kaya nashock ako.

"Bakla?! Ma naman! Hindi ah!" Ano ba tong mga tao dito! lagi na lang pinagkakamalang bakla si Andy!!

"Ay hindi ba? edi sige, please continue."

"Okay whew! so as i was saying....."

Napakawala ako ng hangin para bumuwelo. This is it.

"A-Andy and I have been going out for a month now, kakabreak lang po namin nun isang araw kaya--"

"Herre jävlar! Van Fan?!?!" biglang hiyaw ni Mama kaya natigil ako sa pagpapaliwanag.

"Hey Ma!! you just cursed!" sita ko sa kanya cause she just said "Holy Fuckin Shit! What the Hell?!"

"Anak naman! bakit? paano kailan?! Akala ko si Drake--" dire-diretsong pahayag nya habang hinihilot ang sintido nya.

My Evil Step Brother (COMPLETED)Where stories live. Discover now