Chapter 21: First Day High XD

24.2K 322 16
                                    

Andy's POV

"Kahit kailan talaga nakakatamad pumasok. Bwiset."

Bumubulong ako habang umiinom ng tubig. Kakatapos lang namin magalmusal at nandito ako ngayon sa kusina. Actually nyan, okay lang naman sakin ang pumasok eh. Ang ayoko lang ay yung gigising ka ng maaga para mag-aral!

Umiinom pa rin ako ng biglang sumulpot ang Mama ni Cornelia sa likuran ko.

"Andy?"

"Ay palaka!" dura ko sa iniinom kong tubig kaya banas akong nilingon ni Ate Marj na naduraan ko.

"Heh-Heh." tawa ko sa kanya sabay peace sign.

"Po?" lingon ko naman sa nanay ni Cornelia .

"Uhh."

"Yes?" tanong ko pa.

Hay antagal nyang magsalita, iihi pa ko ehh! tirik ng mga mata ko sa pagkainip.

"A-Andy...uhh ano.. b-baon mo.." nanginginig nyang inabot ang isang sandwich sa akin.

Huh? Baon? di ako nagbabaon noh, duh. I was about to reject her sandwich ng magabot pa sya ng isa.

"Uhh.. ito para kay Cornelia. Pakiabot din ah." nakangiti nyang tugon.

Hay buhay, nakakaguilty naman kung dedemahin ko hindi ba? oh well, kunin ko na lang.

"Okay. Thank you." sagot ko sabay tanggap ng mga tinapay at talikod.

You may think I'm rude pero Mama ko pa rin talaga ang gusto ko hanggang ngayon, kung Mother-in-law lang sana sya eh pede pa.

Paakyat na ko ng tawagin nanaman nya.

"Andy!"

"God." buntong hininga ko sabay harap sa kanya.

"What?"

"Uhh.. m-may aayusin lang ako." lapit nya sabay ayos sa kwelyo ng uniporme ko. May kinuha din sya sa bulsa nya at isinukbit ang neck tie sa collar ko.

"Eep! Tita! wag na, di ako naman nag nnecktie eh." awat ko.

"Ha? diba kasama sa uniform nyo ang necktie??" takang tanong nya.

"Well... technically yes, but..."

Awts, paano ko ba sasabihin sa kanya na ang mga delinquent na kagaya ko ay hindi sumusunod sa school uniform.

"Hmm? ah! alam ko na, di ka marunong magtali noh? dont worry, i'll tie it for you!" aniya at nagsimula na syang magtali.

Sus, what is she doing? she's creeping me out. isip isip ko.

"Yan! mas bagay sayo, mas gwapo ka pag may tie!" komento nya sabay ngiti sa akin.

"Uh okay, thanks, nga pala tita, no offense but you dont need to play the mother role to me, sanay nanaman po ako ng walang nanay." tugon ko sa tingin kong pinakamagalang na paraan.

"Uh ganun ba?" matamlay na sagot nya.

"Hey Tita, nothing personal really. Are we okay?" paglilinaw ko sa kanya kaya tumango sya.

Ngumiti ako at tumalikod ng dumating na si Drake Feelingero.

"Good Morning Drake!" bati ni Tita.

"Good Morning din po.. uhh. Handa na po ba si Cornelia?" tanong nya.

"Icheck ko lang ha." paakyat na si Tita Carly ng awatin ko sa braso.

My Evil Step Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon