Chapter 27: The Family that connive together stays together.

19.3K 326 33
                                    

Drake's POV

"They're not doing this to me! Patay sila sa akin pag nakita ko sila!" talak ni Grandma habang nakaupo ako.

Wala akong ibang magawa kundi ang magkusot ng mukha. I partly think i have a fault in this.

Kagabi tumawag si Cornelia pero di ko nasagot. Im having this feeling na kung nasagot ko ay baka napigilan ko pa sila.

Nagpakawala na lang ako ng malalim buntong hininga dahil sa pag-hhysterical ni Grandma.

She even tried to contact Tito Fred and Tita Carly ngunit di nya ma-reach.

Minuto pa ang lumipas at may nagdatingang mga pulis at NBI.

"Madam Montego, im sorry but theyve left the area." banat ng isa dito kaya napailing si Grandma.

"Saan ako nagkamali at naglayas sila ng ganito!" buntong hininga nya kaya napaisip ako ng sagot sa tanong nya.

Theyve done this cause you tried to separate them. Duh. isip isip ko.

"Fine! They want it the hard way?! Call the media at maglalagay ako ng reward sa mga ulo nila!" banat ni Grandma kaya napatayo ako.


"No Grandma, you cant do that!" apela ko. "What if they got kidnapped and ransomed!" awat ko kaya napaisip sya.

"Tama si Drake, Madam. Madaming masasamang loob ang maghahanap kela Sir Andoy pag nalaman nilang may reward money." hirit din ni Tatay Jed kaya napasimangot si Grandma.


"Well then, anong gagawin ko?!"


"I think we should look for them quietly. Pag nakita natin, dun natin kausapin." suhestiyon ko kaya napaupo sya.

"Fine, i'll just make their life miserabe. Paniguradong babalik sila dito." desisyon ni Grandma kaya wala na kong nagawa pa.

----------------------

Andy's POV

"Tsk! Nakakainis ha! Kahit anong apply ko walang tumatanggap sa akin!" sigaw ko kay Cornelia dahil banas na banas na ko.

"Eh malamang! Under grad pa tayo eh!" pilosopong sagot nya kaya dumepensa ako.

"Hindi yun sweetheart eh. Alam mo yun, pag nakita pa lang nila yun pangalan ko, tinatanggihan na nila agad."


"Is that so? Then god, i knew it."

"Knew what?"

"Knew that Grandma told those companies not to accept you!"

"Ano?! Takteng yan! Anong gusto nya? Mamatay tayo sa gutom?!"

"Hindi! ang gusto nya maging miserable tayo ng umuwi na!!"

"Not gonna happen!" sigaw ko ng mapansin kong nanonood pala sa amin si Nanay Petra.

Si Nanay Petra ay ang landlady na nagpatira sa amin.

"Galing, para akong nanonood ng teleserye." hirit nya kaya sinimangutan ko.

"Ah ganon! Teleserye?! Enjoy po ba kaming panoorin ha?!" utas ko kaya nagtatawa siya.


"Ikaw talagang bata ka! Ang cute cute mo!" komento niya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko!


"Well, i know a restaurant." dagdag na lang niya kaya kumunot ang noo ko.


"Restaurant? Ano to? Pag-aaplayin nyo ko bilang serbidor?!" banat ko kaya binatukan nya ko.

"Kala ko ba naghahanap ka ng trabaho?! Ang choosy mo!" sigaw nya kaya napahilot ako sa parteng binatukan nya.


My Evil Step Brother (COMPLETED)Where stories live. Discover now