Chapter 10: Di lahat ng tiyaga may nilaga

31.6K 465 16
                                    

Drake's POV

Shit talaga! Ang tanga tanga ko!! Kasalukuyan kong hinahampas ng bola ang ulo ko ngayon.

Tanga ka Drake! Stupid! Stupid! Bakit mo sinabi kay Cornelia yon?! Im dead! Im dead! Hawak ko na nawala pa!! hampas ko pa sa ulo ko.

"Hoy Drake! Start na daw ng practice!"

"Ha? Sige Mark sunod na ko!" sagot ko.

Di ako makamove on. Galit na galit sa akin si Cornelia. Sabagay sino nga bang hindi magagalit? Napagisip isip ko pa na, oo nga naman di ko man lang sya binigyan ng tsansang makapagpaliwanag.

Bukod pa dun, manloloko na ang tingin nya sa akin, guiltying guilty talaga ako! sinabihan ko syang mahal ko sya pero kasimple simpleng sitwasyon di ko sya pinagkatiwalaan.

Nagpapractice na kami pero hindi ako makapagconcentrate, si Cornelia lang ang tumatakbo sa isip ko! malamang kasama nya na yun mga goons na yun ngayon.. ni hindi ko man lang sya napaglaban, napakawalang kwenta ko talaga!!

"Hoy Drake! Spaced out ka!"

"Sorry coach!"

"Ano ba?! Dalawang panalo pa Drake! Makakapasok na tayo sa finals!"

"Sorry coach!"

"O sya sya! magpahinga ka na lang, you look stressed!"

"Thank you coach!"

Nakakabanas, pati laro namin napapabayaan ko na.

Umuwi na lang ako sa amin ng madatnan ang Nanay ko na nagtuturo sa kapatid ko.

"Oh Drake! Nandito ka na pala! Kumain ka na ba?" bati nya.

"Hindi pa Ma." sagot ko sabay upo sa tabi ng kapatid ko.

"Hi Dustin ano yan?" silip ko sa ginagawa nya.

"Multiplication po kuya."

"Ah, may di ka ba naiintindihan?"

"Uhm.. kaya ko naman po.."

"Ah.. kalabitin mo lang ako pag naguguluhan ka ha."

Tumango sya pagkasabi ko nito at nagsimula na kong kumain. Nakakawalang gana talaga.

Text ako ng text ng pang emo quotes kay Cornelia pero di sya nagttext back. I also tried calling her but she's not answering.

Kinikilabutan ako, naalala ko ang sinabi kong tapusin na namin to at maraming namang babae diyan.. hindi to pwede! si Cornelia lang ang babaeng gusto ko!!

I just felt betrayed that's why I bursted out but I didnt really mean anything! Swear!

Tingin ako ng tingin sa litrato nyang kinuha ko nun hinahanap namin ang pusa nya, oh god i miss her, i want to say I love you to her a million times even if I lost my voice.

"Kuya sino yan?" sabay silip ni Dustin sa phone ko.

"Ah wala, bata ka pa, di ka pa pede."

"Mama si Kuya may girlfriend na oh!"

"Ha? Talaga ba anak? Dalhin mo sya dito ha? Hay sa wakas! Pinoproblema ko na nga ang pagtandang lalaki mo eh! Masyado kang pihikan!" pang-asar ni Mama.

"Ma naman eh!! galit nga sa akin oh! wala na! tatandang lalaki na talaga ako!"

"Naku hindi anak! fight!"

My Evil Step Brother (COMPLETED)Where stories live. Discover now