Chapter 22: Rehearsal Dinner

23.2K 296 22
                                    

Cornelia's POV


"Aray ha!" biglang gising ko ng may humampas sa noo ko.

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad ang braso ni Andy sa mukha ko.

"Grabe!" tabig ko sa braso nya.

Bumangon ako at hinugot ang isang earbud na nakasalpak sa tainga ko. Tinulak ko si Andy para dun sya humarap sa pader.

"Sobra naman to matulog." inis na bulong ko.

Sabay kasi kaming nakatulog habang nakasalpak ang tigisang earbud sa mga tainga namin.

Nandito kami ngayon sa study room para sa isang project. Nakalatag ang napakalaking papel at gumagawa kami ng landscape portfolio.

He isnt supposedly my partner. Kaso binully nya ang prof kaya no choice. Takot lang ni prof sa kanya.

I looked at the clock and its 1 am.. darn this, due date na to bukas eh!

Di ko na ginising si Andy at sa halip pinagpatuloy ko na lang ang project..

Sabagay, di ko rin naman sya masisisi, naging busy kami nitong mga nakaraang linggo.. ilang linggo na ba mula nung nagstart ang sem? almost five?

Yep! nagmonthsary na kami ni Andy. Nakakaloko man pakinggan, masaya din ako.. i think im really good for him, think about this, tumaas ang grades nya, naging matino syang kausap (minsan) at nagmature sya. Nice right?

Bukod dun, our relationship had gotten deeper.. alam nyo yun? seryoso na ata kami, we kiss a lot, at pag sinabi kong a lot, madalas talaga, we even kissed torridly and french kissed but we never went as far as to having sex.

Sa tingin ko nga nahahalata na kami eh.. I mean, Manang even caught us making out pero mas pinili nyang manahimik.. and Drake? well 2 weeks ago, babastedin ko na sana sya kaso pinigilan ako ni Andy.

Two weeks ago, I was gonna join Drake for lunch... dun ko na rin sana sasabihin sa kanya na tumigil na sya.

"Sweetheart wag na!" awat sa akin ni Andy nung araw na yon.

"Huh?" lingon ko sa kanya. "Di ba suggestion mo to?"

"Oo nga pero maggets nanaman nya yun diba? hayaan mo na sya, baka tumalon pa yan sa rooftop, madamay pa tayo."

Napangiti na lang ako tapos nyang sabihin yon, alam nyo kung bakit? its obvious, Andy still cares for Drake. Kung wala syang paki kay Drake, hahayaan lang nya itong mabrokenhearted.

As time goes, nakukuha ko na rin ang ugali ni Andy.. infairness nalulunok ko na naman ang attitude nya, cute naman kahit papaano, pero hanggang ngayon di ko pa rin mabanggit banggit sa kanya ang salitang "I Love you too."

Ewan ko ba, nahihiya ata ako o naduduwag, plus, ayoko rin masyadong ma-attach sa kanya. His Dad is gonna be my dad.

And speaking of them, bukas na pala ang Rehearsal Dinner nila Mama at Tito Fred, at tatlong araw tapos nun, ikakasal na sila. Alam kong mabubuko at mabubuko din kami kaya mabuti pang di kami masyadong lulong sa isat isa at baka magkahiwalay din kami.

Nagsimula na kong magdrawing para tapusin ang project.

Lumipas ang isat kalahating oras at natapos ko na ito.

Tumayo na ko at nag-inat. Lumingon ako kay Andy at natutulog pa rin sya. Sinipa ko na lang para gisingin.

"Pst! Andy! gising na diyan!" tadyak ko sa kanya pero di pa rin sya nagigising.


My Evil Step Brother (COMPLETED)Where stories live. Discover now