Chapter 15: @ Socialite's Party

30.5K 424 57
                                    

Cornelia's POV

"Nelly! Cupcake!! Try this on oh!"

Di ko alam kung nakakailang facepalm na ko. Ginagawa akong dress up doll ng lola ni Andy. Bukod pa dun, tinatawag nya kong cupcake! Ano pa bang gusto nilang itawag sa akin?! Egg pie? suman? o bukayo?!

"Ah, sige po." sabay abot nya ng tube dress na halos tutu na ang laylayan.

"O kitam! Ganda!! Youre gonna be the cutest girl there!" aniya ng tuwang tuwa pagkasuot ko.

"Hey Grandma?" sabay katok naman ni Andy sa pintuan, napatingin sya sa akin pero umiwas din agad.

"Yes Andreo?"

"Grandma pede ba ko sumama sa event?"

"And why is that huh?" pamewang ni Grandma. "Kung sasama ka lang para kay Cornelia then its a no!"

"Hindi ah! kasi, ano.. yun tropa ko, si Archie.. naalala nyo? sige na! magbbonding daw kami!!"

"Okay! Okay! Just wear your usual suit!" dedma ni grandma with matching tsupi hand gesture pa kay Andy.

"Yes!" sigaw ng lalaki at kindat sa akin.

Huh? Ano yun? Weird. isip isip ko.

Grandma made me wear heels and she also did may hairdo.

"You know what? I really like you cupcake, alam mo, lahat ng merun ako, ibibigay ko sayo!" komento nya kaya nasamid ako.

"Uh.. grandma.. wag na, okay lang po." tanggi ko.

"No! No! I insist! youre the granddaughter im dreaming of! Sayang lang at naging lalaki si Andreo hmp!"

Tumawa na lang ako ng pilit at napabuntong hininga sa sakit ng ulo. Jusko! Ano ba tong pamilyang pinasok ko!

Di rin nagtagal, bumaba na si Andy and he's wearing a suit. Honestly? he looks hot and dashing, but I try not to care.

"Tara na nga Grandma! malalate na tayo! wag nyo ngang gawing coloring book yang mukha ni Cornelia!!" padyak nya.

"Tse! Huwag mo syang pansinin cupcake ha.. nagseselos lang sya kasi ikaw ang favorite grandchild ko." sabi nya sa akin ng nakanguso. Oh cmon!

Palabas na ko ng kwarto ng biglang tawagin ni Grandma.


"Ah! Wait! Cupcake!"

"Po?"

Lumapit sya sakin at sinuotan ako ng diamond necklace.

"This is my gift to you, welcome to the family Cornelia.." aniya sabay halik sa pisngi ko.

"Sige na mga bata, mauna na kayo sa sasakyan." bilin nya kaya bumaba na kami ni Andy.

Ano ba naman to! ngayon wala na kong takas, sinuhulan na nya ko ng diamond necklace!! pagmamaktol ko.

Nakasunod ako kay Andy hanggang sa marating namin ang sasakyan. At isa pa tong lalaking to. Walang kabahid bahid ng pagkagentleman sa sarili, ni hindi na nga ko pinagbuksan ng pinto, inunahan pa ko! hanep! Makaupo na nga lang!

I was checking my phone when he violently grabbed my face.

"Tsk! badtrip talaga yang si Grandma oh! anong kala nya sa mukha mo rainbow?!" reklamo nya sabay punas ng wet tissue sa mukha ko.

"Aray! Dahan dahan naman! e ikaw? anong kala mo sa mukha ko? kahoy tapos yang tissue, sandpaper!!"


"Sorry naman! Hindi mo kasi kailangang magkolorete!" dakdak pa nya.

My Evil Step Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon