Shattered Memories - Chapter 21

8.5K 373 14
                                    

Chapter Twenty One

Naunang magising si Ishi nang sumunod na araw. Makayari niyang maligo ay tinungo niya ang kusina. Naabutan niya ang mga katulong roon. Magalang na binati siya ng mga ito kahit na napakitaan niya ng kabastusan ang mga ito kahapon.

"Ma'am, ang aga niyo namang nagising," ani Maria. "Hindi pa ho kami nakakaluto ni Beth."

"Naku, okay lang." Nginitian niya ito. "Ano ba ang lulutuin niyo? Puwede bang ako na lang ang magluto? Kaso hindi naman ako marunong," natatawang wika niya.

Lumaki siyang prinsesa sa puder ng kaniyang ama. Kahit kalian sa kaniyang pagkabata ay hindi niya nasubukang magwalis, maglaba, maghugas ng plato, at magluto. Nasanay kasi siya na may ibang tao na gumagawa niyon para sa kaniya. Natutunan din naman niya ang ilan sa mga bagay na iyon. 'Yon nga lang ay hindi niya maalala tulad ng pagkalimot niya sa mga napag-aralan niya tungkol sa medisina at talento niya sa pagdidisenyo ng mga damit.

Malapad na ngumiti si Maria. "Ay, Ma'am! Marunong ho kayong magluto. Minsan nga kapag nagpapacute kayo kay Sir Robert kayo ang nagluluto ng dinner."

Her eyebrows furrowed. "Really?"

"Opo. Ano ba ang gusto niyong iluto para kay sir?"

She unconsciously scratched the back of her nape. "Uhm, eh... may ingredients ba tayo para sa Hawaiian chicken barbecue?"

"Siyempre naman Ma'am!"

Sinimulan na niya ang kaniyang pagluluto. Habang isinasagawa iyon ay tinuturuan naman siya ng dalagang katulong nila. Madali lang namang iluto ang napili niyang recipe kaya hindi siya nahirapan sa pagsunod sa mga simpleng instructions ng katulong. Wala pang katagalan ay luto na ang ulam.

Nasa akto siya ng paglalagay ng pagkain sa lamesa nang dumako ang mata niya sa pinto ng kusina. Papasok si Robert. Magulo pa ang buhok nito at medyo naninigkit ang mga mata.

"You're awake early," he stated in a coarse voice.

"Ikaw din naman."

"Nawala ka kasi sa tabi ko. Akala ko kung saan ka nagpunta."

By the way he said it, he sounded concerned and worried. A small smile curved on ishi's lips. "I cooked for you."

He had a wide smile. "Talaga?" galak na tugon nito. Hindi pa man nakakatango si Ishi ay mabilis na itong nakalapit. "Maria pakuha nga ng tinidor." When he got his fork, he immediately stabbed a piece of chicken with it then heartily shoved it inside his mouth. "Sarap," he mumbled still smiling.

Kusang ginantihan ni Ishi ang mga ngiti sa kaniya ni Robert. "Thank you."

Sabay nilang pinagsaluhan ang pagkain na iyon. Sinadya ng mga katulong na humiwalay para masolo ng mag-asawa ang momentum. Masaya si Ishi na nagustuhan ni Robert ang kaniyang inuluto. Pero mas labis ang tuwa ni Robert. He considered her act as kind and sweet. Pakiramdam niya ay bumabalik na ang Ishi na nagsisilbi dati sa kaniya.

He is very happy.

Napansin niyang kaunti lang ang kinain ni Ishi dahil mabilis itong natapos samantalang nakakailang subo pa lang naman ito. "Ayaw mo na?"

"Oo, tataba ako."

"Just eat. Wala namang kaso sa akin kung tumaba at lumobo ka. I like my wife healthy. 'Wag mong isipin ang pagmaintain ng mala-bote na figure. Sa akin ka lang naman dapat nagpapasexy."

Ramdam ni Ishi ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi. "Magkakabilbil ako ano ka ba!"

"Okay lang 'yun. Magpataba ka. Masarap ang babaeng malambot. Tapos papisil na rin ako ng tiyan mo."

She laughed. "Siraulo!" Natatawa siya sa mga pinagsasasabi ni Robert, pero deep inside ay nakakaramdam siya ng kilig.

Dahil sa mga sinabi ni Robert, dinamihan na niya ang kain kahit pa nag-aalangan siya na dumami ang cholesterol niya sa katawan. Sa umagahan nilang iyon, tiyak niyang naparami ng sobra ang kain ni Robert. Ikinatuwa niya iyon dahil alam niyang kaya ito kumain ng ganoon ay dahil siya ang nagluto. Parehas silang busog.

* * *

"Alam mo ba kung paano kami nagkahiwalay ni Delvert?" singit ni Ishi habang nanunuod sila ng telebisyon. She just wanted to know how much Robert knows about her ex-boyfriend.

"Sabi mo sinawaan ka," tugon nito na hindi lumilingon.

"Ganu'n lang?"

Kumunot ang noo nito. "Ano ba pa ang gusto mong marinig. Magkasama kayo kahapon 'di ba?"

Her lips parted in shock. She couldn't respond immediately.

"So magkasama nga kayong dalawa kahapon?"

"N-No... of course not!"

He smiled sadly. "You don't have to lie. I can see when you are lying. I'll know, when you lie."

"Bakit mo alam na kasama ko siya kahapon? Were you spying on me?! O baka naman may inutusan ka para manmanan ako!"

"I didn't. To be honest, I don't really know that you were with him yesterday. I just had the hunch."

"Fine! Oo, magkasama kami kahapon. Masama ba? Hindi naman ako nakipagkita sa kaniya. Nagkataon lang na pumasok ako sa Seven Eleven at nandoon din siya. Wala naman kaming ginawa na masama kahapon. Nag-usap lang kami."

Pilyong napangisi si Robert. "Sigurado ka?"

"Oo nga!"

He grinned widely. "Ano naman ang mga napag-usapan niyo kagabi? Don't tell me you told him about what happened after the night I saw you kissing him!" babala niya.

"Sinabi ko. Sinabi ko lahat ng katarantaduhan mo. He actually suggested na makipaghiwalay na ako sa'yo. He thinks you're an asshole. Sa tingin niya hindi ka deserving para sa akin, na hindi ako dapat magtiyaga sa'yo. Delvert also said that he'll help me with the case if I decided to file a divorce."

Robert's facial expression hardened. Kitang-kita ang pagtagis ng matalim na panga nito. "I don't like that guy. He's the asshole here! Can't you see that he is manipulating you?!"

"He is not manipulating me!" madiing sagot ni Ishi. "Totoo ang ilan sa mga bagay na sinabi niya, Robert. Hindi niya ako minamanipula."

Napanganga si Robert sa asawa. Hindi siya makapaniwalang tila pinapanigan pa ng kabiyak ang dating nobyo nito. "And look at you. Ano na ngayon ang mangyayari? You will file a divorce case like he told you to do?"

"No."

"No?" he questioningly repeated.

"No, I know I married you for a reason. As much as possible, ayaw kong gumawa ng desisyon habang hindi ko pa naaalala ang lahat." Ginagap niya ang kamay ni Robert, then she intertwined her fingers with him. "You don't have to be mad. Nag-usap lang kami. Hindi kita hihiwalayan, unless I find a reason to."

Mahigpit na yumakap si Robert kay Ishi. "You won't. I love you and you love me. We are real, and we are the best. You don't have to listen to Delvert. Panggulo lang ang gagong 'yon."

She hugged him back. She smiled when she felt him nuzzling her neck and slowly planting small kisses on her skin. Ramdam niya ang takot ng mister na mawala siya sa piling nito. Masuyong hinimay niya ang buhok nito habang magkayakap sila. "What about Ella?"

"Masarap 'yung Hawaiian chicken barbecue kaya ikaw ang mahal ko. Don't think about her. I'm all yours."

"Hindi naman gan'un kasarap 'yung niluto ko kanina. Bolero na 'to."

"Basta ikaw, masarap."

Inilayo ni Ishi ang kaniyang mukha rito upang magtama ang kanilang mga mata. His dark brown eyes bore to hers. "Ako lang ang mamahalin mo, Robert. Ako lang."


Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now