Shattered Memories - Chapter 4

23.7K 645 20
                                    

CHAPTER FOUR

He sighed due to frustration. "Fine! Nahuli mo ako na may kasamang ibang babae, is that what you want to hear? Look, ayaw ko na sanang sabihin 'to sa'yo dahil alam kong magagalit ka na naman. Nagsisisi na ako, okay? Baby, I really want to make it up to you, promise I'll be good to you now."

     Napasinghal si Ishi. "Eh gago ka pala kuya eh. So 'yang kalandian mo palang 'yan ang dahilan kung bakit ako naaksidente?"

     Nanggilid ang mga luha ni Robert nang sabihin iyon ni Ishi. Oo tama ngang siya ang dahilan kung bakit ito naaksidente, siya rin ang dahilan kung bakit ito nakunan. "I know, it's all my fault," he whispered sadly. "Pero pangako, hindi na mauulit pa 'yon. Hindi na talaga..."

     "Malandi ka pala eh, mas malandi ka pa sa mga babae. Mas malandi ka pa sa akin alam mo 'yon?! Gusto mo bang bigyan pa kita ng panty?"

     Ibig nang umiyak ni Robert nang mga sandaling iyon dahil sa paninisi ng asawa pero bahagya pa siyang napangiti sa linya nito. Kahit kalian talaga, kakaiba ang mga banat nito. "Ayaw ko ng panty, masikip 'yon hindi makakahinga ang alaga ko."

     "So Robert, may anak ba tayo? 'Di ba kamo three years na tayong kasal saka three to four times a week naman tayong nagpapaputok sa kama?"

      "Oh god..." Napahawak si Robert sa kaniyang noo saka siya napahugot ng malalim na hininga. Why is she asking things too fast? Talaga bang may amnesia siya o ano?

     Ishi just stared at him with a questioning look.

     Si Robert naman ay napatingala sa kisame para pigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Iiling-iling siya nang muling bumaling kay Ishi. Then he gave her that sorry smile. "Dapat magkakaroon na tayo ng anak, pero nawala siya kasabay ng pagkawala ng alaala mo." His conscience is still killing him for what happened to their child.

     "Oh," tanging usal ni Ishi. Medyo nagulat siya sa sinabi nito, subalit wala siyang naramdaman ni katiting na kalungkutan. "That was quite a shock. Hindi ko inaasahan na ganiyan pala ang kuwento ko. Alam ba ng mga tao sa paligid natin ang nangyari sa akin noon?"

     "No," tugon ni Robert. Nagkibit-balikat lang si Ishi na tila ba wala itong kiber sa mga sinabi niya. "You seem unaffected by all of the things I've just told you," puna niya sa kawalan ng pakialam ni Ishi.

     "I'm sorry. Hindi ko alam kung dapat ba akong malungkot o ano, pasensiya ka na talaga kuya. You see, I don't even know you. Wala rin sa alaala ko na nagdalang-tao ako. I don't know how I felt before. I actually didn't mind when you said you cheated on me before. I'm sorry but..." Ishi looked away then bowed her head. "Actually, I don't feel anything special for you, hindi kita mahal."

     "Please don't say that..." Puno ng pagmamakaawa ang mga mata ni Robert. Kaya niyang tanggapin ang lahat ng mga matatalas na salita nito, huwag lang ang mga salitang iyon.

     "I-I'm sorry..." she stuttered. "I... I'm not trying to make you feel bad or what. I'm just saying the truth."

     A tear fell down Robert's face. Medyo naalarma tuloy siya r'on. Bihira sa lalaki ang pag-iyak lalo na't sa harap pa ng babae, may matindi itong pinagdadaanan nakatitiyak siya r'on.Sinubukan niyang intindihin ito. Siguro ay totoong nagsisisi na ito, siguro nakokonsensiya ito dahil sa aksidente niya at ipinagluluksa rin nito ang pagkatamay ng kanila raw sanang magiging anak. Mukha ngang sobrang saya pa nito nang magising siya kanina, tapos winawalanghiya pa niya ito ngayon.

     Naisip ni Ishi na siguro ay dapat niyang intindihin ito dahil mukhang may malalim itong dinadala. "I'm sorry, Robert. I really am. I'm sorry for what happened to your child--- I mean our child. Pasensiya na sa mga sinabi ko. It's just that... wala talaga akong matandaan. Mukha namang gago kung magdadrama ako sa isang bagay na wala akong kaalam-alam hindi ba?"

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now