Shattered Memories - Chapter 29

8.5K 386 53
                                    

Chapter Twenty Nine

A day had passed without Ishi on his sight. Hindi na mapakali si Robert. Pinaghalong pangungulila, pag-aalala at takot ang kaniyang nararamdaman. He was clueless to shit. Wala siyang ideya kung anong masamang hangin ang nalanghap ng misis niya kaya ito biglang umalis. Iyong natanggap nitong sulat lang talaga ang pinaghihinalaan niyang may kinalaman sa pag-alis nito. Nagring ang kaniyang cell phone. He anticipated a call from Ishi, but it wasn't from her. Galing iyon sa isa sa mga taong pinakiusapan niyang tumulong na mag-imbestiga sa sulat na natanggap ni misis.

"Na-trace ko na kung saan nanggaling ang sulat. Kay Dra. Apple Samaniego raw," ani Kieran, pinsan ni Ishi.

Kumunot ang noo ni Robert sa pamilyar na pangalan na iyon. Samaniego. He tried to recall. Awtomatikong sumagi sa isip niya si Delvert. Samaniego ang apelyido nito. Then he remembered Dra. Apple Samaniego. Iyon ang tiya ni Delvert. Kilala niya ito dahil madalas niyang makausap iyon noong nagsisimula pa lamang siya sa kaniyang trabaho. "Sige, salamat pare."

"No problem bro."

Pinutol na niya ang tawag. Hindi na niya pinagpaliban pa ang pagpunta sa doktora. Pinuntahan niya ito sa mismong klinika nito. Kinutuban agad siya ng masama nang makita ang pagkagulat sa mga mata nito nang makita siya. Something's really up, he knows.

"R-Robert, napadalaw ka 'ata."

"I'll go straight to the point Dra. Apple. Ano iyong sulat na pinadala mo sa asawa ko?"

The fear is evident in the old woman's eyes as she reluctantly seats herself on her swivel chair. "I-I think dapat sa kaniya mo itinatanong 'yon. Nasa sa kaniya kasi kung gusto niyang ipaalam sa'yo o hindi."

"Ipaalam ang?"

Apple shrugged. "She's the one who you should be interrogating, not me Mr. Alcazaren."

Aroganteng umupo si Robert sa kaharap na upuan ng doktora. "That's the problem, she's not around. Umalis siya ng wala man lang paliwanag. May kinalaman ba si Delvert dito?"

"Wala tayong dapat pag-usapan Robert. Si Ishi ang dapat na kinakausap mo, hindi ako," ulit ng doktora.

Robert pursed his lip tightly. He impatiently pulled out a gun from his back and pointed it to Apple. "Hindi ako nagpunta rito para makipaggaguhan sa'yo. I want an answer and if you don't tell me what I need to know, I'll be very mad." He placed his finger on the trigger. "You won't like it when I'm mad, I'm telling you."

Kitang-kita ang takot sa mata ng matanda. Namutla ito nang makita ang baril. "I-I... please Robert wala akong kinalaman dito."

He fired the gun, but missed on purpose. Napapitlag si Apple sa nakakabinging putok ng baril. "The next bullet will hit you. So tell me, ano ang laman ng sulat na ipinadala mo para umalis ang misis ko. Tell me or you'll be dead," he said in a cold serious tone.

Apple whimpered in fear. Tears started to build up on the corners of her eyes. "I-I'm sorry, Robert. Ishi is pregnant and Delvert's the father."

"What?!" he spat.

"T-That's what the letter is all about. Nagpunta sila rito para ipa-DNA test ang batang nasa loob ni Ishi. 99% ang nagmatch sa DNA ni Delvert. W-Wala akong alam sa pag-alis ni Ishi. I just gave her the results. Delvert doesn't know the results yet. Minabuti kong kay Ishi muna sabihin dahil alam kong mas maiipit siya sa mga pangyayari. Siya pa lang ang nakakaalam... a-at siyempre ikaw, alam mo na rin."

Galit na hinampas ni Robert ang desk ng doktora saka niya idinikit ang dulo ng baril sa noo nito. "That's b-llshit!"

Mariing napapikit si Apple. Naglandas na ang mga luha sa pisngi niya dahil sa takot. Ultimo mga daliri niya ay nanginginig na. "I-It's true! I'm telling you what you need to know, Robert. Please... please don't hurt me!"

Ibinalik ni Robert ang kamay na may hawak na baril sa gilid ng kaniyang hita. His hand still placed on the desk. "Bigyan mo ako ng kopya ng results ng at mga itinest mo. I will verify it myself."

The doctor couldn't do anything but to give what Robert asks. "T-Titingnan ko kung hindi ko pa naitapon 'yung sa DNA ng baby at 'yung sa DNA ni Delvert." Halos hindi magkandaugaga si Apple sa paghahanap ng mga iyon. Buti na lang ay hindi pa niya naitatapon dahil kakasuri lang niya ng mga iyon ilang araw ang nakakaraan.

Tinanguan ni Robert ang matanda nang makuha niya ang hinihingi. "Thank you," he said before leaving the clinic. Nagpapasalamat siyang hindi na siya pinahirapan ng doktora sa paghahanap ng kasagutan. He was seriously going to hurt someone if he hasn't find anything about his wife.

~ ~ ~

Sa mumurahing apartment nagpalipas ng gabi si Ishi. Napuyat siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos. Maliit na kutson sa sahig lang ang hinigaan niya. May amoy din ang kuwarto. She suffers headache because of that unpleasant smell. At ang mas matindi pa ay kahit madaling araw na, may maingay pa rin dahil umaabot sa ganoong oras ang pag-iinuman ng mga tambay sa labas ng apartment.

Sapo niya ang likod habang bumabangon. Iginala niya ang mata sa kuwarto. There is a lot of empty space. Wala halos kagamit-gamit ang kuwartong tinutuluyan niya. Maliit na electricfan, kutson sa sahig, at ang lababo sa gilid lang ang nakikita niya. Bukod doon, wala na.

She sighed. Kakaunting pera lang kasi ang dinala niya dahil nahiya rin siyang kumupit kay Robert. Hindi tatagal iyon ng isang buwan kung lulustayin niya para sa magandang apartment. Gustuhin man niya ng mas matinong tutuluyan, wala siyang magawa kundi magtiis sa kasalukuryng kuwarto. Hinanap niya ang cellphone. She put her sim back on and checked for her messages. Napaupo muli siya sa kutson nang makitang puro text ni Robert ang natanggap niya. Puro pagtatanong kung nasaan na siya ang nilalaman ng mga mensahe nito. Then she received a new text from him.

"I know the truth now, Ishi. Come home and we will talk or I will keep looking for you. Itigil mo na 'yang ginagawa mo. Don't be like that. Please umuwi ka na, I'm really worried."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Is he really sincere? She doesn't think so. Alam niyang galit ito. Imposibleng hindi ito magalit. But she needs help. She can't go on like this, na wala man lang tumutulong sa kaniya. Sooner or later she will give birth to the baby. Magiging mahirap kung siya lang ang mag-aalaga sa sarili niya at sa anak niya lalo na at short din siya sa pera. Pambayad nga sa matinong apartment ay wala siya, iyong pambayad pa kaya ng hospital bills?

Pinag-iisipan niya kung tatawagan ba niya si Robert. But she thinks that's a poor choice. Baka mamaya kung ano pa ang gawin sa kaniya ng mister niya. Si Delvert. Hindi pa niya ito nakakausap pero alam niyang tutulungan siya nito. Hindi na siya nagdalawang-isip na tawagan ito.

~ ~ ~

"This place stinks!" puna ni Delvert nang pumasok sa kuwarto ni Ishi. "You should have called me yesterday para man lang nabigyan kita ng magandang matutuluyan mo hindi 'yung nagtitiis ka sa ganito kapangit na apartment. Where are your things? Aalis na tayo," dirediretsong wika nito.

"Wala akong dalang gamit."

Pumamaywang si Delvert. "See? Dapat talaga nakipag-usap ka man lang sa akin kahapon. Paano 'yan, ni pamalit palang damit hindi ka nagdala. Come on, let's go. Ililipat kita sa mas maayos na lugar."

Sinundan ito ni Ishi habang papalabas ito ng unit. Nasabi na niya rito ang lahat. The moment Delvert got in the place, he immediately hated it. He didn't like even a bit of it. Sabi nito ay hindi magandang environment ang pinuntahan ni Ishi kaya siya na lang ang bahalang maghanap ng ibang malilipatan ng nobya.

"You can still go to my pad if you want," he suggested.

"We talked about this Delvert. I can't go there. What if Robert found me there? Surely, that's another problem. Mamaya kung ano pa isipin no'n. You're a nice guy Delvs, but hanggang magkaibigan na lang talaga tayo. I just can't go further than that."

A smirk curved on his lips. "Puwede rin naman tayong maging 'friends with benefits.'

Ishi rolled her eyes. "Shut up."

Delvert put his arm around her shoulders. "I was just kidding. Half-kidding to be honest." Napangiwi ito nang bahagyang sikuhin ni Ishi, but he laughed anyway. "May bahay ako sa Pampanga. You can stay there."


Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now