Shattered Memories - Chapter 5

21.4K 651 61
                                    

CHAPTER FIVE

Labis na namangha si Ishi sa kapaligiran niya. Napakaganda ng kabuuan ng paligid dahil sa naggagandahang mga puno at bulaklaking halaman. Natulala rin siya sa taas ng bahay. Sa tantiya niya ay parang nasa tatlong palapag ito.

     “Enjoying the view?”

     Ishi absentmindedly nodded her head. “Yeah…” she blurted still busy appreciating every bit of her view.

     Manghang-mangha siya sa disenyo ng landscape, the veranda near them is poured concrete. Sa harap ng French main door ay may fountain na may babaeng naliligo sa gitna. Sa bricked wall naman ng gusali ay gumagapang paakyat doon ang ilang wall plants, napaka-classy tingnan ng bahay nila. She loved the European design of the house. Scratch that. It’s not a house, it’s a mansion. Her body is full of excitement, gusto na niyang libutin ang buong kabahayan nila.

     “Let’s go inside.” Hinila na ni Robert ang tulalang si Ishi. Mukha kasing wala itong balak na gumalaw dahil gandang-ganda ito sa tanawin sa labas.

     As they enter the house they saw one of their maids walking towards them. “Sir Robert nag---” naputol ang linya nito nang makita si Ishi. “Oh my god! Ma’am Ishi, nagbalik ka na!” Tinakbo nito si Ishi saka niya ito sinunggaban ng yakap. “Ma’am! Namiss ko kayo,” mangiyak-ngiyak na usal nito.

     Ginantihan naman ni Ishi ang yakap ng katulong nilang sa tingin niya ay nasa treinta na ang edad. She laughed softly. Hindi niya ito kilala at para bang close na close ito sa kaniya kaya hinayaan na lang niyang yakapin siya nito.

     “May amnesia siya,” ani Robert. “‘Wag mo muna siyang kulitin Judy.”

    “Talaga sir?!” Napahiwalay ng yakap ang katulong. “Sorry po sir. May nagpunta po rito kanina. Hindi naman po nagpakilala, nag-iwan lang ng cake. Happy birthday sir. Happy birthday din daw sabi n’ong nag-iwan ng cake.”

     Ishi gave Robert that questioning look again. “Birthday mo?”

     “Yeah!” He held her hand, saka niya ito iginiya patungo sa kusina. Kinuha niya ang cake sa refrigerator saka niya iyon inilapag sa lamesa. Wala namang card sa labas o ano kaya kumuha muna siya ng plato nila ni Ishi.

     Si Ishi naman, bilang numero unong pakialamera, siya na ang nagbukas ng box ng cake. “Happy birthday sweetie,” she says as she reads the card she found inside the box. “I love you and I really, really miss you. Hope to see you soon. Love, Ella…”

     Mabilis na hinablot ni Robert ang card mula sa kamay ni Ishi saka niya iyon nilamukos.

     “Ka-bastos mo! Kita mong binabasa ko pa eh!” angil ni Ishi.

      Ibinato ni Robert ang lukot na birthday card sa basurahan malapit sa kanila. “Hindi ka dapat nagbabasa ng mensahe na hindi naman para sa’yo,” mahinahon ngunit matigas nitong tugon.

     Tumaas ang kilay ni Ishi saka siya napahalukipkip. “Oh really? So, who’s Ella?”

     “She’s… she’s an old friend of mine,” nag-aalangang sagot nito.

     Napabuntung-hininga si Ishi. “How old?” Napailing ito bigla. “Okay, fine! Old friend na kung old friend.” She quoted “Happy birthday sweetie. I love you and I really, really miss you. Hope to see you soon. Love Ella. Ang lambing naman ng old friend mo na ‘yon…”

     “Baby, do we really have to talk about all of this? Can’t we just celebrate my birthday peacefully?”

     She shrugged as she sat down on one of the dining chairs.  “Pero wala naman akong sinabing masama hindi ba? Old friend mo nga eh, right?” pang-uuyam pa niya. She’s not mad. Pero mukha kasing gumagana ang woman instincts niya. May something eh.

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now