Shattered Memories - Chapter 7

19.7K 528 20
                                    

Chapter Seven

"Bakit aalis na tayo kaagad?" tanong ni Ishi habang mabilis silang naglalakad tungo sa parking area.

Hindi siya sinagot ni Robert. Hanggang ngayon kasi ay naiirita pa rin ito sa nakita niya kanina. Bakit gan'on siya makangiti sa harap ng lalaki na 'yon? F-ck that was...

"Hoy Roberto Damiano Alacazareno!"

Hindi pa rin pinansin ni Robert si Ishi. Ipinasok muna niya ang mga pinamili sa loob ng kotse sunod ay umupo na rin siya sa may driver's seat. "Wala ka bang balak pumasok?" aniya nang mapansing nanatili si Ishi sa labas.

She grunted as she hops inside the car. There was an awkward silence between them while Robert was driving. Ano ba'ng problema ng damuho na 'to? Hindi kaya natatae lang 'to kaya nagmamadaling umuwi?

Napukaw ng nadaanang coffee shop ang atensiyon ni Ishi. Para bang gusto niyang kumain doon. Kaso nga lang alam niyang hindi naman siya papayagan ni Robert dahil pinagbabawalan nga siya nitong magkape saka natatae rin 'to.

"Do you want to eat there?"

Bigla ay ihininto ni Robert ang sasakyan. "Huh?" Napabaling siya rito. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. "Oo sana, tara!" nakangiting yaya niya.

Napabuga ng hangin si Robert. "Doon mo ako nahuli na may kasamang ibang babae. Nag-eskandalo ka rin doon, do you still want to eat there?" nakakunot-noong tanong nito.

"Oh," she murmured. She felt reluctant suddenly "Uhm... I don't think I want to go there anymore."

With that, Robert continued driving his car. "I know a great place. Gusto mo bang kila Stephen na lang tayo kumain?"

"Sino si Stephen?" she blurted as she twirls her hair with her fingers.

He let out a laugh. "He's a friend of mine, you know him. Let's give his restaurant a visit shall we?" Tinanguan lang siya ni Ishi, oo nga pala at wala siyang matandaan. Nagmaneho na si Robert hanggang sa makarating sila sa Nephets.

* * *

Classy ang restaurant. Akala ni Ishi ay simpleng kainan lang 'yon dahil Nephets ang pangalan nito, binaliktad na pangalan n'ong kung sino mang Stephen na 'yon. Natatawa siya sa creativity nito kaya ang inasahan niyang resto nito ay katawa-tawa rin, hindi naman pala.

Nang makahanap na sila ng table ay iniwan muna siya ni Robert dahil nagtungo ito sa counter. She admired the place while she was alone. Ang ganda ng mga furnitures, hangang-hanga siya sa delicate design ng lahat ng bagay sa gilid. Napakaganda rin ng ambiance, it was really nice.

Bumalik si Robert kasama ang isang matangkad na lalaki na may kulay asul na mga mata. Bakit parang lahat na lang yata ng lalaki rito may anyong Caucasian? "Hi Ishi, ako si Stephen," anito saka naglahad ng kamay. "Kamusta na ang amnesia mo?"

"Uhm... I'm fine," she answered as she shakes Stephen's hand.

"So... hindi mo na matandaan kung paano naging tayo at kung paano ka inagaw sa akin ni Robert?" seryosong tanong nito. By the look of his face, he looks a bit worried yet sort of mad about something.

Umawang ang mga labi ni Ishi. "I don't really remember a thing..." Napasulyap siya kay Robert, blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Why the hell did he brought me here?

Stephen patted her head. "That's sad to hear." Then he started laughing like a crazy b-stard. "I was just kidding, hindi naging tayo. Medyo ninerbiyos ka halata sa mukha mo."

"F-ck you!" natatawang sagot niya. Oo totoong medyo ninerbiyos siya. Nasa harap siya ng asawa niya tapos biglang tatanungin siya tungkol sa past daw nila ni Stephen na wala naman siyang matandaan.

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now