Shattered Memories - Chapter 19

8.8K 340 30
                                    

Chapter Nineteen

"Ma'am! Hindi ho kayo puwedeng umalis ng walang kasama!" mariing tutol ni Aling Judy nang magpaalam si Ishi na lalabas sandali. "Papagalitan na naman po kami ni sir Robert n'yan! At saka gabi na, baka po kung ano ang mangyari sa inyo."

"D'yan lang naman ako sa tabi-tabi, gusto ko lang maglibot," nanghihinang tugon niya sa matanda. Sa dami ng iniisip niya ay parang wala na siyang lakas na pagtaasan ito ng boses kahit kaunti. Kanina pa siya naririndi sa paulit-ulit na 'hindi puwede' na sinasabi ng mga katulong sa bahay. Gusto na niyang magwala.

Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang. "Pero ma'am. Kahit po si Maria, isama niyo para lang po makasigurado kami na okay kayo at makakauwi kayo rito ng ligtas o hindi naliligaw."

"No. Dadalhin ko naman ang cellphone ko. I'll call Robert if anything happens." She turned her back to the old woman and headed to the tall gate of the mansion. Hinarang naman siya ng mga guwardiyang nakabantay sa trangkahan. The gate was guarded by three men.

"Ma'am hindi po kayo puwedeng lumabas," anang isa.

Iritadong napaungol siya. "Puwede ba?! Sawang-sawa na ako d'yan sa p-tang-inang hindi ako puwedeng lumabas dahil binilin sa inyo 'yon ni Robert! Just leave me the f-ck alone! I'm his wife not his goddamn prisoner. Ano ba ako rito sa bahay na 'to?! Aso niyo na ikukulong niyo lang at papakawalan kapag gusto niyo?! Asawa niya ako, kuha niyo? You're all f-cking ignorant! Let me go outside if that's what I want! Nagka-amnesia lang ako! Hindi ako nabobo, I won't die if I leave this f-cking place! Kaya palabasin niyo na ako mga p-nyeta!"

Napayuko ang matandang guwardiya. "Hindi po talaga puwede 'yan ma'am. Kahit magalit ho kayo, hindi po talaga puwedeng suwayin ang utos ni sir. Sorry po ma'am."

Dumapo ang daliri niya sa kaniyang sentido. "Aling Judy!" she called. "Pakitawagan nga si Robert! Tell him I want to leave this goddamn house!"

"P-Pero ma'am, baka po nasa ER pa si sir. Hindi rin siya makakasagot sa tawag namin ma'am."

"Ugh! I freaking hate all of you!" Nagmartsa siya pabalik ng bahay. Inis na ibinalibag niya ang isang vase pagkapasok niya. Matinis na tunog ang nilikha ng pagkakabasa nito. She was annoyed to the limit and she wants to release it immediately. She was acting like a brat, but she didn't care. It felt like her annoyance is a ticking time bomb that's going to explode anytime. Hindi pa siya nakuntento at nagbasag na naman siya ng isa pang gamit.

Gulantang na nagsilabas mula sa kanilang mga kuwarto sina Beth at Maria. "Ma'am Ishi!" sabay na tawag sa kaniya ng mga ito.

"You are all assholes! Tinawag niyo pa akong ma'am kung hindi niyo naman ako susundin?! Bakit hindi na lang kayo ang naging ma'am, huh?! Bakit hindi na lang kaya kayo si ma'am Beth at ma'am Maria, pati 'yung guwardiyang señorito na siya namang nasusunod?! Idagdag niyo 'yang mayordoma niyong pakialamera! Sana hindi na lang kayo ang mga naging kasama ko rito sa bahay eh. Mga wala kayong kuwenta!"

She was hysterical again and everything that surrounds her irritated the hell out of her. Para siyang bata na inaatake ng tantrums. Sumisigaw siya at nagwawala. Kung anu-ano ng salita ang lumalabas sa kaniyang bibig hanggang sa sukuan na siya ni Aling Judy.

"Ma'am Ishi, tama na ho. Sige ho puwede kayong lumabas pero mangako po kayo na hindi kayo lalayo at babalik din kayo agad. Hindi naman po sa gusto naming ikulong ka rito, takot lang din po kami kay sir Robert. Mabait po siya pero iba rin pong magalit ang asawa niyo Madame." Kumuha ito ng hooded jacket at iniabot din ng matanda ang kaniyang cellphone. "Isuot mo 'yang jacket ma'am Ishi para hindi ka lamigin at para na rin huwag mahamugan ang ulo mo. Saka ho baka maligaw kayo o magkaproblema, tumawag lang po kayo rito sa bahay o kay sir."

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now