Shattered Memories - Chapter 13

12.4K 387 73
                                    

Chapter Thirteen

Kinabukasan ay nagising si Ishi na wala si Robert sa kaniyang tabi. Ipinagtanong na lang niya sa mga katulong kung saan ito nagpunta. Agad namang sinabi ng mga ito na pumasok daw si Robert sa trabaho. Napapalatak na lang siya sa sarili dahil hindi niya naisip 'yon. Minsan kasi hindi pumapasok si Robert sa trabaho dahil binabantayan siya nito. Siguro hindi lang siya sanay sa protocol ng pagtira niya sa bahay na 'yon dahil wala siyang maalala kaya hinahanap din niya ito paminsan-minsan.

Nanghihinang isinandal niya ang likod sa upuan sa harap ng round outdoor mini table matatagpuan malapit sa swimming pool sa likuran ng mansion nila. Hanggang ngayon ay hindi pa niya nalilibot ang buong lote na napagkalaki-laki kaya medyo lula pa rin siya sa ganda ng landscaping nito. But maybe she'll get the hang of it later on.

She sighed as the cold wind trashes her hair. Masakit pa rin ang katawan niya dahil sa pananakit na ginawa sa kaniya ni Robert n'ong isang araw. Gan'on pa man pumayag pa rin siyang magpagalaw ulit dito. I'm stupid... She let out another sigh. Napasulyap siya sa makulimlim na langit, mukhang uulan pero ang tagal bumuhos.

"Ma'am Ishi," untag sa kaniya ng katulong na nakasuot ng malinis na asul na uniporme. "Handa na po 'yong breakfast niyo," magalang na wika nito. Mukhang bata pa ang katulong, sa tantiya niya ay nasa labing walo o labing siyam na taong gulang lang ito.

Tinanguan niya ito bilang sagot. Inasahan niyang aalis na 'to ngunit naiwan itong nakatayo at nakatitig sa kaniya. "Sige na, mamaya na lang ako kakain."

"Ma'am hindi po puwede."

"Ano'ng hindi puwede? Teka, ano ba'ng pangalan mo?"

"M-Maria po. Sorry po Ma'am kung pinipilit ko kayo. Mahigpit po kasing bilin ni Sir na dapat kumain kayo sa tamang oras."

She sarcastically smiled at the young maid. "Well, wala naman dito ang Sir mo 'di ba? I'll eat later."

"Pero Ma'am---"

"Will you please just leave me alone? Get lost!" Pinukulan niya ng matalim na tingin ang dalaga saka niya ito inirapan.

Nagmamadaling umalis ang katulong. Wala pa siya sa mood kumain at ayaw din niya ng pinipilit siya. May habit kasi siya na kakain lang siya kung kalian niya maisipan kaya madalas napapariwara ang kondisyon ng katawan niya. Anorexic kasi siya, natatakot siyang kumain dahil ayaw na ayaw niyang tumaba. Hindi naman sa masamang tingnan ang mga matataba, sadyang ayaw lang niyang magkaroon ng gan'ong katawan.

Akala niya ay tapos na ang pakikipagdiyalogo niya sa katulong ngunit binalikan na naman siya nito. But this time, kasama na rin nito ang dalawa pang katulong, sina Judy at Beth.

"M-Ma'am sorry po talaga. Pero mahigpit po talagang bilin ni Sir 'yon. Kumain na po kayo dahil kapag po hindi, kami ang malilintikan kay Sir. Saka po baka mag-away na naman kayo."

Simpleng siniko ni Judy si Maria dahil sa walang prenong bibig nito. "Pasensiya na Ma'am, lalamig po kasi 'yong pagkain niyo kapag hindi niyo kaagad kinain. At saka isa pa Ma'am, baka po kasi magsimula na naman kayong dapuan ng sakit kapag nakasanayan niyo na naman po ang hindi pagkain sa oras."

"Tama po 'yon Ma'am Ishi," ulit ni Maria. "'Wag po sana kayong magalit sa amin dahil pinipilit namin kayong kumain. Para sa inyo rin naman po ito. At saka po mahigpit na bilin ni Sir 'yon, seryoso po kasi talaga si Sir sa mga bilin niya pagdating sa inyo. Sorry po Ma'am."

Moral support lang si Beth, ang isa pang katulong na halos ka-edad lang sa hitsura ni Judy. Tahimik lang kasi ito sa gilid.

Iritadong napataas ang kilay ni Ishi sa madadramang kasambahay. "I don't understand, what's the big deal about me not eating on time?"

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now