Shattered Memories - Chapter 22

8.1K 378 42
                                    

Chapter Twenty Two

Hours turned to days, days turned to weeks, weeks turned to months. Two months na ang nakakalipas simula nang magtuluy-tuloy ang peaceful relationship ni Ishi at ni Robert. Delvert's name was never mentioned again since then. Nagfocus na si Ishi sa pag-aasikaso sa kaniyang asawa. Mga simpleng bagay lang ang ginagawa niya para rito. She cooks for him in the morning and evening. Tiga-masahe siya ng likod nito kapag ito ay pagod galing sa trabaho. Binibigyang init na rin niya ang katawan nito kapag ito ay nangangalabit sa gabi.

Last three weeks lang ay nagsimula na ulit siyang pumasok sa CMSU. Ang dating kurso pa rin naman niya ang pinapasukan niya. Iyon nga lang ay hindi na siya enrolled dahil nakagraduate na siya at nakapagtake na rin siya ng masters degree niya noon. Sit in lang siya sa mga klase. Kilala naman siya sa dating unibersidad kaya walang naging problema sa pagpasok niya. Nabalitaan din ng mga coordinators doon kung ano ang nangyari sa kaniya and they were very kind to give her a consideration.

She glanced at her wrist watch. It's was 11:40 AM. Maaga ang dismissal ng last subject niya kaya nagpunta na siya sa Jeff's, ang paborito niyang kainan, para maglunch. Kanina pa kasi masakit ang ulo niya at tingin niya ay dahil iyon sa hindi niya pagkain ng almusal. Paggising niya kasi, pakiramdam niya'y napakabigat ng katawan niya. At nang humarap siya sa hapagkainan, hindi naman niya nagustuhan ang ulam. Actually, the dish was good. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang amoy nito. She ordered shawarma. Iyon ang pinakamasarap na pagkain doon para sa kaniya. Halos iyon na nga lang ang palagi niyang inoorder tuwing kumakain siya sa Jeff's. Pagkabigay sa kaniya ng order niya ay nahilo naman siya ng sobra dahil sa tapang ng amoy ng shawarma. Ipinabalot na lang tuloy niya ang pagkain. She knows well that the food is not the problem, she is.

At exactly 12 PM her phone started ringing. She picked it up and heard Robert's voice on the other line. "Babe, kumain ka na ba?"

"Wala ako sa mood kumain," aniya. "Pero nagugutom na ako."

"Then eat. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nagpapalipas ka ng oras ng pagkain. Kaninang umaga tinapay lang ang kinain mo. Tapos ngayon hindi ka pa magtatanghalian? Magkakasakit ka n'yan."

Bumuntung-hininga siya. "Hindi naman sa ganu'n. Hindi ko lang gusto ang mga pagkain ngayon dito. At saka ang sama ng pakiramdam ko. I think I need a rest."

"Punta ka rito sa hospital para makapagpacheck-up ka."

Tinanguan niya ito kahit hindi siya nito nakikita. "Sige, I'll text you when I get there."

They exchanged 'I love you's before the call was ended.

Naghanap na ng masasakyan si Ishi na maghahatid sa kaniya tungo sa ospital. Wala pang sampung minuto ay naroon na siya sa destinasyon. Pagkababa niya ng taxi ay ikinagulat pa niyang nasa tabi na niya si Robert. "H-Hoy, nandito ka na agad? Hindi pa ako nagtetext ah."

Pilyong ngumisi ito. "Naamoy kita kaya alam kong dumating ka na."

"Sira. Parang aso lang ang peg? Samahan mo na akong magpacheck-up. Teka, kumain ka na ba?"

Robert shook his head.

She raised her hand, showing him the paper bag she was holding. "Ito, I ordered shawarma. Kainin mo. Masarap 'yan."

Inagaw nito ang bag at sinilip ang nasa loob. "Masarap pala, eh bakit hindi mo kinain?"

"Wala nga akong gana."

Hinawakan ni Robert ang magkabilang pisngi ni Ishi. Binigyan niya ito ng mabilis na halik sa labi. He took her hand and led her inside the hospital. Iginiya niya ang misis papuntang third floor at hinanap doon si Jennifer. Kumatok siya sa pinto ng opisina nito nang makita sila.

"Hey, Ishi. Kamusta ka na?" masayang bungad nito nang makita sila.

Pilit na ngitian ni Ishi ang doktora. "Uhh, hi," was her reluctant response. "Ito, wala pa rin akong masyadong matandaan. But I'm having flash backs... so 'yun." Binigyan pa niya ng niyerbosong tawa ang dating kaibigan.

Tumikhim si Robert para maagaw ang atensiyon nilang dalawa. "Jen, i-check mo nga kung ano ang problema sa katawan n'yan. Masama raw ang pakiramdam. Balitaan mo rin ako kapag buntis siya, okay?"

"Sure!"

Mabilis na hinampas ni Ishi ang braso ni Robert. "Itong lalaki na 'to, napakaano!"

"Anong napakaano?" tudyo nito. Pinanggigilan niya ang pisngi ng misis. "Naku, ikaw! Nagsusungit ka na. Siguro nga buntis ka lang." Bumalig siya kay Jennifer. "Iiwan ko muna siya rito ha. Hahanap lang ako ng makakain niya sa baba."

Lumabas na ito ng pinto.

"Ang sweet niyo huh," kinikilig na komento ni Jennifer. "I'm glad to see that you're both doing well."

Na-curious tuloy bigla si Ishi sa kanilang relasyon dati ng asawa. "Hindi ba kami sweet noon?"

"Sweet naman. Kaso biglang nagloko si Robert. Pero huwag mo ng isipin 'yon. Nagsisi na ng sobra 'yan. Alam mo bang kawawang-kawawa 'yan noong in coma ka pa? Parang lulugu-lugong sisiw 'yan! Kung alam mo lang, maiiyak ka sa hitsura n'yan. Mamacho-macho pero parang kapag pinitik mo bibigay na."

"Totoo? Parang hindi naman 'ata kapani-paniwala 'yan. Bakit siya gagan'un eh siya nga 'yung nambabae!"

"Nagsisi nga! Ito naman, deads na deads sa'yo 'yan ano. Hindi nga nakapagtrabaho ng matino 'yan dahil araw-araw na nakabantay sa'yo. Takot na takot na baka mawala sa isang iglap ang pintig ng puso mo. Buti nga ngayon, nakakabawi na siya sa mental breakdown niya sa pagkakaaksidente mo."

Ishi didn't know how to respond. Ngayon lang niya nalaman na grabe rin pala ang naging epekto ng pangyayaring iyon kay Robert. "Kung hindi naman siya nambabae, hindi mangyayari lahat ng 'yun."

"Ang kulit mo girl." Jennifer politely pulled her to sit down on a chair. "Nagsisi na nga. At saka wala kang magagawa. Guwapo ang asawa mo. May lalandi at may lalandi talagang ibang babae d'yan. Pero 'wag mo na isipin ang mga 'yun. Ikaw lang talaga ang gusto n'yan."

Maliit na ngiti lang ang tanging naitugon niya rito. Sa loob niya'y hindi pa niya natitiyak kung talagang nagtino na ang kaniyang asawa. But she was hoping.

Sinumulan na ni Jennifer ang pagcheck sa kondisyon ni Ishi. Ishi undergone tests until Dr. Mendez got her results.

"You're pregnant."


Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now