Prologue

387 8 2
                                    

Prologue

Serenity. It's been so long in my life that I felt serenity.

Ibang iba ang buhay rito sa countryside. Unlike in Manila, I woke up dahil sa huni ng mga ibon at hindi dahil sa ingay ng mga sasakyan sa daan.

It's not my usual hour ng paggising, pero sa mga huni ng ibon na gumising sa'kin, I'm not even mad at it even just a bit. Nakatulog ako ng mahimbing kagabi, and I feel happy kahit pa ang aga kong gumising. I can't help explain it, but napakagaan ng pakiramdam ko.

After consuming my morning coffee, napagpasyahan ko na mag road trip ngayong umaga. A morning stroll.

Bitbit ang susi ni Tiny, my mini pick up truck, pumasok ako roon at pinaandar ang makina.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang mina-maniobra ang pick up truck para makalabas ako sa kalsada.

Nang makarating na ako sa sementadong daan, mabagal lang ang takbo ng ginawa ko.

'Yung malamig na simoy ng hangin, napakagaan sa pakiramdam. Ang lamig ng samyo nito sa balat ko. Walang traffic, ako lang ang sasakyan ngayon na nasa kalsada. Talagang ibang-iba sa Manila.

Iilan lang din ang bahay, hiwa-hiwalay. Ang buong roadside ang puro mga puno at malalaking palayan, d'on napanood ko ang mga magsasaka ng Scorton na maagang nagsimulang mag-trabaho. Sa sobrang saya ko sa pagi-stroll, kinawayan ko pa ang grupo ng mga magsasaka na tumingin noong dumaan ako. Nakangiti rin ang mga itong kumaway sa akin pabalik.

Sa pagpapatuloy ko sa pag-stroll, kitang kita ko rin ang mga paanan ng bundok. May nadaanan rin akong batis na talaga namang nagpakinang ng mga mata ko dahil sa amusement.

Simplicity as it's finest. Now that I'm experiencing the countryside life, sobra ko itong naa-appreciate matapos tumira sa city buong buhay ko.

Walang matataas ng mga gusali, sa halip ay punong-puno ng mga puno ang kapaligiran. Maaliwalas ang paligid, masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin. Napakagaan ng buhay.

Sa sobrang dalang-dala ako sa aking morning stroll, inilabas ko pa ang isang kamay ko sa bintana at isinayaw 'yon sa hangin. I was even humming a tune, in that moment, I'm having one of the best experiences that I felt in my whole life kahit nagd-drive lang naman ako sa gitna ng kalsada.

Binilisan ko ang pagp-patakbo ng sasakyan upang mas lumakas ang ihip ng hangin sa'kin. Minsa'y napapapikit pa ako dahil pakiramdam ko ay inihe-hele ako ng hangin.

I was living the moment when suddenly, sa palikong daan ay isang bisikleta na pala ang makakasalubong ko nang hindi ko namamalayan.

“Aaaaahhhh!”

Sa sobrang taranta ko ay napasigaw nalang ako. Mabilis kong tinapakan ang preno na halos mangudngod pa ako sa manibela.

Nang itaas ko ang tingin sa harapan, wala naman akong nakitang bisikleta o tao. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

What if nalapiraot na siya sa ilalim ng sasakyan ko? No, sobrang liit ni Tiny para madaganan siya.

I quickly left my vehicle. Tinignan ko ang harapan nito, wala naman. Yumuko ako para tignan ang ilalim, wala rin.

“Muntik mo na 'ko patayin!”

Mabilis 'kong nilingon ang gilid ng kalsada kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. Mabilis din akong napasigaw dahil sa nakita.

Isang lalaki ang nababalot ng putik ang nasa gilid ng palayan habang masama itong nakatingin sa'kin. Sa gilid niya ay ang isang bisikleta na nakalubog din sa putik.

Nang tuluyang mapagtanto kung sino siya, I gasped. Napatakip pa ako sa bibig ko. Pero sa halip na matakot dahil baka ipa-pulis niya ako dahil muntik ko na siyang mabangga. I can't help but to let out a chuckle dahil sa itsura niya ngayon.

He looks so cute...?

To Live Life AgainWhere stories live. Discover now