xxxii

81 3 2
                                    

CHAPTER THIRTY TWO
~🔹~

Palaging dumadalaw si Blanc sa burol ni Choco sa span ng pag-stay namin dito sa memorial hall. Hindi dahil nagsisimula na siya manligaw kung hindi dahil sobrang hands on siya sa pag-aassist tumulong sa kaso nila tita against dun sa Dr. Guevarra.

Most of the time I felt so bummed out kasi hindi niya na ako nakakausap halos kahit na nandon lang naman ako at nakatambay lang.

Kagaya ngayon, paalis na kami at lahat papunta sa third to the last session for Jill's case pero seryoso pa din ang usapan nila ni tita at tito.

"Ang bait ni Blanc, friend. Kung totoong nanliligaw sa'yo yan, aba wag mo na pakawalan." Bulong ni Mint sa akin. Tinignan ko lang siya with my are you serious? face.


"Kung di ko lang talaga jowa si Mark, matagal ko nang pinagsamantalahan yan." Medyo tumatawa tawa pang sabi ni MInt sa akin.


"Stop it." Saway ko sa kanya. Bukod kasi sa dapat hindi ako naglalandi sa panahon na ito, ayoko na din muna pangunahan kung saan kami papunta ni Blanc.


Ilang sandali lang ay natapos na din ang usapan nilang grupo don at nagsitayuan na sila. Mabilis din naman akong sinipat ni Blanc at lumakad sa direksyon namin.


"Paalis na ba kayo? Kumain ka na ba?" Magkasunod niyang tanong sa akin. Pasimple akong siniko ni Mint para lang asarin ako lalo.


"Mag-sstop over muna kami para kumain bago dumerecho sa trial court. Mauuna ka na ba don?" I removed Mint's arm around my shoulders because she keeps on squeezing me.


"Ayaw mo bang sumabay sa akin?" Tanong ni Blanc, out of courtesy siguro kasi alam ko namang sa laban na ito mas suportado niya muna sila Cheska.


"Hindi mo ba sila pupuntahan?" Tanong ko sa kanya pabalik, pertaining to the two ladies that he's trying to comfort.


"I can see them there." Blanc shrugged. Bumalik naman automatic yung pagkakalingkis sa akin ni Mint.


"Actually, medyo masikip nga kami sa kotse." Pagrereklamo ni Mint saka niya ako marahang itinulak papunta sa direksyon ni Blanc. "Mas maganda kung sumabay na siya sa'yo." Pang-gatong niya pa.


Magaapela pa sana ako kaso biglang kumaripas ng takbo papunta kila kuya Mark si Mint at alam ko na kung ano ang idadahilan niya sa pamilya ko. Minsan ayos din magkaroon ng bugaw na kaibigan pero not all the time.


"Saan mo gusto kumain? Mahaba pa ang oras natin." Tanong kagad sa akin ni Blanc, his voice so freaking low that it made it sexier.


"I'm craving for bopis." Mabilis ko namang sagot sa kanya, nakakita kasi ako ng mag-ama kanina na kumakain ng bopis, bigla akong nainggit.

"Bopis talaga?" Gulat niyang tanong sa akin. Nagsimula na kaming maglakad palabas nung room, he led the way and opened the door for me.

"Ayaw mo?" Tanong ko sa kanya pabalik, kinuha niya na din sa akin yung pouch bag ko at siya na ang nagbitbit. Sa mga ganitong galawan pa lang, punong-puno na kagad ng emosyon yung puso ko. Susme.

"Hindi naman. Nagulat lang ako." He smiled at me then we continued walking. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa pinagpark-an niya ng car.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon