xvi

136 2 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN
~♦~

I stirred the moment I felt something heavy against my shoulder. Kelan pa kami nagkapalit ng posisyon? At in fairness naman kay Blanc, medyo mataba ang utak niya at mabigat ito.

I carefully repositioned his head into a more comfortable position, inilagay ko na din sa batok niya yung neck pillow. Mahirap na, baka masisi pa ako kapag magkaroon siya ng stiff neck. Sa laki ba naman ng height difference namin kahit nakaupo, hindi imposibleng mangyari yun.

Pasalamat na lang ako at tulog mantika si lalaki dahil hindi pa din siya gumigising kahit na nilamog ko na yung mukha niya. I also had the chance to stare at his face blatantly, siyempre inabuso ko na, minsan lang 'to.

I was rejected.

Sucks to be me, huh.

No hard feelings naman. Oo masakit pero that's a given, ilang beses namang sinasabi na parte ng pagmamahal ang masaktan - actually umay na umay na nga ako sa pauso na yan.

Hindi ba pwedeng magmahal ka na lang ng magmahal pero hindi ka masasaktan? Yung dadaan lang sa'yo yung katotohanang one sided lang lahat pero wala kang mararamdaman, yung wala lang at masaya ka lang.

"Class, we are only an hour away from the retreat house. Kindly pick up the pieces of trash at dapat wala akong makita kahit isang candy wrapper sa pwesto niyo, okay?"  Sir Greg instructed us and everyone complied except for the guy beside me. Grabe ang lalim ng tulog nito, mas malalim pa yata sa Marianas Trench at sa dimples ni Aga Muhlach.

Sabagay wala namang masyadong kalat sa pwesto namin ni Blanc. Wala naman kasi kaming ginawa kung hindi matulog at mag-usap ng mga bagay na masasaktan ako.

I looked out the window para magmuni-muni at mag-ipon ng pwedeng hugot lines na i-shshare ko sa Facebook pagbalik ko sa present. Gusto kong every five minutes may #hugot101 akong i-popost, yung tipong iuunfriend na ako ng mga kakilala ko kasi ma-bbwisit sila sa kaartehan ko.

"Where are we?" Blanc immediately held my hand. Wow, kaya niya naman palang gumising. Mukhang naalimpungatan yata at akala ako si Georgina. I pulled my hand away and glanced at him for a second.

"Do I look like a navigator?" I asked him, making sure that sarcasm is dripping from every word.

"Ang sungit." He smiled then yawned and stretched. After a few seconds he rubbed his eyes and reached out for my hand again. "Bakit ang sungit mo?" Patay malisya niyang tanong.

You rejected me, duh. Do you think I can act as if nothing happened? Just like what you're doing? Tanggap ko, pero give me time.

"Blanc, gising ka na ba? Hindi ako si Georgina." I tried so hard to make it sound like I'm having no emotions at all. "Stop holding my hand." Hihilahin ko sana ulit yung kamay ko but he gripped it harder.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora