xxv

108 4 1
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

~♦~

As expected, hindi ako nakatanggap ng tawag kahit isa kay Blanc. Noong araw lang niya ako pinakilig, sinasabi ko na nga ba at pinagttripan lang ako ng lalaking yun. Imposible naman kasi out of nowhere, nakilala niya lang ako through Cole and Tommy tapos tatawagan na niya ako.

Tsaka compared naman dun sa fubu niya, di hamak na mas prente at mas magaling ppumorma yung babaeng yun kesa sa akin so wala talaga akong palag,Ayoko na sana I-compare ang sarili ko per reality hurts nga naman kasi talaga.

"Ano ate, pupunta ka pa ba? Malapit na ako pumasok sa operating room." Kausap ko si Tommy sa kabilang line, ngayon yung schedule ng skin grafting niya and his parentals requested me to be there, nerbyoso kasi yung mag-asawang yun kaya ayaw na nila Makita pa si Tommy na ipapasok sa OR.

"Malapit na ako, nag-papark lang, wag ka ngang excited please. Meron ka pang isang oras." Tumatawa kong saway kay Tommy, totoo naman kasi na excited siya masyado na Makita ako. Feeling ko kasi kinakabahan na din 'to. Mukha lang siyang matapang pero for sure, takot din 'to pumasok sa OR.

"Nandito na si doc,bilisan mo."

Psh. Nandon na daw ang talkshit. Tatanong tanong kung kelan ako pwedeng tawagan tapos he will never call naman pala. Sarap I-elbow times infinity.


Kung tutuusin kung hindi naman ako pinakiusapan nila tito, hindi na talaga ako pupunta dito sa ospital kasi maiimbyerna lang ako.

Sinasadya ko talagang baglan yung kilos ko para hindi na ako mahintay ni Blanc at umalis na siya don sa kwarto. Wala po siyang kwentang tao, he is such a disgrace for humanity.


Paakyat na ako sa floor ni Tommy nung biglang Makita ko yung pamilyar na babae na kasama ni Blanc nung isang beses. Siya si Cheska, the fubu girl. In fairness, flawless, poreless at hourglass, mga bhe kung ako lalaki, hindi ko na papakawalan 'to. Hindi na kami babangon sa kama if ever ito ang jowa ko. I know SPG, bear with it, grown up adults na tayo di ba?

"Hi MIss Cheska!" Nakangiting bati nung mga staff sa kanya, super lively ng mga tao kapag nakikita siya. Jusme kahit ako naman, kung ganito kaganda ang makikita ko araw-araw kahit hindi na ako umuwi sa amin - kung lalake lang ako

Ayan na, nararamdaman kona, gumagapang na sila papunta sa akin. Laht ng insecurities ko sa katawan ay bumabangon na mula sa himlayan nila. Malapit na nila ako isama sa hukay nila.

Maya-maya pa ay tumutunog na yung cellphone ko, hindi ko pa nga pansin na sa akin pala yun dahil kanina pa ko nakatitig kay Cheska, baka nga mapagkamalan pa akong lesbian dahil sa inaarte ko.

"Hello, Tommy." Mabilis kong sagot without checking who is calling.

"Where are you?" Tanong sa akin ni Blanc.

Halos kunin na ako ng liwanag nung marinig ko yung sexy niyang boses sa kabilang linya. Biglang naging invisible si Cheska sa harap ko at naglaho na yung anino ng insecurities ko. Shemay, heaven.

"Nasa elevator." Mahina kong sagot sa kanya, medyo nag-shake pa nga yung voice ko nung huli kasi ang bilis talaga nung ibtok ng puso ko.

Takte ka Blanc, ilang araw ko inantabayanan 'tong tawag mo. Bakit ka ganyan? Bakit ako pa din palagi ang nahihintay sa'yo? At wala pa din akong pakialam?

"What took you so long?" Tanong niya ulit. Ay te, infer, bumoboyfriend questions ang lolo mo. Akala mo naman tatlong oras na siya naghihintay sa kwarto ni Tommy.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon