iii

144 7 0
                                    

CHAPTER THREE
~ ♦ ~

There's a heavy weight on top of me and it felt like I've been suffocating for the last hour. Waking up, I saw a familiar ceiling that hit me with nostalgia. I tried sitting up as fast as I could but I failed to do so because there's a huge guy on top of me.

"Hey...can't breathe. Di ako sofa." I struggled to say but the guy failed to move.

Sinubukan kong alisin siya sa pagkakapatong sa akin and after three forceful attempts, I managed to break free. I immediately looked around the place and almost lost my jaw when I realized that this isn't Libertine anymore.

I struggled to stand up despite my heavy weight and peeked through the door.

Shit.

What I saw was beyond my wildest imagination.

Hindi ko alam na kapag nalaglag ka pala sa hagdan ng Libertine ay babagsak ka sa Lumiere Academe, ang alma mater ko noong highschool.

Nakatulala ako sa kawalan noong biglang mapabalikwas din yung lalaking perpekto na kanina pa nakikipaglambingan sa sahig. He held his head for a second then suddenly looked around and made an eye contact with me.

Shemay, ang mga taba ko na naman.

"Are you alright?" Mabilis niyang tanong sa akin, he stood up and brushed off his entire suit na akala mo sa buhangin siya nalaglag.

"Yeah. Nag-babounce lang naman ako sa hagdan." I managed to answer, out of my trance. Hindi pa din nag-ssink in sa akin na ibang mundo na ang nasa kabilang side ng pintuan.

"Are you sure? That might swell up and hurt." He pointed out my ankle, sinundan ko naman ang tingin niya. Sure thing, mukhang tinamaan nga ako ng lintik.

"Okay lang ako." Hindi ko na tinanong kung okay lang siya kasi malamang okay lang talaga siya dahil ako lang naman ang nakipagdigmaan sa hagdanan at ginawa niya lang akong cushion. Bukod sa gumulo ng konti ang curtained hair niya na mukhang soft at shiny ay wala nang ibang mali sa kanya.

"Ayt." Matipid niyang sabi then he reached over the inside pockets of his suit. Nung wala siyang makapa ay chineck na niya din yung iba niya pang mga bulsa only to be disappointed in the end.

"Why?" Tinanong ko kagad siya though I think I have the gist of what's happening.

"My phone." He replied then started looking around the area. Tinulungan ko naman siya.

Nung hindi niya mahanap yung phone niya kahit saan, bigla siyang nag-attempt buksan yung pintuan. Mabilis ko din namang hinarangan ang pintuan because I can't let him see anything ridiculous, for sure hindi lang siya mabibigla, malamang pagbintangan niya pa akong nang-pprank.

"What's your problem?" He sounded so irritated, pero hindi halata kasi pokerface lang siya all the way.

"Wala diyan yung phone, umakyat na lang tayo." Mabilis ko siyang itinulak paakyat, sumunod din naman siya ng hindi nagrereklamo.

Akyat lang kami ng akyat hanggang sa marating namin yung rooftop ng school. I know this place too well kasi dito ako tumatakbo kapag sobra-sobra na ang pang-aapi ng mga kaklase ko sa akin noon.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon