v

123 5 0
                                    

CHAPTER FIVE
~~

I slept the rest of the drive home. Sobrang nakakapagod ngayong araw, parang walang pahinga. Ginising lang ako ni kuya nung naka-park na yung kotse niya sa garahe namin.

"Mongs, gising na. Wag kang mag-ambisyon na bubuhatin pa din kita. Hindi ako magwowork-out ngayon." Seryosong sabi sa akin ni kuya then he left me and entered our house. Wala na si Blanc sa passenger seat so malamang, nasa loob na din siya ng bahay.

What I saw was beyond my expectations, grabe ang linis ng bahay at ang mga curtains ay bagong palit, yung upholster ng sofa set namin ay bago din. Akala mo may panauhing pandangal kaming pupunta ngayong araw.

"Nay? Tay?" I called out for them from the receiving area.

Nakarinig ako ng mahihinang pag-uusap from the dining area kaya naman doon na ako dumerecho. In fairness, normal na sa bahay ang maraming serving ng pagkain pero parang double yata ang amount ngayon. Aakalain mong may piging sa bahay.

"Blanc Gavin Purro po." Narinig kong sagot ni Blanc. Pambihira, nasa hot seat na kagad siya at nakapalibot sa kanya si nanay, tatay at kuya.

"Ilang taon ka na?" Nakangiting tanong ni nanay. Siguro masaya siya kasi hindi lang basta basta lalaki ang dinala ko dito sa bahay, kung hindi isang adonis.

"I'm turning thirty..." Muntik nang madulas sa katotohanan si Blanc pero quick witted naman siya at pinalusutan niya kagad ito. "Seventeen this November po."

"Anong date?" Tanong ulit ni nanay.

"9 po." Halata sa posture ni Blanc na hindi siya komportable sa conversation na nangyayari between him and my mom. He's looking around the area when his eyes landed on me. I swear, I saw how he asked for help using his usual lifeless face pero dahil hindi niya ako binilihan ng McDonald's kanina ay papahirapan ko muna siya.

Kaya naman kahit na super natatakam na ako sa spicy pork kimchi na niluto ni chef Wendel ay mas pinili ko munang magpalit ng damit. Oo nga pala, dinikitan nga pala ng bubble gum ni Quinn kanina 'tong blazer ko.

Halos tumawa ako ng malakas nung makita kong napatayo si Blanc dahil hindi ako duemerecho sa dining area. Aakyat na sana ako sa staircase nung marinig ko ang tanong na kailangan talagang sagutin.

"Paano pala kayo nagkakilala ni Mongs? Tsaka kelan pa?" Si tatay ang nagtanong. Sa kanila kasing dalawa ni nanay, siya yung mas makilatis sa mga kaibigan ko.

Umatras ako sa pag-akyat at lumakad papunta sa dining area, umupo ako sa tapat ni Blanc kasi yun na lang ang bakante.

"Nay, kanina lang kami nagkakilala niyan." Pag-singit ko sa usapan. All their heads turned towards my direction.

"Ano?!" Gulat na gulat sila sa sinabi ko.

"Naligaw sa may bandang school. He ran away from home." Normal kong sagot sa kanila. What I hate about my family is that they can see through my lies kaya naman super nag-practice ako during my free time on how to lie smoothly in their faces. Once naman na pinaniwalaan mo ang sarili mong kasinungalingan, madali mo lang ma-coconvince yung ibang tao na nagsasabi ka ng totoo.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryWhere stories live. Discover now