xviii

104 4 1
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

~◆~

The session ended with me not talking to Blanc, hindi niya din naman ako kinulit maybe he thought masama pa din ang pakiramdam ko so he didn't bother. But upon dismissal, kasunod ka na ulit siya palagi kahit saan ako magpunta. Yup, kahit sa restrooms. Hindi naman sa pumapasok din siya sa loob pero hinihintay niya ako sa labas. Actually, dalawa kami ni Nina na hinihintay niya.

"Next activity na daw tayo." Bungad niya sa amin pagkalabas namin ni Nina sa restrooms.

"Saan daw?" Si Nina na nagtanong, hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap kung saan napunta yung dila ko.

"Sa may paradise garden daw nila." Mahinang sabi ni Blanc, pansin ko na lang na sobrang lapit na naman niya sa akin kaya ako na yung pasimpleng lumayo. Hindi ko kinakaya ang lolo niyo baka mahimatay ako ng wala sa oras.

"Ah doon sa may magandang view kapag sumilip ka sa windows nung hall?" Tumango tango si Nina saka siya lumakad. "Dito yon papunta di ba?" Medyo confused ang facial expression ni Nina.

Pero kahit na parang unsure siya sa kung saan talaga kami pupunta ay nagsimula na din akong lumakad kaso hindi pa nga ako nakakadalawang hakbang ay may humawak na sa siko ko. Hindi naman as in total grip, parang nakapatong lang yung thumb at index finger niya, ganon ka-light.

"This way." Mahinang sabi ni Blanc kay Nina. Ang new friend ko naman ay nakatingin sa kamay ni Blanc na nakahawak sa siko ko. Nagtama ang mga mata namin ni Nina at alam kong meaningful ang eye contact naming dalawa.

"Sabi ko nga dito." Tumawa si Nina tapos nagpauna siya sa amin maglakad papunta sa kabilang direksyon.

Mabilis namang bumitaw sa siko ko si Blanc. Iba na ang atmosphere sa aming dalawa. Well, ganito naman kami nung mga unang araw namin, awkward pero ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Yung flat affect siya all the way tapos ako nagbabaga na ang damdamin ko sa loob, napprito na nga yata ang mga taba ko.

"Anong activity daw yon?" Tanong ni Nina, nilingon niya kaming dalawa, sinusubukan kong humabol sa hakbang niya pero parang sinasadya niyang bilisan maglakad.

"Building up trust daw." Walang emosyong sabi ni Blanc, his hand beside me keeps on fidgeting. Mamaya nasa bulsa ng pants niya tapos biglang paglalaruan niya yung buttons ng polo niya tapos biglang ibbrush niya sa buhok niya, hindi siya mapakali..

"Ah, same partners?" Tanong ni Nina.

"Yup." Blanc said then sighed. Ano bang problema nito?

"Ano, Sage? Kaya mo pa ba?" Seryosong tanong ni Nina, pertaining to my sweet partner, Danielle.

"Wala naman akong magagawa di ba?" I gave her a small smile. Pababa na kami ng mini stairs, mga four steps lang papunta sa pebble path tapos paradise garden na.

"Malas mo lang talaga ngayong araw." Umiiling na sabi ni Nina, pang-aasar ang tono niya. I tried to reach out to her to lightly tap her back pero biglang nagkaroon ng isang malaking invisible stone sa harap ko at natapilok ako ng wala sa oras.

And as expected, hindi ako lumanding sa pebble path dahil merong automatic na nakasalo sa akin, feelings ko lang naman ang hindi niya pwedeng saluhin.

"Saan ka na naman ba kasi tumitingin?" Kalmado niyang tanong sa akin pero halata sa mata niya ne mejo kinabahan at nainis na naman siya at the same time.

"Sorry." Automatic kong sabi kahit wala naman talaga akong kasalanan.

"Sage naman kasi, wala tayo sa karagatang pasipiko at medyo maulan ngayon para mag-fishing." Pang-aasar ni Nina. Tumawa siya tapos mabilis siyang lumakad palayo sa amin ni Blanc.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryWhere stories live. Discover now