xiii

111 3 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN
~♦~

Hinatid muna ni Blanc si Georgina sa room after ng flag ceremony leaving me a bit of time to breathe normally. What is this?

Lutang pa din ako hanggang sa makaupo ako sa designated seat ko. Gulong-gulo na ako sa buhay, ano ba 'to? Bakit ngayon ko lang nararamdaman 'to lahat?

Hindi ako pinapakailaman ng mga classmates ko ngayon which is a big relief. I pulled out a piece of paper and started to doodle. Tumigil lang ako sa pagddrawing when I felt my phone vibrated.

Friend! Sunduin mo na nga yung jowa mo dito! Ang sakit nila sa mata, jusmio.

Hindi ko na maiwasang ngumiti nung mabasa ko yung text ni Choco. Without second thoughts, nagreply naman kagad ako.

Hindi ko jowa yan, territory niyo yan, dapat kayo magpaalis diyan.

I immediately hit send then resumed my doodling. Mahilig akong mag-drawing pero walang hilig yung lapis at papel sa akin.

In fairness dito kay Blanc ha, ang tigas ng mukha. Malapit na mag-first subject pero nandito pa din. -Mint.

Pinangtext ni Mint sa akin yung cellphone ni Choco. Hindi naman sa wala akong pakialam sa ginagawa ni Blanc, apektado ako pero wala naman akong karapatang kumilos nang hindi naaayon sa label ko. kumpare ako, ka-bro, guy bestfriend. Ni hindi niya nga yata ako kinoconsider na babae, pwera na lang kung hinaharass ako ni Quinn. Sana pala palagi na lang akong harass-in...biro lang.

Hayaan niyo na. Na-miss nila ang isa't isa.

Nagreply din naman kagad ako. Wala naman kaming magagawang tatlo kung super clingy ng mag-jowang yun sa isa't isa. Baka ganun talaga parehas ang personality nila kaya nga siguro nag-click sila ng ganyan. Obvious naman na head over heels si Blanc sa girlfriend niya. Nakakainggit.

Hindi na nagreply yung kambal sa akin at natanaw ko na lang na naglalakad na papunta dito sa room si Blanc.

Ayan na naman, para na naman akong magkakaroon ng mental breakdown. Mas maganda pa nga nung hindi ko pa alam na special feelings na pala ang nararamdaman ko para sa kanya, at least noon ma-ttrato ko siyang parang wala lang.

Kunwari busy ako sa pag-doodle nung umupo na siya sa tabi ko. I don't want to acknowledge his presence and as much as I want pati sana feelings ko para sa kanya.

"Hi." Greet niya sa akin pero kunwari wala akong narinig.

"Hello." He moved closer, lumayo naman kagad ako at pinagpatuloy ko pa din ang pagsusulat ng endless loops sa papel.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryWhere stories live. Discover now