xxiii

95 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE
~🔹~

Para akong binuhusan ng isang buong glacier sa katawan. How could I have been so negative about it? Thinking back, una ko nga naman talaga nakita si Blanc before Bryon. Kaso iba lang talaga ang indication na dumating sa akin kaya akala ko si Bryon na talaga yung 'the one'

"Hoy." Malumanay na sabi sa akin ni Choco. "Sinasabi ko na nga ba eh, umasa ka na naman no?" Alam kong badtrip si Choco pero mas makikita mo sa kanya na nagaalala siya para sa akin.

"Hindi, meron lang akong na-misunderstood, ngayon ko lang na-realize." Mahina kong sagot sa kanya, getting another piece of the cigarette and lighting it up immediately. Jusmio, stress na stress na ang lola niyo.

"Kung yang na-realize mo ay tungkol kay Bryon na hindi karapat-dapat sa'yo, magpapapiging kami." Choco brushed my hair, may sasabihin pa sana siya kaso nag-ring bigla yung work phone niya.

"Alright. I'll be there." Maikling sagot ng kaibigan ko bago siya tumayo at inayos ang sarili. Nanghingi din siya ng alcohol sa akin at perfume para hindi daw siya mag-amoy yosi kapag humarap sa pasyente.

"Let's go?" Tanong niya sa akin. Hindi ako kumilos. Kailangan muna mag-sink in sa akin lahat. Alam ko kailangan kong magdiwang ngayon pero dahil sa sobrang daming bagay ang pumapasok sa utak ko, hindi ako makagalaw.

"Pwede mamaya na ako? Papaassist na lang ako kay Jovial palabas." Pagpapaalam ko kay Choco. Ano pa bang itatago ko eh nakita na ako ng may-ari ng ospital dito. Sabi niya naman okay lang na tumambay ako.

"Okay, just be discrete." Pagpapaalala ulit ng kaibigan ko sa akin. Kung alam mo lang.

Nag-nod lang ako saka umalis si Choco. Inubos ko na yung isang stick at matagal na lang akong nakatingin sa kawalan.

Ang problema ko na lang is paano ako mapapalapit kay Blanc kung hindi niya ako naalala? Kung sasakyan ko ang pakikipag-flirt niya, assurance na ba yun na magiging sa akin siya? What if friendly lang talaga siya? Eh hindi naman siya ganon dati. Ewan ko na!

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinignan ang sarili ko sa compact mirror na palagi kong bitbit. Saglit lang naman ako umiyak so hindi naman halata.

Nakatulala pa din ako habang naglalakad palabas ng smoking balcony. Tinabi na nila yung inubos kong wine at coldcuts kanina, patay na rin yung projector. Nakakahiya naman kung mag-oorder pa ako ng isa pa para lang mahimasmasan.

Sinalubong naman kagad ako ni Jovial and I gave her a small smile.

"Sinabihan ako ni doc Choco, okay ka na?" Tanong ni Jovial sa akin. Tumango lang ako sa kanya and then ginuide niya ako palabas ng wine and cheese bar.

Papalabas na rin sana kami ng lounge nung biglang tumunog yung badge from the bar and iniluwa ng pintuan si Blanc na kasalukuyang nagsusuot ng doctor's coat.

"I got her, Jov. You can go back." Blanc said to Jovial with a smile. Takte, kelan ba nagssmile 'to sa ibang tao? Hindi siya ganyan dati.

Halata naman kay Jovial na may HD siya sa boss niya. Kahit sino naman po kasi talaga magkakaroon ng HD sa lalakeng 'to. Ilang beses ko pa bang sasabihin na perfect ang genes niya para mapantayan ko talaga yung pagkaperpekto niya?

"Okay po, doc." Mahinang sabi ni Jovial saka siya nagmamadaling bumalik at nakatungo. Jusko, alam ko ang pinagdadaanan mo girl. Nakaka-intimidate talaga siya, kung hindi lang talaga kami nagsama sa time travelling, malamang hanggang ngayon nakayuko pa din ako kapag nagkakasalubong kami.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon