Chapter 75: REDRUM

573 12 10
                                    

Ayan palagi na ko nag-uupdate guys ah! Mag-ingay-ingay naman kahit kaunti. Insipiration lang ba!

This chapter is dedicated to you. I hope you like it!

***

(Sandra's POV)

"Loka-loka talaga yang syota mo bhest kahit kelan eh!" Natatawang sabi sakin ni Shea ngaun with matching hampas pa ng malakas sa braso ko

"Aray naman! Ang bigat talaga ng kamay mo kahit kelan eh!" Reklamo ko sakanya habang hinahaplos-haplos ko ung parte ng braso ko na sinapok nia. Kahit buntis na, hindi parin nagbabago eh

"Eh kasi naman eh! Nakakakilig to the highest level talaga ang ginawa ni Fafa Flynn!" Napangiwi naman ako sa sinasabi nia sakin ngaun. Kilig? Un ba ang tamang term dun? Parang hindi naman yata eh

"Kilig? Sigurado ka? Nagdrive kami buong araw. Nakakakilig na un sayo? Ang babaw talaga eh" Sabi ko sakanya ng sarkastiko. Ewan ko lang kung nahalata nia ba ung pagkasarcastic ko. Okay fine, hindi nga sya nakakakilig. KASE SOBRANG NAKAKAKILIG! HAHAHAHA

Nung sinabi kase ni Flynn kahapon sakin na 'he wanna get lost with me' eh tinotoo nga naman nia talaga. He drove and drove until we don't know where we were. Basta drive lang sya ng drive kahit saan nia maisipan. At ayun nga, nawala na kami to the point na kinilangan na namin ang tulong ng GPS ng car ni Flynn. First time ko atang nakitang ginamit nia un, ever. Ganon kami nawala. As in sobrang layo, inabot na talaga kami ng 10 ng gabi sa pag-uwi

All day habang nagdadrive sya, nag-usap lang kami ng nag-usap. Alam nio un? Ung hindi kami naubusan ng pinag-uusapan. As in nasa kotse nia lang kami the whole day at nagdrive sya. Kahit nga nung nagutom kami, nagdrive thru na lang kami sa isang fast food chain, huminto saglit at kumain parin sa loob ng kotse nia. As in talagang hindi kami lumabas ng kotse nia. Well, maliban na lang nung uuwi na syempre

Sobrang gaan ng feeling ko kahapon. Mixed emotions, really. I was very comfortable, happy and contented. Para bang nung mga panahon na un, I wanna stay that way forever. Para bang, wala na akong ibang mahihiling pa. Para bang, nandoon na lahat. I wanted the time to stop and just let me cherish every moment with him. Shemay, nagiging corny na talaga ako ngaun. At kasalanan 'to ni Flynn

"Nakakakilig kaya ung mga ganong klase ng date. Nakakasawa na kase ung palagi na lang dine in sa restaurant chorva. Napaka-cliche eh. Tsaka laos na ung mga ganong tactic. Gasgas na gasgas na eh" Hay nako talaga 'tong bestfriend ko eh. Inirapan ko na lang at tinuon ung atensyon ko kay Bambi na kasalukuyang natutulog sa lap ko. Grabe, lumalaki na si Bambi ko

It's Sunday afternoon at nandito kami ngaun ni Shea, nagrerelax sa alfresco sa may garden sa likod ng bahay habang umiinom ng tea. Pano kami lang dito ngaung dalawa sa bahay eh. Pano ung mga kasambahay day-off lahat. Si kuya may emergency meeting at si Stephanie?

Well wag nio nang tanungin. Kase kahit ako, hindi ko rin alam. Nagpaalam lang saming dalawa kaninang umaga na may pupuntahan daw syang kaibigan. Malay ko ba kung sino ung kaibigan na un eh hindi naman nagsasabi. Hinayaan na lang namin. Ayoko na rin naman ng intrigahin. Malaki na sya. Alam na nia kung anong tama sa mali

"So, anong reaksyon ni kuya nung sinabi mo na preggers ka na? Naiintriga ako" ano kayang reaksyon nia? Hahahaha!

Bigla naman napangiti si Shea "Ay bakla alam mo ba" panimulang sabi nia sabay ayos ng upo sabay harap sakin. Magkatabi kase ung mga inuupuan namin

"Oh?" Naiintriga na talaga ako

"Maniniwala ka bang napatalon ang kuya mo, as in literally ha, sa tuwa nung sinabi ko na?" HAHAHAHA! Si kuya, tumalon? Dahil sa tuwa? Bago un ah!

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon