Chapter 41: Unpredictable

4.1K 28 17
                                    

Musta guys? Mag-ingay naman kayo? Lagi na kong nag-uupdate eh!

***

(Sandra’s POV)

Pinagpapawisan na talaga ako dito ng malamig. Tulong ho please! Ang weird ng nararamdaman ko ngaun. May kung anong something sa tyan ko na ewan. Para bang nakalulon ako ng gamo-gamo! Tas ung puso ko naman parang madedettach na sa dibdib ko any moment

Nakahawak parin si Flynn sa kamay ko hanggang ngaun. Kanina pa ko tingin ng tingin sa wall clock ng room namen. Siguro it has been good 30 minutes na magkahawak ung kamay namen

Naloloka na talaga ako. Hindi lang ako naloloka para sa sarili ko, kundi naloloka na rin ako PARA SA KANYA. At bakit? Pano ba namang hindi eh tuwing kelangan mag take ng notes, hindi sya makatake ng notes kase ayaw bitawan ung kamay ko! Ano bang nakain ng unggoy na ‘to at ganito?

“Huy Flynn! Hindi ka ba magtatake ng notes?” tanong ko sakanya habang nagsusulat ako ng mabilis habang nagsasalita si Prof. Grabe lang kase ‘tong si Prof, walang pakundangan sa pagsasalita. Hindi nia ba alam ung salitang ‘PAUSE’?

“No” sabi nia ng hindi ng nakatingin saken pero nakangiti. Baliw na talaga ‘to! Baka nakahit-hit rin siguro ‘to ng rugby eh. Ilang bote kaya natira neto?

May bigla namang may kumatok sa room, at pumasok ung isa sa mga head ng Science Curriculum sa pagkakaalam ko. Nag-usap naman sila ni Prof

“Alright class, I’ll be back” sabi ni Prof sabay labas ng room kasama ung head nung Science curriculum. Yes! Makakapagdal-dal na naman ako mwahahahahaha!

Napatingin naman ako sa magkahawak na kamay namen ni Flynn. At syett! Hindi na ko magpapaimpokreta!

KINIKILIG AKO!!!! WAAAAAAAHHH!!!!!!

Napatingin naman ako kay Flynn. Nakatingin sya sa kawalan habang nakangiti na para bang may iniisip na kung ano na naman

“Let’s ge out of here” nagulat naman ako ng bigla syang magsalita. At ano daw? Get out of here? May sira na talaga ‘to sa ulo! Alam naman niang may klase pa eh

“Ang bad influence mo talaga kahit kelan noh?”

“What? It’s boring. And besides it’s just a lecture. It’s really not that important if you ask me” sabi nia nang pa cool. Madaling sabihin sakanya, palibahasa matalino!

“Madali lang yan para sayo pano kase matalino ka! Wag mo ko itulad sayo kase hindi naman ako kasing talino mo” sabi ko and rolled my eyes. Totoo naman eh. I should know better

“The I’ll let you copy and do your assessments. End of discussion” sabi nia ng derecho. Nanlaki naman ang mata ng lola nio sa sinabi nia. Tinitigan ko naman sya

“What?” inosente niang tanong saken

“Flynn Hernandez. You have completely lost your mind” sabi ko sabay iling at natawa. He can’t be serious right?

“No, Alexandra Funtanilla. You have lost your mind. Not me”sabi nia na para bang nang-aasar. Kunot noo ko naman syang tiningnan. At ako pa ang sinabihan nia nan?

“Hah! At ako pa talaga sinabihan mo nyan? I wonder why!” sabi ko ng sarcastic

“Haha! You wonder why?” tawang tanong nia saken

“Yes, I wonder why”

“Well you have totally, completely lost your mind if you reject my proposal. Too good to miss you know” sabi nia naman ng pagmamayabang. ‘tong talking monster na ‘to talaga

“Ikaw talaga kahit kelan talking monster ka” sabay irap sakanya. Wala ng matinong masabi eh

He smirked. Napatingin ako sa magkahawak nameng kamay ng bitiwan nia ung kamay ko sabay tayo at biglang kinuha ung bag ko pati na rin ung tatlong libro kong mabibigat

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon