Chapter 13: Talk to me later

5.1K 26 3
                                    

 

(Sandra’s POV)

“Ay ang chaaakaaalingggg!!”

Potakte talaga ‘tong si Shea oh! Hanggang dito ba naman?

“Anong nangyari jan sa eyesness mo? Bakit maga ng bongga-bongga?” –Shea

“Trip kong tusuk-tusukin ehh, angal ka?” nagtanung pa kung bakit maga? Malamang umiyak! Ano ba namang klaseng tanong yan

“Nako, back to normal Sandra na naman ang trip mo ahh? Ano ba best! Babalik naman yang kuya mo ehh, and don’t worry, nandito naman ako. Kakahurt kaya ng feelings na nakalimutan mo na nandito naman ako. Hmmph!”

“Hehe, sorry naman best” sabay yakap skanya. Ang harsh ko kase! Ewan ko ba, tuwing umaalis si kuya, palagi na lang akong ganito. Napakabugnutin at masungit. Buti na lang naiintindihan ako ni Shea

“Che! Napakabipolar po talagang gurlalu ka” – Shea. Haha! niyakap din naman nia ko

“It’s just that, I’m gonna miss my kuya so bad!” –ako

“Wushu. Si kuya mo nga ba talaga mamimiss mo?” sabay alis naman sa yakapan namin. Sinasabi neto?

“Ano?” –ako

“Oh baka naman isang taong nagngangalang Ethan?” sabay taas ng kilay nia

“Ano? Anong Ethan ka dyan ha? Bakit ko naman mamimiss un? Umayos ka nga” sumakay naman na kame sa kotse nila. Malalate na ata kame ehh

“Weh? Showbiz! Deny chorva ka pa dyan ehh”

Pero sa totoo lng, mamimiss ko nga talaga si Ethan. Hindi ko alam kung galit parin ba siya sakin oh hinde. Naguguluhan talaga ako sa lalakeng un ehh! Ang gulo ng utak. One second masungit sya sa sau, tas maya-maya lang bigla-bigla na lang hahawakan kamay mo. Kung hinde ba naman kasi weird talaga

Maya-maya lang ehh nakarating na rin kami sa school. Aba’y ang bilis! Wala na kase masyadong traffic kase 10 am na. Bute na lang

After ng first 2 periods namin ehh may calculus na naman!  Anak ng pating naman talaga oh! Makikita ko naman yang si talking monster. Patay na talaga ako sa bet na yan. Leshe!! Ano kaya ipapagawa sakin ng tangengot na un?

After 2 hours ehh ayan na! putek na calculus na. Walanjo naman talaga. Bat ba kasi ang bilis ng oras?

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon