Chapter 73: Bittersweet

688 19 16
                                    

Yan muna for now guys. Sensya na talaga pero writer's block ako eh. Sisihin nio ang Boys Over Flowers, Personal Preference at The Heirs. Sila naman ang may mga salarin ngaun. Sakanila kayo magalit.

Oh ayan, suhol na lang. Tingin sa kanan!

Salamat ng marami sa mga nag-iintay. Thank you thank you! I love you all!

***

 

(Sandra’s POV)

We walked out of my most favourite place in this campus, hand in hand and with a big grin plastered in Flynn’s face

Walanjo kung kanina lang kala mo mangangatay na ng tao. Tas tingnan mo naman ngaun? Kala mo wala ng bukas kung makangiti. Hindi pa rin talaga nagbabago si Flynn. Bipolar parin eh

Napatingin ako sa mukha nia. Bwisit nakangiti parin. Eh kung tinatadyakan ko na kaya sya ngaun? Makangiti parin kaya sya?

Pero syempre joke lang un noh. Asa naman kayo na tadyakan ko yan. I love him too much for that

Shet ang corny, ayoko na nga! Bakit ba nawawala ako sa sarili? Siguro gutom na ‘to. Nakaramdam na kase ako ng gutom kanina. Napatigil at natawa pa nga si Flynn ng marinig nia ang nag-aalburuto ko na tyan. My stomach saved me!

Kala ko kase hindi na nia papakawalan ung labi ko. Buti na lang si tyan na ang pumigil samin. Saved by the bell! Haha. Kuwawang Flynn. Imbes na madisappoint, naawa ata sakin

“When was the last time you ate?” seryoso niang tanong sakin habang papunta kami sa parking lot. Patay. Kelan nga ba ung huling kain ko? Kahapon ng tanghali pa ata? Ewan ko

“Ano ka! Kumain ako kanina bago pumunta sa ospital!” medyo liar!!!!!!!!!!

“Right” sabi nia in a sarcastic tone. Am I that bad of a liar? Pati pagpapaniwala ko na busog ako eh mahirap gawin? Oh baka sadyang magaling lang talaga ‘tong si Flynn manghula? Madam Auring, is that you?

Napansin ko naman na kinuha nia ung phone nia at nagtext. Masama yan! Texting while driving? “Hoy Flynn delikado yan!” Sabi ko sakanya. Napatingin sya sakin at binalik na ung phone nia sa dalawang cup holder in between us

Pano ang laki-laki kase ng cellphone nia kaya hindi kasya sa phone holder na nakadikit sa dashboard ng kotse nia. Ikaw ba naman ang magmay-ari ng isang Samsung Galaxy Note III? Good luck sa buhay mo

“Flynn hindi ka ba nalalakihan dyan sa cellphone mo?” Sabi ko sakanya habang nakatitig sa gigantic phone nia. Call me exagge, pero malaki talaga eh. Everytime na naglalakad kami, palaging pinapahawak nia sakin un or pinapalagay nia sa bag ko kase hindi kasya sa bulsa nia. Tas nung minsan naman na hiniram ko un at nakitext nung naglowbat ako, hindi ko man lang magamit with one hand. Kelangan talaga na dalawang kamay ko ung hawak. Ganon kalaki. Napatingin sya uli sakin

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon