Chapter 40: Heart Attack

4.1K 30 33
                                    

May update na naman! Ganda ko talaga hahaha!

Ano connect? Pagbigyan! Haha

Gusto nio ng DEDICATION? Message me *wink wink*

***

(Sandra’s POV)

“My question is, did you kiss somebody else yesterday except me?”

O.O

Teka, parang hindi ata ako nakahinga ng mga 5 seconds sa tanong nia. Napahawak naman ako sa lalamunan ko at napalunok sabay tingin sakanya. Nababaliw na ba’tong lalaking ‘to?

“Huh?” hindi ko alam isasagot ko. Well, technically actually alam ko naman talaga ung isasagot sa tanong nia! Nagulat lang talaga ako. Ikaw kaya on the spot? Tingnan naten kung hindi ka ba malagutan ng hininga?

At alam nio ba kung ano ang kagulat-gulat sa lahat? Bigla na lang syang tumawa! Psycho na ata ‘tong taong ‘to. Kanina lang sobrang seryoso na kala mo eh papatay ng tao! Ngaun naman kala mo eh mamamatay sa kakatawa!

“HAHAHAHA! You should have seen your face! Priceless! HAHAHAHAHAHAHA!” sabi nia ng tawa ng tawa

Tiningnan ko naman sya ng masama. Sige lang, tawa pa. Nang ikaw naman ang malagutan ng hininga! Tingnan ko lang kung makatawa ka pa

“Tapos ka na?” seryosong sabi ko sakanya sabay alis. Huminto naman na sya sa kakatawa. Napansin na nia siguro na hindi na ko natutuwa sakanya

“Sandra!” tawag naman nia saken. Ewan ko kung sinusundan ba ko neto oh ano. Pero bahala sya. Nanggigil ako sakanya ngaun. Lalo na ang bigat pa ng mga dala kong libro ngaun. Masamang combination ‘to sinasabi ko sakanya

Dumerecho na ko sa room. Medyo iilan-ilan pa lang ung mga tao dito sa classroom. And the usual. Ignore ko silang lahat lalo pa’t sasabog na ko ngaun. Subukan lang nila kong kausapin. Makikita nila!

Pagka-upo ko sa pwesto ko eh nilagay ko naman ung bag ko tska ung tatlong mabibigat na libro sa pwesto ni Flynn. Subukan nia lang umupo dyan, makakatikim sya saken

Maya-maya naman hindi katagalan, biglang pumasok si Flynn sa room. Bigla na naman syang tumingin sa dereksyon ko. Nako, makakasapak ata ako ng tao ngaun

Naglalakad naman na sya papunta dito sa pwesto ko. Bulag ba yang taong yan? Hindi nia ba nakikita na occupied na ung upuan nia? Baka ihagis ko sakanya ‘tong tatlong libro na nasa upuan nia. Makakakita sya ng totoong bukol! Sa noo nia nga lang!

Papalapit na sya ng papalapit. Nako Alexandra pigilan mo sarili mo! Ayaw mo magkaron ng bad records sa school na ‘to!

Nung sobrang lapit na sya saken, as in mga apat na hakbang na lang ata eh nagulat naman ako nang may biglang humarurot sa tabi ko at naapakan ung kaliwang paa ko ng heels nia at lumapit kay Flynn. Bigla naman nagulat si Flynn nung napa ‘aww’ ako sa gulat, pati na rin sa sakit ng paa ko dahil sa lecheng heels ng kung sino man yan!

“Hi Flynn!” sabi nung babae na pumigil kay Flynn papunta saken. At sino naman ‘tong babaeng ‘to? Lalo akong gusting sumabog! Nasira tuloy ung cutics ko!!!!

“Uh hello?” alanganin na sabi ni Flynn dun sa babae. Grabe lang ‘tong babaeng ‘to. Biruin mo ba naman na naka sando at maikling shorts? Napagkamalan nia ata na kalye ‘tong school

Aalis na sana si Flynn sa harap nia ng pigilan na naman sya nung babae. ANO BA NAMAN YAN! SINO BA YANG BABAE NA YAN? NAPAKA-EPAL!

Nung lilipat naman si Flynn sa ibang direksyon para lang makatakas sakanya eh dun din sya pumunta. Ano ‘to? Hindi ko alam na nabalik na pala sa uso ang patintero? Bakit hindi nio man lang ako sinabihan ng nakasali naman ako!! Nakakahiya naman sa inyong dalawa kayo lang ung naglalaro!!!!

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon