Chapter 63: Fix

3.3K 22 13
                                    

(Sandra’s POV)

“Sige po tita”

“No problem po”

“Sus tita it’s okay really. You don’t have to worry”

“We will”

“Ingat po kayo dyan ni tito. Send my regards to him”

“Thank you po. Bye”

I just got off the phone from tita Esmee. Sya ung only sister ni mama na nanay netong si Pres

Hindi ko alam kung san nia nakuha ung number ko. Nagulat na lang ako na may private number na tumatawag saken. Nung una hesitant pa ko na sagutin. Buti na lang pala sinagot ko, since si tita lang pala un from Australia

Tumawag sya sakin para paki-usapan sakin ung anak nia. Kaya pala sinend nia si Presston dito sa Pilipinas to teach him a lesson

Palibhasa mayaman sila, Pres always get off so easily dun. Wala na daw ibang ginawa kundi gumala with his barkadas, papalapit-palit daw ng mga babae, hindi marunong magseryoso at palagi daw nasa bars and clubs kahit hindi pa sya in legal age

Natakot si tita na baka lumala pa daw dun si Pres, so that’s how tita and tito decided to send him here. Para malaman daw nia how to live simply. Walang credit at debit cards, walang magagarbong kotse, at walang late night outs

It’s true din pala na they’re sending him to study sa Cebu. Hindi ko alam kung bakit sa Cebu, eh pwede naman dito. Where I’m studying

Naexplain naman ni tita na kapag dito daw ipagcollege si Pres, for sure magiging ganun pa din daw ung lifestyle nia tulad sa Australia. Since nga naman, nandito kami ni Kuya Aly. We can provide his needs and tita doesn’t want that

She wants Pres to stand on his own feet. So basically mag-aaral sya dun, prestigious school parin naman daw ung papasukan nia, kaso magpapart time job daw si Pres sa isa sa mga coffee shops nila tita dun

Nagmamay-ari kase sila dito ng mga well-known na classy coffee shops all around the Philippines. Marami na rin silang mga branches dito, at isa na nga ung sa Cebu

Pinaki-usapan ni tita ung mga staff dun sa coffee shop na wag daw tratuhin na anak ng may-ari si Pres. Kelangan daw nila magpretend na hindi daw nila kilala si Pres and treat him like an ordinary guy

Grabe, nakaka-awa lang si Pres. I wonder kung how is he gonna react to all this? Mukhang nakikinita ko na ung reaction nia, at hindi maganda

Lumaki sya ng magarbo, laki sa yaman at spoiled. This will be a total transition phase of his life. Alam ko naman na para na din un sa ikabubuti nia

Dito na sya nagstay since he got here yesterday. At bukas na nga ang flight namen papuntang Cebu

Yes, nakakalokang isipin pero sasamhan ko sya dun. Nagpromise ako kay tita na sasamahan ko sya dun and I’m not gonna let her down

Just for the weekend lang naman. Tutulungan ko lang sya magsettle, imake sure ung spot nia sa university na papasukan nia, ayusin ung apartment na inihanda para sakanya ni tita and lastly, ung pagpapart time nia dun sa coffee shop nila

Pumayag naman na si kuya samahan ko si Pres sa Cebu. Sya na daw bahala kay Steph. Nakita na sya nung PI, she’s staying at her friend’s sa Tagaytay. Okay naman daw si Steph. Pero hahayaan muna sya ni kuya. Papasundan na lang sya palagi for her safety na lang

Naaawa na nga ako kay Flynn since ilang beses na nia kong niyaya na lumabas. Pero palagi wala akong time or may inaasikaso. Tulad na lang ngaun, ung situation kay Pres

Papunta ako sa school to meet Flynn there. Isasama ko si Pres since sobrang naboboringan na daw sya dito sa bahay. Hindi ko pa pala nababanggit kay Flynn si Pres. Tsaka ko na sasabihin sakanya pagkita namen mamaya. Buti na lang pumayag na sya ngaun na magdrive na ko

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon