Chapter 66: Confirmed

2.8K 41 24
                                    

AWEE! MDNFIL is back again!

Musta guys? Tagal ko bang nawala?

***

 

(Sandra’s POV)

Time is so fast talaga at akalain mo eh maghahalloween na pala. Grabe lang talaga at halos hindi ko na namamalayan ang mga lumilipas na araw

Parang nung kelan lang eh asaran pa kami ng isang lalaking nagngangalang Flynn Hernandez. Tas tingnan mo naman na kami ngaun? Magka-ibigan na hahahaha! Ang corny ko lang. Sarap kong batukan

At since Halloween is coming na nga, eto kami ngaun on the way sa isang theme park. Ewan ko ba dito kay Shea at bakit naisipan na pumunta. Feel nia daw pumasok sa isang horror house at sumakay sa horror train. Kung ano-ano na naman naiisip gawin eh

At kung sino-sino kami? Actually marami kami ngaun. Ako, si Flynn, si kuya Aly, si Shea, si X, si Black, si Hillary, si Kate, oo ung pinsan ni Flynn, si Pres na nakastay samin habang bakasyon at si Steph

Yes, si Steph, kasama namin sya ngaun. Sobrang laking tuwa ko nung she suddenly showed up in front of our door 3 weeks ago

Narealize nia daw how sad her life is without us. Napagisip-isip nia rin na kahit papano, kadugo parin namin sya ni kuya. So why would she runaway? I felt so relieved after that. At last, magkakasama-sama na uli kami. Back to normal na rin sa wakas

“San tayo una?” tanong ni Steph samin. Syempre malamang sa malamang, partner-partner since may mga lovebirds dito haha. Kami ni Flynn, si kuya at Shea, X at Hillary, si Black at Steph na hindi ko alam kung may namamagitan na ba sakanila. At syempre ang natitira? Si Pres at si Kate

Nilakihan ko naman ng mata si Pres ng napapansin ko na dumadamoves sya kay Kate. Nako po, nandito ang pinsan nian. Lagot ka talaga Presston pag hindi ka umayos dyan

“Edi syempre sa haunted house!” cheerful na sabi ni Shea. Hindi naman halata na  excited eh noh?

“Seriously?” parang hindi makapaniwala na tanong ni kuya Aly sakanya “So gay” dagdag ni kuya. Natawa naman ako

“So gay ka dyan! Sapak you want?” banta naman ni Shea sakanya. Ang brutal talaga eh. Parang hindi babae

“Hahaha! This will be fun!” sabi ni Steph sabay hatak  kay Black na bored din ang mukha. Tumingin ako kay X na ganun din ang reaksyon. Tiningnan ko naman ung katabi ko na kanina pang walang imik at nakabusangot ang mukha. Ano bang problema sa haunted house? Mga scared?

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon