Hey!? You! ILY [Special Chap. II]

256 13 1
                                    

                                     

Hey!? You! ILY [Special Chap. II]



-----

Esvher's Point of View.


"Uy, Esvher. What's bring you here? At anong hangin naman ang nagtangay sa'yo rito?" Tanong sa'kin ng Secretary ng magaling kong tatay--na galing pa sya sa station nya na puro sandamakmak na papel ang nasa mesa.  Habang papalapit sya sa'kin, naka smirk sya at may nilalarong mansanas sa kamay.



Psh! Pa cool pa.


Nakaupo ako sa couch---rito sa loob ng office ng dad ko but hindi mismo sa pinaka loob. Ang opisina kasi nya masyadong mahigpit, papasok ka sa unang pinto para dumaan sa Secretary nya para i-check kung may appointment ka sa boss nya.



Dito sa loob, dito mo matatagpuan ang mismong opisina ng Dad ko. Kaya kahit tatay ko sya hindi ako basta basta makapapasok na lang sa pinaka opisina nya dahil daraan mo na ko sa Tigre na ito.



At itong si Fernandez, matagal ng secretary ng Tatay ko, hindi lang halata dahil 29 years old pa lang sya. Itsura palang mukha ng bata.


"Huwag kang pa-inosente dyan, Fernandez. You know the reason why I am here. At kung anong hangin ang nagtangay sa'kin ito? Simple lang..." Tumayo ako at nakipagsukatan sa kanya ng tingin. "... Hanging pakikipag konfrontasyon."



Bigla syang ngumiti. At base sa ngiti nya, alam kong natutuwa sya sa inaasal ko sa harapan nya. Magsasalita sana ulit ako ng may maramdaman akong magaspang na kamay sa braso ko.


Napayuko ng kaonti si Fernandez, ako naman napalingon sa taong nag ma may-ari ng kamay na 'to. "Go back to your work, Fernan." Malamig na utos ni Dad kay Fernandez. "Yes Sir."  Normal nitong sagot. Bago nya kami iwan, nginitian nya ako ng may kakaiba.



"Sumunod ka."  Nabaling ang tingin ko sa Tatay ko habang naglalakad sya papalayo and he is now heading in his office.


Tahimik akong sumunod sa kanya. Pagkapasok ko sa loob, nadatnan ko syang nakatanaw sa labas ng bintana nya at mukhang malalim ang iniisip.



"Dad. I want to stop this freaking arrangement." Pukaw ko sa kanya ngunit para bang wala syang narinig dahil wala parin pagbabago ang anyo ng itsura nya at kung pano ang tindig nya.

Blangkong mukha at professional na tayo. Nasa likod ang parehong kamay habang naka-chest up and stomach in. Ganun. Ganun sya sa paningin ko. Lahat. lahat ng bagay para sa kanya business. Maging akong anak nya, ang turing nya isang bagay na may malaking halaga.

Hey! You?! I LOVE YouWhere stories live. Discover now